Chapter 19

198K 7.5K 2.2K
                                    


 Namayani ang katahimikan ng ilang sandali. Hindi nakaligtas sa kanya ang marahas na paghinga ni Saulo. Nanatiling kalmado ang expression ng mukha niya. She was nervous. May pangamba siya, may takot na hindi maipaliwanag. Maiintindihan ba siya ni Saulo? A man like him would definitely freak out. Kanina lang ay tinatanggihan niya ito but now she was offering him of a free live show.

He had every right to look at her with suspicion. Advanced itong mag-isip, malamang hinahanap na agad nito sa isip kung ano ang intensyon niya. Hawak pa nito ang ice cream, natigilan ito sa paglantak doon. Matutunaw lang iyon kung hindi magagalaw.

"Okay ka na dyan?" tanong niya saka muling kinuha dito ang cup at inubos iyon. Nakatikom ang labi ni Saulo habang pinag-aaralan siya. Try harder.

"The idea was crazy, right? Forget it. Wag mo nang isipin," sabay bawi niya. Alam niyang hindi nito maiintindihan kung bakit niya kailangan gawin 'yon.

"You wanted me to watch you touch yourself."

Her blood pumped at the raw lust in his voice. His features darkened as he stared at her mouth, then drifted to her throat down to her long legs. Napaayos siya ng upo at pinagdikit ang kanyang mga binti. Tila may silab ng apoy ang mga titig nito sa kanya, mapapaso siya kung hindi ito titigil.

"Pwede ka tumanggi. Hindi kita oobligahin na pumayag."

"You want to do it now? Fine."

"Not tonight."

"Bakit hindi ngayon?" tanong pa ni Saulo. Bahagya siyang napakunot-noo. Di siya sigurado, pero may naririnig ba siyang excitement dito?

"Kailangan ko pa mag-prepare bago gawin 'yon." Ipinatong niya sa mini table ang baso. "Anong oras na din naman ngayon. It can wait."

"How about tomorrow after work? We can book a hotel room."

"Hindi na kailangan. May set up naman ako sa kwarto."

At bakit may pa-hotel room pa? That's totally unnecessary.

"Naliliitan ako sa unit mo."

Napatingin din tuloy siya sa tinutuluyan niya. What's wrong with it? Sakto lang sa kanya ang lawak nun.

"Di ko kailangan ng malaking space. Okay na ako dito para hindi masyadong nasasaid ang sahod ko sa pagbabayad."

Salubong ang kilay ni Saulo sa sinabi niya. Agad niyang nagets kung bakit ganon ang reaksyon ng boss. "No, no, it's not because of my monthly income. Okay ako sa natatanggap ko mula sa kompanya. Hindi lang talaga ako high maintenance. Nagtitipid lang ako para kapag mag-resign na ako—"

"What?"

"Matagal pa naman 'yun." Pinaningkitan siya nito ng mata. "What's wrong? Eventually magreresign din ako. It's not like habambuhay mo akong magiging assistant. I need to explore other opportunities in the future. May tatlong taon pa nasa thirties na din ako. I have to prepare for my future. Di papayag ang Nanay ko na tumanda talaga akong dalaga," defensive na sabi niya.

Sensitibo dito ang usapin ng pagre-resign niya, pero dapat malaman din nito na hindi habambuhay siyang magiging tagasilbi nito.

"I don't like this place for you. I can get you a large condo unit."

"Excuse me?"

"Nangungupahan ka lang ngayon. Bibigyan kita ng mas malaking space at malapit sa opisina natin. You don't have to pay for it."

She frowned at him. "Hindi ka magdedesisyon sa titirahan ko. I like this place for me. Di ko kailangan lumapit. Malapit pa din ito sa opisina kaya walang problema."

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon