Chapter 38

136K 3.9K 446
                                    


"What the fuck?"

 Naibuga ni Saulo ang kape. Pinigil ni Eina ang mapangisi nang marinig ang pagmumura nito. Palabas na sana siya sa opisina nito pagkatapos ibigay ang kape na tinimpla niya para dito. Nananahimik siyang sumasagot sa mga email, tinambakan pa siya ng gawain pagkatapos uutusan pa siyang magtimpla ng kape? Tanghaling tapat?

Akala ba nito nakalimot na siya sa usapan nila kagabi? Hindi mapagpatawad ang kanyang puso. Hmp.

"Ano na naman 'to?"

Nagkunwaring nagulat ang dalaga at napalingon dito. Pinupunasan nito ang bibig, hindi maipinta ang mukha. Gusto niyang humalakhak. Kaunti lang ang asin na inilagay niya.

"Bakit, Sir?"

"Bakit?" sarkastikong balik nito sa kanya, masama ang tinging ipinukol sa kanya. "You're really asking me that question? Bumalik ka dito."

Nagmaang-maangan si Eina, dahan-dahan na humakbang. "May problema po ba?"

"Bakit maalat 'to?"

"Maalat? Nilagyan ko naman ng asukal 'yan. Baka naman iba lang ang panlasa n'yo. Subukan nyo ulit inumin."

Demonyita ka din talagang tunay, Eina!

"Mukha ba akong natatamisan sa kape mo?"

"Sige, Sir, lagyan ko na lang ng asukal 'yan."

Lumapit si Eina para damputin ang baso nito. Pigil na pigil niya ang kanyang tawa. Pinukol ni Saulo ng naghihinalang tingin ang dalaga.

"Galit ka pa rin ba sa akin? Because of what I've said last night?"

Umiling siya, hindi nakasagot sa tanong nito.

"Eina," may babala sa tinig nito. "I don't understand why you're still upset. It was just one joke, it's not even offensive for you to be mad at. Hindi ko inaasahan na sobrang palalakihin mo pa ang simpleng bagay na iyon. But if you're still mad, go on. Be mad at me. But please do your job. This is really petty and too much. I want you to act like a professional when you're in my office. Do you understand?"

Nanatili siyang tahimik hanggang matapos itong magsalita.

"Bitawan mo na 'yan. Iuutos ko na lang kay Tom. You can go now."

Gayon na lang ang talim ng tingin ni Eina sa pinto ng opisina nito nang bumalik siya sa desk niya. Parang gusto niyang kumuha ng isang hibla ng buhok ni Saulo at mag-print ng larawan nito para ipadala iyon sa mambabarang. Ano daw ang sabi? Umakto siyang professional kapag nasa opisina nito? Kung ganon deserve na pala niya ang masibak sa trabaho sa sobrang unprofessional ng ginawa nila sa couch nito. Kung meron man sigurong unprofessional sa kanilang dalawa, ito 'yon! She couldn't even believe that she let him filled her throat with his load on his couch and now he had the audacity to tell her about being professional in his office?

May point naman siya. Bakit mo naman kasi lalagyan ng asin ang kape nung tao?

Kinalma ni Eina ang sarili. Hinayaan muna niyang lumipas ang buong araw na hindi siya umiimik kay Saulo. Tila dumistansya din sa kanya ang lalaki. Naramdaman niya ang naging pag-iwas nito na kausapin siya. Sa email nito ipinadaan lahat ng ipinapagawa sa kanya at si Tom ang umasikaso ng mga bagay na siya dapat ang nagdadala dito.

By the end of the day, narealize ni Eina ang naging pagkakamali niya. But she was not ready to apologize to him. Ang taas ba ng pride? That's not it. Bigla lang siyang nahiya sa kanyang ginawa. That's really petty of her. Hindi siya normal na ganoon at hindi niya alam kung paano niya maju-justify ang ginawa niya. Kahit ang kanyang sarili ay hindi makapaniwalang umakto siyang ganon.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressWhere stories live. Discover now