Chapter 21

210K 6.6K 1.3K
                                    


"Uuwi na ako d'yan."

Kausap niya sa telepono ang kanyang Nanay habang naghahanda ng almusal niya. Maaga din itong magising, nakasanayan na sa probinsya na madaling araw lang ay nagigising na. Parang 'yong mga abuela lang niya noon na alas kwatro pa lang ay gising na. Nakasanayan din niya iyon noon. Nabago lang nung maging sobra siyang abala sa trabaho. Sapilitan na ang bawat pagbangon sa umaga. Gusto pa niyang ibato ang telepono kapag tumunog na ang kanyang alarm.

Nagulat ito sa anunsyo niya. "Uuwi ka? Aba, akala ko ba masyado ka pang busy dyan sa trabaho mo kaya hindi ka makapag-leave? Nag-resign ka na ba?"

"Hindi naman. Gusto ko lang kayo makita ulit."

"Uwi ka kung pwede ka, eh. Pero kung hindi maaari, ayos lang naman. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo. Ikaw lang ang iniisip ko, nakakapagpahinga ka pa ba?"

"Kagagaling ko lang sa bakasyon, 'Nay. Isinama ako ng boss ko sa business trip niya."

"Mabait naman pala 'yang boss mo."

Napangiwi na lang si Eina. Maraming beses na niyang pinagsalitaan ng kung ano-ano si Saulo sa likod nito. Di na niya mabilang kung ilang beses niya itong naikwento sa kanyang Nanay.

"Mabait lang kapag nakapikit. Naku, di nyo pa nakitang magmaldito 'yon! Matibay lang talaga ako 'Nay, kaya ako ang nagtagal."

"Pagpasensyahan mo na, ganun talaga mga tumatandang binata."

Napahagalpak siya ng tawa.

"Kaya ikaw wag kang magpapaka tandang dalaga! Sinasabi ko sa 'yo, mahirap walang nagmamahal!"

"Mahal ko naman sarili ko, huh?"

"Naku po, kayo talagang mga millennial kung mag-isip kayo! Malungkot ang maging mag-isa sa buhay!"

"Di naman malungkot maging mag-isa, mukha lang malungkot minsan kasi ubos na pera."

"May mga bagay na hindi nabibili ng pera, Eina."

"Weh?" Kumagat siya sa sandwich. "Try ko nga bumili ng lalaki para hindi na kayo mangambang tumanda akong mag-isa."

"Que horror, Eina!" Mabubulunan siya sa kakatawa sa reaksyon nito. "Magbabayad ka? Aaksayahin mo 'yang dugong Australyano at Espanyol mo! 'Yan na lang ambag sa 'yong tatay mo!"

Baby pa siya nang umalis ang tatay niya at bumalik sa Australia. Hindi na nito binalikan ang nanay niya. Sa old pictures na lang niya ito nakita.

"Sabi pa Tiya mo kung kelan ka tumanda, saka ka daw naging manang."

"Eh di ba 'yon naman ang gusto nila. Sila 'tong panay saway sa akin noon na huwag magdamit ng maiksi," umasim ang mukha niya nang maalala ang mukha ng mga Tiya niya sa probinsya. Walang ibang ginawa kundi bantayan ang galaw niya.

"Naiinggit lang 'yon. Wala siyang anak na maganda."

"Grabe ka sa mga pamangkin mo!"

Humagalpak ito sa kabilang linya. Nakikita niya ang mga halaman sa background nito. Naka-video call sila kaya nakikita nila ang isa't isa.

"Totoo naman, aba! Hindi nakukuhang muse anak niya! Pang-money contest lang!"

Madalas na hindi nila kasundo ang mga tiyahin niya. Tuwing makukuha siyang muse at pumapayag agad ang Nanay niya nakakatanggap ito ng lait sa kapatid.

"Panay pinagmu-muse mo anak mo, saan ka kukuha ng pangbayad mo sa mananahi? Mangungutangan ka?" Ganon ang mga maririnig nito, pero ang Nanay niya bingi-bingihan lagi ang drama.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressWhere stories live. Discover now