Chapter 22

223K 7.1K 2K
                                    

 Ang sosyal naman niya. Kailan pa siya yumaman ng bongga para ma-afford magpasahod ng bodyguard?

Pasimple niyang nilingon si Saulo. Nakatingin ito sa cellphone nito habang nakasunod sa kanya. Salubong pa ang kilay ng binata habang nagtatype. Mukhang may natanggap pa yata itong importanteng text kaya sinasagot nito.

Nasa isang kilalang supermarket sila ngayon sa BGC. Ang sosyal talaga! Gusto niyang magpreno at bumalik na lang sa opisina. Hindi naman siya doon namimili. Pero wala siyang choice dahil nang sinabi niyang supermarket doon siya naisipan nito dalhin.

Ito kaya pagbayarin niya sa lahat ng bibilhin niya. Ano kaya?

Mayamaya ay tumunog ulit ang hawak nito. "Hideo."

Para siyang chismosa, narinig agad niya ang pangalan ng kapatid nito. May panibago na naman bang problema na dala ang isang 'yon?

Kinalabit siya ni Saulo, "May kakausapin lang ako. Babalikan kita."

Tumango siya at nakahabol ang tingin sa likod nito habang lumalayo.

Pansin lang niya tuwing kausap nito ang mga kapatid o kung sino man sa mga Villeda, parang laging puno ng tensyon ang katawan nito. He was the eldest of the Villeda's. Mas malaki talaga ang responsibilidad nito kesa sa mga kapatid nito. Alam niya ang nakaraan na meron ang angkan nito. Hindi naman iyon sikreto lalo na at matagal na siyang namalagi sa corporasyon ng mga ito.

Kelan lang ay idineklara ang Villedas na pasok pa rin sa Top 50 na pinakamayaman sa Pilipinas. Nakabangon na ulit sa pagkalugmok ang mga ito kumpara nung nakaraang dalawang dekada. Dumanas talaga ng sobrang hirap ang mga pag-aaring kompanya. Nawala ang napakaraming land properties at pati na din ang impluwensya sa mga probinsya sa South Luzon.

Hindi naman tuluyang nabura ang impluwensya ng angkan, namayagpag pa din sila sa Central Luzon at sa ilang parte ng Visayas, lalo na sa Cebu at Iloilo kung saan nakabase ang ilan sa negosyo ni Sergio Villeda.

Tuloy pa din sa pamamayagpag ang mga kalaban nito sa negosyo at politika. The Monasterios, Salvatores and Di Salvos were still on top of their game. Halos na-okupa ng mga iyon ang buong industriya. Nanatili sa mataas na pwesto ng gobyerno ang ilan sa mga miyembro ng angkan at napanatili ang kapangyarihan sa mga probinsya sa bansa.

Marami pa din namang mayamang pamilyang kadikit ang pamilya ni Saulo kaya di ito tuluyang nawala. All thanks to Sergio Villeda. Muling bumangon ang pamilya nito pagkatapos nitong pakasalan ang step-mom ni Saulo. Galing din sa yaman ang ginang.

Minsan nahihilo siya pag naiisip niya kung gaano kakomplikado ang mundo ng mayayaman. Ang hirap din siguro maging alta. Parang teleserye din ang agawan sa kapangyarihan. Gusto na lang niya maging hampaslupa.

Hanggang ngayon hindi pa rin magkasundo ang mga magulang ni Saulo. Hindi pa niya nakikitang bumisita si Mrs Salvatore sa anak nito. Nakikita niya ang schedules ng binata, kung saan ito pumupunta, ano ang mga activities nito. Kahit simple lunch meeting kasama ang ginang, wala siyang natatandaan na ini-schedule.

Teka bakit ko ba iniisip pamilya nila? Di ka magiging dawter in law! Bawal hampaslupa sa pamilya nila!

Napaangat ang kilay ng dalaga.

As if naiimagine naman talaga niya ang sarili. Kung mag-iimagine siya ng imposible, iyon ay ang makapagbakasyon ng isang buwan at walang trabaho!

Well, hindi lang mapigilan sumagi sa isip niya kung gaano kahirap sa parte ni Saulo na magkaaway ang both side ng family nito. Kung sakaling lumaki ito sa mga Monasterio, mas magiging ayos kaya ang turing kay Saulo ng mga miyembro ng pamilya nila? Siguro naman oo, bilang nakikita niyang okay lang si Lucian sa binata.

TEMPTATION ISLAND: Midnight Mistressजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें