Chapter 37

131K 3.9K 443
                                    


  "You did a great job today, Eina. I already saw your pictures. So good! Baka kapag nagkaroon ka ng billboard sa EDSA ikaw pa maging dahilan ng traffic doon?"

"Eh di ba lagi naman talagang traffic doon," sabi ni Eina.

Nagtawanan sa mesa. Naroon sila sa hotel nag-dinner kasama sina Gigi, Ylanna at Caio. Maagang nagpaalam si Farah. Nagpaiwan naman ang isa pang modelo na kasama sa shoot. Nakaupo ito ngayon sa tabi ni Saulo. And the woman was flirting with him.

"Naisipan mo na bang mag-change career?" tanong bigla ni Caio. Nakaupo ang lalaki sa kabilang side ng table. "You're still young. It's not too late to be a supermodel."

Nag-aalangan na umiling si Eina. Nasa harap lang niya si Saulo. Bawal sumagot ng mali!

"Wala akong plano."

"Why not? Tutal nasimulan mo na rin lang, bakit hindi mo pa ipagpatuloy? Saan ka ba ngayon nagwo-work?"

Nabigla si Eina sa tanong ng lalaki sabay tingin kay Saulo. Nakita niya din na napasulyap si Gigi sa binata.

Tumawa pa ito para hindi magkaroon ng tensyon. "Ano ka ba, Caio! She's already working with Saulo."

Namilog ang mata ng lalaki at saka lumipat ang tingin kay Saulo. "Oh, I don't know that."

Nag-apologize si Caio.

"That's fine."

Wala pa kasi si Caio nang dumating sila na magkasama ni Saulo.

"Holy shit, that's really nice. I'm not aware that you're working with SVD."

"She's working with me for four years now. Kung gusto niyo syang sulutin para gawing talent, kailangan n'yo munang dumaan sa akin." Seryosong sabi ni Saulo.

Napahawak si Gigi sa dibdib. "Bakit parang nananakot?"

"Especially you, Giselle."

"Grabe ha. Wala pa naman akong ino-offer kay Eina."

"I know you."

"Pero kung ako si Eina, magre-resign na ako ngayon bago pa lumabas pictures mo."

Napatanong siya. "Bakit?"

"Mamaya na ako mag-tell."

Naningkit ang mata ni Saulo. "Wala nang mamaya. Aalis din kami ni Eina pagkatapos nito."

"Magwowork pa rin kayo mamaya? Sobrang late na." sabat ni Natasha sa tabi nito.

"Yeah. That's normal for us."

"Iwanan mo na lang muna sa kanya. Since you're the boss, sumama ka na lang sa amin. Let's go for a drink!"

Aba, salbahe! Mas lalong hindi siya magpupuyat ngayon 'no. Uuwi na lang siya para matulog.

"That sounds nice."

Tatanggi ba naman si Saulo? Hinintay niya na sumagot ito habang iniinom ang kanyang cucumber juice.

"Cool, so you're going with us?"

"No."

Inubo si Eina sa naging sagot nito. Feeling pa niya pumapasok yata sa ilong niya ang iniinom. Napatingin siya sa reaksyon ni Natasha at lumipat sa nakangiting lalaki sa tabi nito.

Ang demonyo talaga ng isang 'to.

Nag-aalalang inabutan naman siya ni Ylanna ng tissue. "Ayos ka lang, girl?"

"Thanks."

"Interested ka ba sumama sa shoot next week?"

Napakunot-noo si Eina. "Shoot para saan?"

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon