Chapter 51

114K 3K 443
                                    



 "Huh?" Napatanga ang dalaga. Napakabilis naman pumorma ng lalaking 'to. Wala pa yatang isang oras na nakikilala siya, lumalandi na sa kanya. Basang-basa na niya ang mga tipo ni Dax. Tataya si Eina. Walang duda! Babaero ang tinamaan ng lintek.

"Tangina, ang korni mo angkol!" hirit ni Silas na narinig ang banat ng tiyuhin nito.

"Stop calling me that," angil ni Dax. Dumistansya sa kanya ang lalaki nang tila maramdaman na naasiwa siya sa pagkakalapit ng mukha nila.

Pinilit niyang ignorahin ang presence ng dalawa at ibinalik ang atensyon sa game. Nagulat siya pagtingin sa score. Sampu na ang lamang ng Mujeriegos sa team nina Saulo. Malapit na matapos ang game pero may pag-asa pa naman na makahabol ang mga Monasterio.

"Go, Saulo!" Napatayo pa si Eina nang makita ang bola sa kamay ni Saulo. Masayang napasigaw siya nang magawa nitong mai-shoot ang bola. Napapalakpak pa siya.

Hindi niya lubos maisip na magaling rin maglaro ang binata sa basketball. Advantage din talaga siguro nito ang height nitong 6'4. Nung nagsabog siguro ng talent at skills, sinalo lahat ni Saulo.

Nagpatuloy ang laban. Hindi siya mapakali habang nakasunod ang mata sa kung sino ang may hawak ng bola, kung sinong nakapuntos. Watching the game made her so nervous. Umakyat lalo ang emosyon ng lahat ng makalamang na ang Monasterio Daddies. Humataw sa points ang dalawang Monasterio na hindi niya kilala sa pangalan.

Tumingin si Eina sa mukha ng mga kalaban. DiSalvo, Zavarce, Alarcon, Sullivan, Ferrer. Pamilyar sa kanya ang last names ng mga miyembro ng team. Pawang mga nanggaling sa mayayamang angkan, lumaki na napapaligiran ng ginto.

And then she remembered.

Tumingin siya sa mukha ng lalaking may pangalang Ferrer sa likod ng jersey. She knew that man. Hindi nalalayo ang mukha nito kay Adonis. Kakatwang hindi niya iyon napansin kanina.

Naalarma siya, pero panandalian lang iyon. Hindi sila personal na magkakilala ng kapatid nito. Sa pictures lang niya nakita ang kapatid ng dating nobyo. Sa kanyang pagkaalala, sa abroad ito nag-aral.

Hindi malabong maging miyembro si Adonis sa isla. Marami itong pera. Nakukuha nito ang kahit na anong gustuhin. Hindi siya sigurado kung talagang pamilyado na ito. Inassume na lang niya na meron dahil may karga itong bata noong huli niya itong nakita. Wala talaga siyang ideya kung anong update sa buhay nito. Minsan curious siya malaman. Sino bang hinding na-tempt na i-stalk ang mga naging ex? Pero wala siyang balak na magkutkot ng sugat. Baka kahit naka-move on na siya, biglang bumalik ang feelings. Eme!

Nagtapos ang laro sa malakas na hiyawan. Nanalo sina Saulo. Tuwang-tuwa naman si Eina at parang nangangati siyang lapitan ito sa kinatatayuan nito ngayon.

"May pupuntahan ka ba mamaya?"

"Huh?" Napalingon ulit si Eina sa lalaking kumakausap sa kanya. Nasa tabi pa rin pala niya si Dax. At interesadong nakatingin sa kanya.

"My friend will be hosting a party later at the villa nearby and I was wondering if you would like to come?"

"Sounds great, but uhh, I'm with someone."

"Oh." Nakita niya ang pag-aalinlangan nito. Ngunit di napawi ang ngiti. "Pero akala ko single ka?"

"I am."

"So, I'm just being rejected?"

Di niya napigilan ang pagtawa. Hindi naman mukhang napingasan ang kumpyansa ng lalaki. Malinaw ang paningin niya kaya alam niya na hindi sanay ang lalaki nare-reject.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressOù les histoires vivent. Découvrez maintenant