Sobrang sweet.

My day ito ni april shane na nakatag kay bryan at may caption na "Thank you@Dev" tsaka emoji na puso. Mukhang ni-reday lang ito ni Devon.

"Umiiyak ka, Sera.."

Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko. Pasimple kong pinahid ang mga luha ko at ngumiti ng pilit. Alalang-alala naman ang mukha ni Zara at Lucy.

"A-ayos lang ako.."Mahinang sabi ko.
"Mauna na kayo sa canteen..magc-cr lang ako,"Hindi ko maiwasang mag crack ang boses.

Diretso akong lumabas ng classroom, yumuko ako ng may makasalubong akong mga istudyante tulad ko. Mas binilisan kong magkakad hanggang marating ko ang cr, pagpasok ko ng cubicle ay mabilis kong isinarado.

Hindi ko mapigilang maiyak. Pinigilan kong humikbi ng malakas, bigla kong naalala yung kinikilos niya, yung mga nangyari samin nung nakaraan. Bakit ba kasi ako nag-a-assume, kahit alam ko namang wala lang sa kanya yun lahat?

Ako lang naman yung nagbibigay ng malisya. Pero kasi bakit pakiramdam ko sa ginagawa niya sakin parang mahalaga ako sa kanya?nabuhay sakin yung pag-asa sa mga pinapakita niya. Nakagat ko ang labi ko ng maalala kong baka kaya niya lang ginagawa yun ay para hindi na ako magalit sa kanya.

Ginagawa niya ba yun para gamitin ang kahinaan ko. para magamit niya ako kung anong oras niya gusto?bakit ang sakit. parausan lang ba talaga ako para sa kanya?  Noon palang kasi pinapasok kona sa isip kona wag na wag akong aasa sa bawat kilos niya pero hindi ko maiwasan.

Yung nangyari samin sa tagaytay, ano ba yun para sa kanya?trip trip lang?kung may Shane sa puso niya nasan ako?tanggap ko naman noon palang na babalik pa rin siya kay Shane. Na kahit anong oras na gustuhin ni Shane na bawiin siya, mababawi at mababawi niya si bryan mula sakin.

"Sera.."Pinahid ko ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Lucy at sunod-sunod na pagkatok niya.

"Sera, alam naming umiiyak ka."Boses yun ni Zara.

"Lumabas ka d'yan, nandito kami makikinig sa'yo.."

"Oo nga, wag mong itago sa'min.. alam naming nasasaktan ka,"

Mas lalo akong naiyak pero kinagat ko ang labi ko para pigilan ang malakas na hikbi. kinapa ko ang panyo ko at pinunasan ang luha, inayos ko ang sarili ko bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng cubicle. Agad namang lumapit sa'kin yung dalawa.

"Sera..Ayos kalang ba?"Tanong ni Zara.

Ngumiti ako."Parang di kayo sanay, masasaktan lang ako tapos mahal ko parin,"Sagot ko. "Ganun ako ka tanga."

"Hindi ka tanga, sera.. nagmahal ka lang," Angal ni Lucy.

"Teka nga, Sera.."

Kumunot ang noo ko kay Zara."Ano?"

"Ganyan ka maka-react eh ikaw ng nung friday may kasama ka din sa tagaytay."
Sabi niya.

"S-si Devon yung kasama nung gabing yun."

"Si Dev—ano?si Devon yun?"Nanlalaking matang tanong ni Lucy.

Dahan-dahan akong tumango. Napawang naman ang bibig ni Zara, samantalang napakurap-kurap naman si Lucy na parang pinoproseso ang sinabi ko.

"Wala akong maintindihan.."Gulong -gulo si Lucy.

Bumugtong hininga naman ako at pumikit ng mariin bago napagdesisyunang ikwento sa kanila lahat-lahat, mula sa panunuyo niya sakin hanggang sa pagyayaya niya sakin sa tagaytay at pag pasyal namin ng sky ranch, pati na pag-check in namin sa hotel. Lahat kinuwento ko, wala akong pinalampas ni isa.

"Ang gulo ni Devon, sarap kutusan sa bumbunan.."Napangiwi ako sa sinabi ni Zara. "Ang lakas mag bigay ng mixed cignals, kung siya kaya i-mix ko?"

Humalakhak naman si Lucy."Sampalin ko yun, kaliwa't kanan."

"Hayaan niyo na siya.."Mahinang sabi ko.

"Hayaan daw kasi..alam n'yang susuyuin nanaman siya tapos rurupok magiging okay ulit sila, may mangyayari tapos pagkatapos sa kanya ulit babalik sa original.. repeat lang,"Masama ang tingin ni Zara.

"Nasasaktan na nga yung tao, sinasaktan niyo pa lalo."Pikong sambit ko. "May tinda kayang rambutan sa canteen?"Tanong ko sa kanila.

"Malamang wala..ano akala mo sa canteen, palengke?"Salubong ang kilay ni Lucy.

Ngumuso ako."Gusto ko kumain non,"

"Noon ice cream, ngayon rambutan?"Hindi makapaniwalang sabi ni Zara.

"Bakit masamang matakam sa ibang pagkain?"Mataray na sumbat ko.

"May sinabi ako?"Ngumiwi si Zara.

"Bumaba na ngayo sa canteen, ikakain ko nalang 'tong nararamdaman ko."

"Tapos makita mo si Devon at Shane doon naglalambingan?"Tumatawang ani Lucy.

Sinamaan ko siya ng tingin."Sinong may pake?"

Paglabas namin ng banyo ng building ay dumiretso na kami pababa, papuntang canteen. Hindi ko alam ko alam pero malakas yata si Lucy kay lord dahil nagdilang anghel siya, pagpasok namin ng canteen ay naghahanap kami ng mapupwestuhan kaya inikot ko ang mata ko sa loob at sa di kalayuan ay nakita ko nga si Shane at Devon kasama ang iba nilang kaibigan na mukhang tinutudyo sila.

Tangina.

"Aguy, magkasama nga yung dalawa.." Nakangising sabi ni Zara at sumulyap sakin.
"Kita moba yun, Sera?"

Hindi naman ang maipinta ang mukha kong tinignan siya."Malamang kasi may mata ako, Zara.."

"Payag ka nun, sera?kapag hindi ka kailangan na sa original?tapos pupuntahan at susuyuin kalang kapag may kailangan siya?"Sumulyap si Lucy sa lamesa nila bryan bago ibalik sakin ang tingin.

Sumimangot ako."Wala akong oras para manood sa lambingan nilang dalawa, nagugutom ako kaya pwede bang umupo na tayo?"

Hindi kona sila inintay na sumagot at nauna ng maglakad sa kanila, halos punuan ang canteen kaya ang lamesang bakante ay malapit sa lamesa nila Devon kaya obligadong maadadaanan namin sila. Narinig kopa na nagbubulungan nung dalawa habang bumubungisngis mukhang may pinaguusapan sila.

Nang madaan kami ng lamesa nila Devon ay napatingin silang lahat sakin, lalo na si Devon na titig na titig sakin, pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora