"Kung hindi mo ako namiss, then, ako na-miss kita.."Ngumisi si Laurence at inabot sakin ang kumpol ng rosas. "For you,"Umupo ito tabi ko.

"S-salamat.."Napalunok ako. "N-na miss din kita.."Patuloy ko.

"Sorry, kung ilang araw akong busy sa school, ngayon hindi na ako busy.."Sambit niya. "Let's have a date?"Tanong niya.

"Tama..yayain mona ng date yang si Sera, Rence.. alam mobang miss na miss kana kana n'yan."Nakangising singit ni Lucy.

"Oo nga naman Rence, panay ang tingin niya sa cellphone niya dahil hinihintay niya yung text mo.."Banat pa ni Zara kaya pinandilatan ko sila.

''Really..is that true, Seraphina?"Lumingon ito sakin.

Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya. Bakit ba kasi todo push at gawa ng kwento itong mga kaibigan ko kapag kay Laurence?botong-boto sila dito.

Ngumuso nalang ako at tumango. Pinisil niya naman ang pisngi ko bago akbayan, nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

"Kung nakakamatay lang ang tingin siguro pinaglalamayan na ako ngayon.."Mahinang bulong niya.

"Huh.."

"Yung lalaki sa kabilang table ang sama ng tingin sa'kin.. halatang selos na selos.."Mahina pa s'yang tumawa. "Ang sarap asarin."

Pasimple naman akong sumulyap sa table nila Devon, tama siya. Sobrang sama ng tingin ni Devon sa kanya, bigla tuloy akong may naisip na kalokohan. Humilig ako sa katawan ni Laurence, hinaplos -haplos niya naman ang buhok ko.

"Pinagseselos mo?hindi kaya bigla akong suntukin n'yan?"Tanong niya sa mahinang mahinang boses.

Tumawa naman ako at umiling. Napatingin ako sa dalawa na nakatitig samin, may ngiting tagumpay din sila na para bang naintindihan nila ang ginawa namin ni Laurence.

"Grabe sa harapan kopa talaga kayo naglandian ah?"Malakas na sabi ni Zara na halata ko namang sinadya nya para iparinig kila Devon.

"Oo nga.."Sang-ayon kunwari ni Lucy. "Ayaw mobang ma-solo si Sera, Rence?"Tanong pa nito tsaka tumawa ng malakas.

"Vacant namin hanggang mamayang 3:00 pm Rence, kahit hindi mo tinatatanong sinasabi kona sayo para alam mo.."Ngumisi si Zara.

Sumulyap naman si Laurence sakin."Saan mo gustong pumunta?"Akmang sasagot na ako pero may mas nauna ng magsalita sakin.

"She's not coming with you,"Mariing sabi ni Devon. "Heaven, let's talk.."Baling niya sakin at hinawakan ang braso ko at hinila pa tayo pero tumayo rin si Laurence at hinawakan ang kabilang braso ko.

"Hands off.. what do you think are you doing?"Matigas na sambit din ni Laurence.

"Is none of your business.."Madilim ang tingin ni Devon, pakiramdam ko anytime mananakit talaga siya.

Napakurap-kurap ako dahil para akong nasa isang teleserye kung saan pinag-aagawan, pero mas lamang ang takot sakin dahil baka bigla silang magsuntukan.

"Bitawan niyo nga ako."Parehas kong inalis ang pagkakahawak nila sakin parehas.

"No..sasama ka sa'kin, maguusap tayo."Umiigting ang panga ni Devon at hinila ako.

Napadaan kami sa lamesa nila Devon at kitang kita ko ang pagkalito sa mukha ni Shane, ang mga kaibigan niya naman ay nakangisi lang. Napalunok ako at nilingon si Rence, ngumisi ito sakin at nag okay-sign, napailing nalang ako.

Baliw kasi siya.

Nagpatangay nalang ako sa pangangaladkad ni Devon sakin. Pero parang gusto ko s'yang suntukin sa mukha, ano bang problema ng isang 'to?bigla bigla nalang s'yang ganito ang lakas ng topak niya.

Kumunot ang noo ko ng lumiko siya parking lot ng university. Saan kami pupunta?Hinila niya ako hanggang sa huminto kami sa harapan ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya naman ako agad ng pintuan.

"Pasok."Utos niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay."Sino ka para utos-utusan ako?"

"Don't try me, heaven or else, I'll make sure na i-uungol mo ang pangalan ko d'yan mismo sa kinatatayuan mo.."Wala akong nahimigang pagbibiro sa boses niya.

Napalunok naman ako at inirapan siya. Bago padabog na pumasok sa loob ng sasakyan niya.

Ano namang gagawin namin dito?

"Anong ginagawa natin dito?"Tanong ko pagpasok niya ng driver seat.

"Anong ginagawa ng lalaking yung dito?"Tanong niya rin.

Nagkibit balikat naman ako."Na-miss niya daw ako."

Mas sumama ang timpla ng mukha niya."Ano yun, heaven?talagang balak mong sumama sa lalaking yun?"

"Bakit bawal?"Taas kilay na tanong ko.

"Of course.. ayaw ko ng may kahati,"
Matalim ang tingin niya sakin.

"Stop acting like a jealous and possesive jerk, Dev.."Humilot ako sa sentido ko.

"Masama ba kung maging possesive ako, heaven?you're mine for god sake!"Mariing sambit niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko."Hindi mo ako pagmamay-ari, Dev.. katawan ko lang ang pwede mong angkinin pero hindi buong pagkatao ko.."Sumbat ko.

Umiling siya."No, heaven.. ayaw ko ng may kahati, gusto ko pag sa'kin, sakin lang.."

"Ang selfish mo Dev,"Mahinang saad ko. "Habang ginagamit mo'ko, may Shane ka, pero wala akong reklamo, wala kang narinig sakin.."

"Heaven, please.."

"Nakalimutan mona ba, Rev?wala tayong label.. wala tayong pinaghahawakan, bakit ang damot damot mo?dapat ba ikaw lang?hindi ba pwedeng ako din?"

"Heaven please.. intindihin mo naman ako,"Hinawakan niya ang kamay ko.

"Palagi kong pinipiling intindihin ka Dev, kahit hindi ko alam kung ano tong meron sa'tin?ano ba 'to Dev?laro ba'to para sayo?"Nanggilid ang luha ko. "Alam ko naman eh, hanggang ngayon si Shane pa rin yung mahal mo, na kapag bumalik siya wala na akong kwenta para sa'yo.."

"Heaven.. ano bang sinasabi mo?"Mahinang tanong niya.

"Lahat Devon, inintindi ko.. kahit sa huli alam kong hindi ako ang pipiliin mo, alam kong sa bandang huli ako lang din yung masasaktan,"Nagumpisa ng tumulo ang luha ko. "Devon mahal kita, siguro ako na yung pinakamartyr na babaeng na kilala mo.. lahat kaya kong gawin para sa'yo,"Halos pabulong nalang bawat salita ko."

"Ang daya mo eh, kapag ako bawal magreklamo kapag dating kay Shane..pero ikaw gusto mong ipagdamot ako?"Dagdag kopa, nanatili naman s'yang tahimik. "Gusto din kitang ipagdamot pero alam ko namang hindi ka sakin,"Pagkatapos kong sabihin ang salitang yun ay lumabas na ako ng sasakyan niya, sunod sunod na din ang pagpatal ng luha ko.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now