Buti nalang nahawakan ko ng mabuti yung tray!

"Enjoy your coffee ma'am, sir.."Sambit ko bago sila talikuran.

Sana pala, hinayaan no nalang ba si Clay ang ang serve.

Habang nasa counter ako at naghihintay ng i-uutos ni ate Lanie ay hindi ko maiwasang mapasulyap kay Devon at Shane na parehong tutok sa loptop na nasa harap nila at mukhang seryosong seryoso sa ginagawa, tingin ko ay gumagawa sila ng report o presentation.

Mabilis akong nagiwas ng tingin ng makita kong humilig si Shane sa braso ni Dev habang umiinom ng kape.

Ang sakit sa mata!

Nagpatuloy nalang ako sa pagtatrabaho at hindi na nilingon pa ang table nila para makapag focus ako sa ginagawa ko. May dalawang oras pa bago tuluyang matapos ang shift ko, bigla kopang naalala na may kailangan pa pala akong gawin sa historical paniguradong mapupuyat nanaman ako at papasok na kulang sa tulog bukas.

Habang palalim ng palalim ang gabi ay unti-unti ng nababawasan ang customer. Hindi 24/7 itong coffee shop tanging hanggang 12:00 AM lang kaya kami ang maglilinis at mag-aayos dito mamaya bago isarado.

Hindi kona pinakielaman pa si Shane at Dev kaya hindi ko namalayan kung anong oras silang lumabas ng coffee shop, basta ang tanging alam ko ay wala na sila sa table nila kung nasaan sila kanina.

Alas dose y media na ng matapos kaming maglinis at mag-ayos, pagod na pagod at antok antok na din ako pero kailangan kong manatili munang gising lalo na. Namomoreblema pa ako kung saan ako sasakay dahil madaling araw na kaya natatakot akong mag grab dahil baka hindi na safe.

"Ingat kayo pauwi.."Paalala ni ate Lanie na sinasarado ang ng shop, tinulungan naman siya ni Clay.

"Ingat ka din ate Lanie."Paalala ko.

"Wag kayong mag-alala sakin..susunduin ako ng jowa ko, papunta na siya."Tumawa pa ito.

"Ay sana all, sinusundo.. pano naman ako?"Maarteng sabi ni Clay.

Ngumiwi ako."Ako din walang jowa, kawawa naman tayo."

"Ah ganun ba?so, hindi mo jowa yun?"May nginuso siya, kunot noo kong sinundan ng tinging ang sinasabi niya.

Namilog ang mata ko ng makita ko sa di kalayuan si Dev. magulo ang buhok nito at nakasandal sa sasakyan niya habang diretsang nakatingin sakin. Ilang beses akong napalunok ng makita kong umayos siya ng pagkakatayo para humakbang palapit sakin.

"Hey.."Bati niya.

"Oh, ginagawa mo dito?"Tanong ko.

"Sinusundo ka.."Namamaos na sagot niya.

"Bakit mo naman gagawin yun?kaya ko namang umuwing mag-isa."Umirap ako at hindi sinasadyang mapatingin kay ate Lanie at Clay na tulala lang sakin.

Naginit ang pisngi ko, nakaramdam ako ng hiya. Halos mawala sa isip kong nandito nga pala sila at nakikinig samin.

"I know.. i just want to drive you home to making sure, that you're safe.."Binasa niya ang pang-ibabang labi niya.

Bumukas ang bibig ko at akmang sasagot pero hindi kona naituloy pa ng tumunog ang cellphone ko kaya natuon doon ang antesyon ko. Agad ko namang kinapa ito sa bulsa upang kunin.

Napakurap-kurap ako ng bumungad sa screen ko ang pangalan ni Laurence. Bakit kaya?madaling araw na, bakit hindi pa siya natutulog?

"Hello Rence?"

Sera ang tawag niya sakin dahil yun ang sinabi ko, kaya sinabi n'yang 'rence' nalang din ang itawag ko sa kanya para hindi rin sobrang haba.

"Seraphina.."Sambit niya mula sa kabilang linya.

"Hmm. Bakit napatawag ka?may problema ba?"

Bumalik ang tingin ko kay Devon ng marinig ko ang patikhim niya. Salubong ang kilay inito habang nakatitig sakin, tinaasan kolang siya ng kilay.

"Nakauwi kana ba?"Tanong nito, kaya binalik ko ang atensyon ko kay Rence na kausap ko ngayon.

"H-hindi pa.. katatapos lang naming magsarado,"

"Do you want me to fetch you?you know.. hindi na safe dahil madaling araw na kung magga-grab kapa."

"Ah ren—"Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng may umagaw ng cellphone mula sa kamay ko.

"Hindi na kailangan.. akong maghahatid sa kanya pauwi."Mariing sabi ni Devon at pinatay ang tawag bago ibalik sakin ang cellphone ko.

Hindi makapaniwalang tinignan ko naman siya."Bakit mo naman ginanun si Laurence?"

Umigting ang panga niya."Kung mayroon mang dapat maghatid sayo, walang iba kung hindi ako.."Mariin at mapanganib na sabi niya.

"Paano kung ayaw ko, may magagawa ka?"Nakipag tagisan ako sa kanya.

Hindi siya kumibo. nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang kamay ko at kaladkarin  paalis. nagpupumiglas ako pero mas malakas siya, hindi naman sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin pero sinigurado n'yang hindi ako makakatakas.

Sapilitan niya akong pinasok sa driver seat. Masama ko s'yang tinignan hanggang sa makapasok siya sa driver seat. Ni hindi manlang ako nakapagpaalam sa nga kasama ko, basta niya nalang pinaharurot ang sasakyan.

Napakabastos!

"Bakit ba ganoon ang sinabi mo kay Laurence?"Naiinis na tanong ko.

"At bakit hindi?"Tila naghahamon ang boses niya.

"Talagang dapat hindi!binastos mo siya, nagmamaganda loob lang yung tao!"Sumbat ko.

Kitang kita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela."Bakit kung makapagsalita ka ay parang kilalang kilala mona siya?"

"Talagang kilala ko siya Dev.. schoolmate ko siya nung highschool,"Hindi ko maiwasang taasan siya ng boses.

"Schoolmate?"Sarkastikong sabi niya at umiling-iling pa. "Schoolmate lang, pero kung magtiwala ka sa kanya, ganun ganun nalang?"

"At bakit hindi?"Panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

Hindi siya umimik. Saktong pahinto ng sasakyan niya sa harap ng boarding house ko. Lumingon siya sakin pero wala akong mabasang emosyon sa mukha niya, seryoso seryoso ito.

"Oh, baka naman may nangyayari na din sa inyo, kaya sobrang tiwala mo sa Laurence na yun."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ilang minuto lang ay natagpuan ko nalang ang sarili kong lumapat ang kamay sa pisngi niya. Nasampal ko siya. Nag-uunahan ang pagpatak ng luha ko.

"Oo Dev, nagpapagamit ako sayo.. buong katawan ko nagagawa mo lahat kung anong gusto mo, pero..alam mo rin sa sarili mo na ikaw ang nakauna sakin."Lumuluhang sabi ko. "Hindi ako malanding babae Dev, pero sinuko ko lahat sa'yo kasi mahal kita.."Mahinang patuloy ko at diretsong lumabas sa sasakyan niya.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now