"Di ba si ate yun? Yung nakaraan?" Narinig kong mula sa matinis na boses, si Marcus.

"Papalapit na sila.. nananayo ang balahibo mo eh." Sabi ni Rodney while looking at my arms. Oo nananayo na nga.

"Ate.." Hinarap ko si Michael na tumawag sa akin. I saw his cold expression but his eyes tells me different. "Alam mo na kung sinong pumatay sa amin."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad ako napatalikod kay Rod at hinarap ng tuluyan ang magkakapatid. Unlike kanina na all smiles ang magkapatid na si ella at marcus, ngayon humahagulhol na sila.

Pero paano nila nalaman yon? "Nagtataka ka kung paano ko nalaman? Ate, mga ghosts na kami, kaya malalaman talaga namin yon, pati ang iniisip mo.. at nagpapasalamat na kami sayo ngayon pa lang dahil sa pagtulong mo.. kasama ng mga kaibigan mo."

"Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito? Michael.." I asked.

"Nararamdaman ko lang... na kukunin na kami kung saan man ang destination namin? Yon ang hindi namin alam pero alam ko malapit na kaming kunin.." I can't help but shed a tear at what I heard.

Naramdaman ko namang may mainit na kamay ang dumampi sa balikat ko at alam na alam ko kung sino yon dahil si Rod lang naman ang nagpaparamdam sa 'kin ng peace and calmness.

"Gusto ko rin ipaabot sayo ang mensahe namin sa pamilya namin.. kay mommy, daddy pati na rin kay mommy chu.."

At sinabi niya sa akin lahat ng kailangan sabihin pati ang kailangan gawin na agad ko naman rin ni-rely sa iba at nakaisip na agad kami ng gagawin kaya kinabukasan ay ginawa namin ang lahat ayon sa plano at sabihan at dapat sabihan, gawin ang dapat gawin.

"Hayop ka!..... Minahal naman kita bakit mo ginawa sa mga anak ko yon! Hayop! Mabulok ka sa kulungan, kulang pa yan sa ginawa mong karumal dumal sa mga anak ko... huhuhuhuhuhu.. michael.. micaella... marcus... patawarin niyo si mommy!..."

Nilapitan agad ni tita chu at ni tito marco si tita monica na nakaluhod sa kalye habang humahagulhol na parang batang naiwan. Nakaalis na rin ang mga sasakyan ng police kasama ang suspect na sising-sisi sa nagawa niya.

Talagang nasa huli ang pagsisisi.

Nakatago kami sa bandang madilim na lugar sa ilalim ng puno at nakita nga namin ang mga pangyayari.

As for the message of the three siblings, nai-rely ko naman ng maayos ang mensahe sila na lang bahala magbasa noon o kung nabasa na ba nila? Ewan.

Hindi masyadong maingat ang mga taong gumawa ng krimen kaya nahanapan agad namin ng maraming evidences na hindi namin ginalaw pero binigyan namin ng clue ang mga police instead to how they can find those evidences. Taga-confirm lang naman kami sila nang bahala sa paghuli tital talagang trabaho nila yon.

Kumbaga pailalim kami nagtatrabaho at sila na sa outer. Anong sinabi ko? Gulo. -_-

"Oaaaahhhhh!! Salamat po at natapos na ulit ang isang case!! Petiks time!" Si Mami habang nag-unat. Parang ako din nakaramdam ng antok at exhaust.

Gusto ko ng water! Nakakauhaw!

May bigla naman umakbay sa akin at siyempre, sino pa bang may lakas ng loob na gumawa niyan? I look at him with a deadly look. Di naman siya nagpatinag. Nginisihan pa nga ako eh.

"And we're going out." Tinignan ko lang siya.

"Huh?"

Narinig ko naman sila Berry at Mami na parang kinikilig. "Uuyyyyy.. date-date lang ang peg.. Sige, ingat! Ako makikipag-date din eh..--oh anong tingin yan?" Tinignan kasi namin siya ng parang nagulat o nabigla. Yung nagulat pala si Thomas lang.

Siya rin unang nag-react. "S-sinong ka-date mo? H-hindi ko alam na may nanliligaw pala sayo sa room natin.. Sino sa mga classmates natin, Mamilyn? Sino? Who--aray! Bakit namamalo?"

Pinalo kasi ni Mami sa balikat. Pero oo nga, sinong ka-date ni Mami?

"Talagang nanliligaw? Classmates? Sino? SINO!? --UNAN KO! Unan kong ka-date ko! Matutulog ako! Malinaw ba? Ha? Ang layo ng imagination niyo mga pre." Sabay lakad palayo. Siyempre hinabol ni Thomas.

"Umm.. aalis na rin muna ako. May pupuntahan ako eh. Ciao guys!" Nagmamadali naman umalis si Berry? At saan naman siya pupunta? Date din?

Bakit ba naiinvade ng -DATE- ang utak ko? Kasalanan ng isang 'to kaya napo-pollute ng date ang utak ko eh.

"I'm out. May gig pa ako.. urgh! I hate noise.." Si Kamil naman lately ko pa napapansin na badtrip siya. What's going on with her?

Si ate Mig wala dito dahil lagi na siyang busy with her thesis and her kids. Pero nagtext naman siya na 'good job guys' daw.

"Let's go? Nakaalis na sila oh, tayo nalang nandito.." Naglakad na nga kami ni Rod.

Napahinto ako saglit at nakikita ko yung tatlong bata na nakatingin sa mga magulang nila tapos sabay tingin... sa akin.

'Thank you... salamat sa tulong Ate Kayla..' Bigla nalang narinig ko sa likod ko kaya napatingin ako pero wala naman dun. Sa thoughts ko lang ata niya sinabi.

'Walang anuman. Maging masaya na sana kayo..' I replied.

"Hey Kayla, are you okay?" Tumango nalang ako kay Rod and give him my smile.

Ako na mismo ang humawak sa kamay niya at hinila na siya papunta sa sasakyan niya.

"So magde-date nga tayo? Ha?" He excitedly asked.

"Oo ako, makikipagdate rin sa kama ko..... hahahahaha joke lang!! Lalabas tayo kaya start driving. Hehe."

At umalis na nga kami.

****
SOMEONE

So, she's the girl? Tsk, maganda siya pero may pagka-weird yung tingin niya. Akala ko kanina sa akin siya nakatingin pero napa-smile siya bigla and that really had me goosebump.

Basta akin lang si Rodney. Alam ko naman na ako pa rin ang pipiliin ni Rodney, I'm confident. May panlaban ako sa babaeng yon na siguradong makapagpapabalik kay Rod sa akin.

Oooohhh, I'm excited for next week, papasok na ako sa Pacific Scott Academy.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon