Paglipas Ng Unos

234 21 15
                                    

"Mga Bhing, salamat sa walang sawang pagsuporta at paghihintay."
 

                 *******************

Hinagpis, puot.

Lahat ng galit ay walang pag-aalinlangang pinakawalan. Hindi niya alintana ang masaktan, dahil mas higit na masakit pa ang tinamong sugat mula sa pagkawala ng minamahal.

Mula sa nagkalat na kahoy ay muling dumampot ang puting nilalang ng isang tulos. Sa bilis ng di na hagip ng paningin ay malakas niyang itinarak ito sa nakadapan alakdan.

IIEEEKKKK!

Dinig ng buong tribo ang malakas na pag-atungal ng alakdan. Namimilipit ito sa sakit at pilit na inaalis ang malaking tulos na nakabaon sa kanyang likuran. Ngunit hindi ito maabot ng kanyang mga galamay.

Duguan itong gumapang, hindi na tinangka pang magpalit anyo upang di lumala ang pinsalang tinamo. 

Doon na siya dinapuan ng takot.

Hindi niya inakalang may malakas na pwersang higit pa sa kanya sa tribong ito. Ang alam lamang niya ay mga mahihinang lobo lamang ang nananahan sa tribo. Sa ganitong sama ng panahon ay tiyak niyang mahihina na ang mga ito dahil sa gutom.

Muling luminga-linga ang alakdan at pilit na hinahanap ang pangahas na umatake sa kanya.

Pulang-pula ang mga mata at tila puputok na ang kanyang mga ugat dahil sa magkahalong takot at galit na nararamdaman.

Higit pa sa galit niya ay mas nanaig pa rin ang kagustuhang mabuhay. Sa puntong iyon ay alam na niyang wwala siyang laban sa nakakatakot na nilalang.

Sa di kalayuan ramdam niya ang isang malakas na beast pressure ang halos magpawala ng kanyang kamalayan ang marahang lumalakad papalapit.

Kung may balahibo lamang siya ay tiyak na makikitang nakatayo na ang mga ito dahil sa kilabot.

"SANDALI! SUKO NA AKO!"

Malakas na sigaw ng alakdan. Nagbagong anyo ang kanyang ulo upang makapagsalita.

Di pa rin humihinto ang nilalang sa paglalakad.

Kahit na tila maiihi na siya sa kilabot ay pilit pa din nagsalita ang alakdan.

"PARANG-AWA MO NA, A-ALIS NA K-KAMI NG P-PAYAPA. HINDI NYO NA KAMI M-MAKIKITA PA!"

"W-WALA NAMAN KAMING KINUHA SA MGA KABABAIHAN NINYO.."

Kabadong sambit ng alakdan.

Nagpatuloy pa din ang papalapit na nilalang.

"M-MAY MGA PAGKAIN KAMI! BABAYARAN KO ANG MGA N-NAPINSALA!"

Muling sigaw ng alakdan.

Nauubusan na siya ng sasabihin ngunit patuloy pa rin sa paglapit sa kanya ang nakahihilakbot na nilalang. Tahimik lamang ito ngunit nanlilisik ang matang nakatitig sa kanya.

"H-HUWAG KANG LALAPIT! PARANG - AWA MO NA!"

Taranta na ang alakdan. Muli niyang tinangka na alisin ang nakatarak sa likuran. Doon lamang niya napansin na tumagos pala ito sa kanya at nakabaon na sa lupa.

Ako sa Beast World Where stories live. Discover now