Nizu

273 17 6
                                    


Dalawang araw na ang lumipas mula ng magising si Kizu ngunit ang kanyang kapatid ay di pa rin nagigising. Nababakas na ang pag-aalala mula sa mukha ng binatilyo.

Upang huwag lubusang malungkot ay tumutulong na lamang ito sa mga gawaing bahay. Nais din sanang lumabas ng bata ngunit hindi siya pinapayagan ni Naiad.

Hindi pa sila nakasisigurong huminto na sa paghahanap sa mga bata ang mga humahabol na feral, kaya makabubuting manatili na lamang ito sa loob ng bahay.

Si Gin ay kinausap na ang kanyang ama tungkol sa posibleng banta ng pag-atake mula sa mga ferals. Ipinaalam na din niya na may mga bata silang kinukupkop na nagmula sa tribong inatake ng mga ferals.

Dahil sa atensyong binibigay ni Naiad sa bata ay nakakaramdam na ng paninibugho ang kanyang mga kapareha.

Alam naman nila na likas talaga kay Naiad ang maging magiliw sa mga bata, pero sadyang di nila mapigilan ang pagiging possessive pagdating sa pinakamamahal na kapareha. Lalo pa at isang lalaki din si Kizu.

Sa gabing iyon ay si Khuram ang katabing matulog ni Naiad. Sobrang saya niya dahil masosolo niya ang minamahal na kapareha.

Siya ang pinakaaburido nitong mga nakaraang araw dahil hindi siya nabibigyang pansin ni Naiad. Mas nanaisin niyang awayin siya ng kapareha at pagalitan. Huwag lamang ang mabalewala.

"Mahal ko.. Ang tagal kitang hindi nakasama.." Pabulong na wika ni Khuram pagpasok nila ng silid

Agad niyang niyakap ang kapareha. Ramdam ni Naiad ang pananabik sa tinig ni Khuram. Alam niya ang nais nitong mangyari.

"Pasensya kana kung wala nawalan ako ng oras sa inyong apat. Galit ka ba sa 'kin Khuram?" Tanong niya sa nagpapa cute na tigre.

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ni Khuram. Katunayan na hindi siya galit sa kapareha. Tinugon din ni Naiad ang pagyakap nito sa kanya. Gusto talaga niya ang pakiramdam sa tuwing yakap niya ito.

Noong una ay naghihiya pa siya sa tuwing madidikitan ni Khuram ang kanyang katawan, ngunit ngayon ay natutuwa na siyang haplusin ang mga matitigas na braso at dibdib nito.

May mga pagkakataong hinahaplos niya ang mga kapareha unconsciously. Matitigilan na lamang siya sa tuwing ang mga ito ay bigla na lamang nanginginig at namumula ang mukha.

Natatawa na lamang si Naiad dahil labis na pagpipigil din ang ginagawa ng mga ito at hinahayaan lamang siyang haplusin ang bahagi ng kanilang katawan. Naalala pa niyang halos umusok ang tainga ni Torben matapos niyang laru-laruin ang buntot nitong sobrang fluffy.

Ang cute talaga ng kanyang mga kapareha niya. Alam niyang ligtas ang sumiping kahit nagdadalang tao siya pero di niya ito dinadalasan. Natatakot a rin siyang baka may mangyaring masama sa kanyang ipinagbubuntis lalo pa at malalakas ang kanyang kapareha.

Ngunit ngayong gabi ay papayagan niya si Khuram dahil naging matiisin at mabait naman ito nitong nagdaang mga araw. Sinusunod siya nito kahit na tungkol sa pag-aalaga ng mga bata ang kanyang ipinagagawa.

Nang halikan siya ni Khuram ay buong init din niya itong tinugon. Sabik na hinaplos ni Khuram ang kanyang katawan. Di na kayang itago pa ang nag-uumapaw na pananabik sa kapareha.

Sinundan na ito ng mga impit na daing at halinghing mula sa dalawa. She tried to suppress her moans of pleasure. Inilapat na ni Naiad ang kanyang mga kamay sa bibig ni Khuram upang pigilan itong lumikha ng ingay.

Agad na nakatulog si Naiad matapos ang nakakapagod na isang oras ng buhay niya.

Kinaumagahan ay sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Khuram. Inihanda na nito ang kanyang mainit pampaligo at binuhat pa siya patungong banyo.

Ako sa Beast World Where stories live. Discover now