Unang Gabi

647 25 2
                                    

Napalingon ako sa aking katabi kasabay ng aking pagkagulat. May kakaibang init akong naramdaman na ngayon ko lang naranasan.

Kahit hindi ko nakikita ang aking mga tainga, pero alam kong pulang-pula na yun. Sobrang pagkailang ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon dahil bago ito sa aking pakiramdam.

"Marami din akong naging crush noon pero di ko naman sila nalalapitan kaya paano ba ako dapat mag react? Sasampalin ko ba sya bigla? Sisigaw ba ako na mukang tanga? Omg! Dios mio marimar!"

"Ahem! Ok lang ba kung wag mo na akong yakapin? Di naman ako tatakbo." Wika ko habang pilit na inuusog ang matitigas na braso na nakayakap sa aking baywang.

"Pasensya kana binibini.. Binibigyan lang kita ng init. Malamig kasi dito sa kwenba  ko lalo na mamayang hating gabi.." wika nito na tila walang balak na bitawan ako.

"Di pa kasi ako komportable sa ganitong sitwasyon. Ngayon lang ako nayakap ng ibang lalaki maliban sa mga kapatid ko. Ok lang ba kung mag palit-anyo ka na lang?"

"Hindi kaba natatakot sa anyo kong iyon? Di ba laking gulat mo kanina nang makita ako?" wika ng binata na tila walang balak na bumitaw sa kanya.

"Nagulat lang talaga ako kanina, okay na ako ngayon. Saka mahilig naman ako sa aso. Mas magiging komportable akong katabi ka sa ganoong anyo." pagdadahilan ko habang kinukubli ang namumula kong mukha.

"Sige kung yan ang nais mo" nakangiting turan nito. Agad itong nagbagong anyo sa isang kulay abuhing lobo.

"Ang cute mo!" bulalas ko. "Alam mo ba pangarap kong magkaroon ng alagang wolf? Napakamajestic kasi nila at ang cool! Pero para sa akin ay ikaw ang pinaka magandang lobo sa lahat."

Nawala ang hiya ko nang mapalitan ng maamong mukha ng lobo ang halos nakahubad na binata sa tabi ko.

Tumatango- tango lamang si Gin habang dinidilaan ng kaunti ang aking pisngi. Napakalambing niya tulad ng alaga kong aso na si Rambo.

Namiss ko bigla ang aming alaga. Kahit napakaingay nun at medyo matakaw ay mahal na mahal namin sya. Napakalambing kasi nito sa amin.

Di ko na napigilan ang sarili na haplos haplusin si Gin. Sobrang napakalambot ng balahibo nito. Hinahawakan ko ang mukha niya at pinipisil-pisil ng kanyang mga tainga. Napakalambot talaga. Tila isang malaking stuffed toy na aso. Ang komportable at mainit sya sa pakiramdam.

Habang hinahaplos ko ang balahibo ng katabi ay agad kong naramdaman ang labis na pagod at antok.

Di ko na namalayang nakatulog na ako habang yakap ang di makakilos na si Gin.




Samantala, ang binata naman ngayon ang hindi makatulog. Labis-labis ang kanyang pagpipigil sa nararamdamang init sa katawan.

Lingid sa kaalaman ng dalaga na sobrang sensitibo ng kanyang mga tainga at balahibo. Kung anyong tao lamang ito ay makikita ang labis na pamumula ng kanyang mukha.

Labis na parusa sa kanya ang madama ang malambot na katawan ng dalaga, ang mabagong amoy nito na napakasarap samyuhin.

Nais niyang higit pa sa yakap ang gawin nila ngunit hindi pa maaari. Iginagalang niya ang kagustuhan nitong makilala pa siyang mabuti.

Hindi nya maaring pilitin ang dalaga dahil baka tuluyan itong lumayo sa kanya. Ngayon pa lang ay labis na siyang nangangamba.

Dahil sa taglay na ganda nito ay tiyak na marami pa ang mahuhumaling at magkakainteres dito. Kaya kailangan pa niyang maging mas malakas pa upang maprotektahan ang dalaga.

Habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga ay napangiti ito at saglit na nag-anyong tao.

"Halatang pagod na pagod ka.." habang pinupunasan ang tumutulong laway ng dalaga.

"Sana ay makapagpahinga ka ng mabuti." wika nito sabay halik sa labi ng dalaga. Marahan at dampi lamang ito upang di magising ang dalaga.

May kung anong mahika ang ginawang halik na iyon ng binata. Hindi niya alam na isang "imprinting" ang naganap dahil sa kanyang halik.

Bihira itong mangyari sa mundo ng mga beastman. Kung saan ang isang babae at lalaki ay nagkakaroon ng di mapigilang atraksyon. Dahil natagpuan na nila ang kanilang 'the one'.

Bilang magkapareha ay di na nila kayang mawalay sa isa't-isa. Minsan sa labis na pag-ibig ay di na gusto ng lalaki na magkaroon pa ng ibang kapareha ang babae kaya itinatago niya ito at inilalayo.

Nagiging mapanganib naman ito para sa babae dahil maraming feral na beastman. Karamihan sa kanila ay dumudukot ng mga kababaihan upang magparami.

Hindi tanggap o kabilang ang mga feral sa anumang tribo kaya umaasa sila sa pandurukot upang magkaroon ng kapareha. Kaya kung isa lamang ang kapareha ng babae ay mahihirapan itong ptotektahan siya.

Masasayang lamang ang buhay ng babae. Dahil kung ang lalaki ay namatay sa pagtatanggol sa kanya ay hindi nito kinakaya at agad din itong nagpapakamatay.

Biglang nagmulat ng mga mata si Naiad pagkaalis nang nalambot na labi ng binata. Pareho silang nagulat at napatitig sa isa't-isa.

May kung anong magnet na humihila sa kanila.. Di mapigilang damdamin ang makikita sa mga mata. Di nila maintindihan ang naramramdaman sa isa't-isa.

Pero gusto nila ito.. Wala nang salita ang kailangan pa. Agad nilang tinawid ang pagitan ng mga labi.

Hindi na sila nag-isip pa, ang bawat isa lang ang mahalaga. Ang haplos at yakap nila ang pumupawi sa pangungulila. Parang isang puzzle sila na biglang naging buo.

Kulang ang halik at yakap.. They want more. They need each other more than anything else. Hindi lang masidhing pagnanasa ang nararamdaman nila kundi pag-ibig.

Pag-ibig na bagama't biglaan ngunit alam nila na totoo.

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon