Gubat

320 16 2
                                    


"Isuot mo na ang iyong balabal." inilagay ni Gin ang malaking balabal sa kanyang likuran at maingat na itinali ito sa kanyang leeg.

"Babe kumot yata ito ah." natatawang wika ng babae.

"Tama lang iyan. Baka sipunin ka, malamig sa itaas."pagsang-ayon ni Aetos kay Gin.

"O siya, di naman ako mananalo sa inyo. Tag team kayo palagi. Babe magkita tayo sa bungad ng gubat." hinalikan niya sa labi si Gin bago sumampa sa likod ng nakaabang na ibon.

Unang beses pa lang na makakasakay siya kay Aetos kaya medyo kinakabahan. Hindi naman siya malululaing tao kaya lang ibang level kasi ang paglipad sa himpapawid.

Malambot ang mga balahibo ni Aetos kaya komportable siyang maupo. Nakakapit siya sa balahibo ng leeg nito. Nang umangat na sila sa ere ay napakapit siya ng husto dito dahil sa kaba.

Maingat at mabagal na paglipad ang ginawa ni Aetos upang mawala ang kanyang takot. Hindi maalog kaya't unti-unting nasanay ang babae. Nae-enjoy na niya ang ganda ng view.

Dahil malapit na ang tag-lagas ay karamihan ng mga puno ay nagpalit na ang kulay ng mga dahon. Napakaganda ng paligid, yung dating sa picture at tv lang niya nakikita ay nasa harap na niya. Isa na namang pangarap niya ang natupad.

(Ganito ang nakikita nila sa himpapawid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ganito ang nakikita nila sa himpapawid. Image not mine, credit to the rightful owner)

Kahit nasa himpapawid ay di niya mapigilang hindi mag-emote. Bigla niyang naalala ang mga kapatid. Sana ay kasama niya ngayon ang kanyang pamilya sa magandang lugar na ito.

"Aetos.. Salamat. Dahil sayo nakita ko ang ganda ng paligid mula sa itaas. Masaya 'kong kasama kita. Alam kong di ka makakasagot ngayon kasi anyong ibon ka. Basta makinig ka lang diyan, okay na." nangingilid ang luha niya sa magkahalong lungkot at sayang nararamdaman. Ngayon pa talaga siya biglang naging emosyonal.

"Ang ganda ng mundo nyo. Alam kong di na sigurado kung makakauwi ako sa amin, pero buti na lang nandiyan kayong lahat. Masaya akong kasama kayo.. At sa tingin ko handa na rin ako sayo.." niyakap niya sa leeg si Aetos at hinalikan ang balahibo nito.

Kung anyong-tao lamang si Aetos ay malamang sobrang pamumula na ng kanyang mukha ngayon. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Naiad. Malapad talaga siya na ito ang kanyang naibigan.

Nakikita niya kung paano ito magpakita ng pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang kapareha. Hindi kasi lahat ng babae ay mahal ang kanilang kapareha. Kaya para sa kanila ay natatangi si Naiad sa iba.

Nang malapit na sila sa gubat ay natanaw na nila sina Gin, Torben at Khuram. Nagulat pa siya dahil naunahan pa ng mga ito ang lumilipad na si Aetos.

"Hello! Nandito na kami!" Excited pa siyang kumaway-kaway.

Pagbababa niya mula sa likod ni Aetos ay agad na niyakap si Gin.

"Sobrang ganda sa itaas babe! Ang gaganda ng mga puno at may nakita akong falls. Puntahan natin iyon mamaya ha?"

Ako sa Beast World Where stories live. Discover now