Si Mimi

341 14 12
                                    

"Nauubusan na tayo ng bigas.. Tingin ko ay hindi ito sasapat ng ilang buwan. Babe, sa tingin mo ba may mabibili pa tayo ngayon sa pamilihan?" tanong ni Naiad kay Gin.

Nag-aalala siyang hindi makakain ng kanin sa matagal na panahon. Ang hirap pa naman pag walang kanin dahil hindi nakukumpleto ang pagkabusog niya. Kanin is life pa rin talaga kahit nasa ibang mundo na siya.

Dahil sa patuloy na paglamig ng panahon ay imposible na ang pagtatanim ng palay. Kaya siguradong mahal na ang presyo ng mga natitirang bigas na nakaimbak sa pamilihan.

Nais pa sanang sumama ni Naiad pero pinigilan siya ng mga kapareha. Masyadong malamig sa labas at baka magkasakit lamang siya kung magpupumilit.

Sina Gin at Sid ang nagpasyang lumabas. Bago lumabas ay hinawakan ni Gin si Khuram sa balikat at itinulak palabas ng bahay.

"Sasama ka sa amin" maiksing wika ni Gin.

Wala nang pagpoprotesta pa at agad na sumunod si Khuram. Ayaw niyang madagdagan pa ang mga bukol sa ulo at pasa sa katawan. Biniro lang naman niya kahapon ang kanilang kapareha pero bugbog na agad ang inabot niya.

Pero ayos lang na mabugbog ang mahalaga ay ganap na niyang kapareha si Naiad. Walang kasing sarap pala ang sumiping.

Muli na naman niyang inalala ang naganap sa pagitan nila. Higit na ikinasiya niya na makita ang kanyang marka sa kanang balikat nito. Masaya siyang malaman na malapit siya sa puso ng minamahal kahit palagi niya itong binibiro.

Sa pamilihan

Ilang tindahan na lang ang may paninda at bukas. Ang ibang tindero ay nasa ibang lugar pa upang mag-restock ng paninda. Babalik pa ang mga ito sa tagsibol. Kaya lahat ng sa tingin ni Gin na kakailanganin ni Naiad ay binili na niya.

"Mapalad kayo at may dalawang sako pa ako ng bigas. Mabuti na lamang at ang kapareha nyo lang yata ang mahilig kumain ng bigas sa tribo. Halos siya lang ang nakaubos ng paninda kong bigas." wika ng tindero.

"Sa susunod po ay kung maaaring sa amin nyo na ilaan ang lahat ng makukuha ninyong bigas." tugon ni Gin.

"Ay, mas mainam iyon dahil hindi na maiimbak pa dito ang bigas at luluwag ang aking pwesto. Maiba ako, nabalitaan nyo ba ang nangyari noong isang araw?" pabulong na wika ng kanilang suking tindero.

"Ano po iyon? May nangyari ba dito?" curious na tanong ni Gin.

Maging sina Khuram at Sid ay napatigil sa pagsasalansan ng pinamili upang makinig sa tindero. Agad naman nitong ipinagpatulog ang sinasabi.

"Noong isang araw ay nakauwi na si Mimi. Iyong babaeng nakasagutan ng iyong kapareha."

"Bakit? Saan po ba siya nagpunta?" tanong ni Gin.

"Di yata at wala na talaga kayong alam sa mga balita rito? Palibhasa nasa liblib na ang bahay nyo. Si Mimi ay tatlong araw nang nawawala at noong isang araw lamang natagpuan. Ang sabi ay nadukot daw siya ng mga feral na sumalisi malapit sa tarangkahan ng tribo. Nais daw umanong manguha ni Mimi ng bulaklak bago pa tuluyang umulan ng yelo. Ngunit sa kasamaang palad ay nadaanan siya ng mga feral at agad na dinakip. Hindi siya naipagtanggol ng tatlo niyang kapareha dahil malalakas ang mga nakasagupa. Buhat ng mawala si Mimi ay hindi rin huminto sa paghahanap ang kanyang mga pobreng kabiyak. Pagkaraan nga ng tatlong araw ay himalang nailigtas nila si Mimi. Ang sabi nila ay may tumulong sa kanila at pinaslang lahat ng feral. Kung sino iyon ay hindi nila alam" mahabang kwento ng tindero sa kanila.

FLASHBACK

Hindi na matiis ni Aetos ang pag-init ng pakiramdam dahil sa nakakahumaling na pag-ungol ni Naiad dahil sa pagniniig nila ni Torben. Kaya't gaya nila Gin ay lumabas na din siya at agad na lumipad.

Ako sa Beast World Where stories live. Discover now