Buntis Ako?!

352 18 3
                                    

Pagmulat ng kanyang mga mata ay ang nakangiting mukha ni Gin ang bumungad kay Naiad. Napakagwapo. Mapalad siya dahil araw-araw niyang nasisilayan ang gwapo nitong mukha.

Ang huli niyang naaalala bago makatulog ay ang matinding pagkahilong naramdaman. Kaya batid niyang nawalan siya ng malay.

Kahit na nakangiti si Gin ay nababakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalalang pilit na itinatago. Hindi lang kasi niya nababasa ang ekspresyon ng mukha nito ngunit nararamdaman din niya ang pag-aalala ng kapareha.

"Good morning Babe.. Umaga na nga ba? Gaano katagal akong nakatulog?" tanong niya kay Gin.

"Oo, umaga na mahal ko. Ngunit maaga pa kaya maaari ka pang magpahinga pagkatapos mo kumain."

Nakarinig siya ng mahihinang paggalaw mula sa kusina at sala. May mahihinang bulungan pa na hindi na niya maintindihan. Mukhang abala ang mga kapareha niya sa labas ng kwarto.

Inalalayan siyang tumayo ni Gin at dinala sa kusina. Nagtungo muna siya sa banyo upang magbawas at maghilamos. Nakakatuwang mainit-init pa ang tubig na kanyang ginagamit. Kita ang paninigurado ni Gin at ng iba pang kapareha na huwag siyang magkasakit.

"Babe, sorry kung nag-alala ka sa akin ha.. Ok lang naman ako. Napagod lang siguro ako kahapon kaya medyo nahilo." Wika niya kay Gin bago yakapin ito at halikan sa labi.

Isa-isa din niyang nilapitan ang iba pang kapareha na nakatitig sa bawat galaw niya at hinalikan din ang mga ito. Binati niya ang mga ito at sinabing ayos lang siya.

Paglapit niya kay Khuram ay tinitigan nya muna ito. Nagtataka siya dahil parang tahimik ito at may pag-aalala din sa mukha. Pero she's not buying it. Tila may kung ano na naman itong pinaplano sa tingin niya.

Bago pa siya makapagsalita ay bigla niyang nakita ang sariling nakakulong sa mga bisig nito. Buong higpit siyang niyakap ni Khuran at hinalikan sa noo.

"Aba't bakit ng lambing mo naman? Ayos lang naman ako. Pasensya na kung nag-alala ka. Pero wag ka munang makulit ngayon ha. Gusto kong magpahinga.." Tinugunan ni Naiad ang pagyakap nito sa kanya.

"Iyan din ang nais ko. Magpahinga ka lang muna at sabihin mo sa amin kung anong mga nais mong gawin at kami na ang bahala." Seryosong wika ni Khuram.

"Anong nangyari at tila ang bait mo sa akin ngayon?" Kumalas na siya dito at muling lumapit kay Gin.

"Palagi naman akong mabait ah. Di ba?" Nakangiti nitong turan habang pinagagalaw-galaw pa ang mga tainga. Nagpapacute na naman sa kanya.

"Hahaha! Ewan ko sayo Khuram. Teka kumain na ba kayong lahat? Medyo nagugutom na talaga ako."

Agad siyang binuhat ni Gin at dinala sa hapag kainan. Nagulat siya sa dami ng pagkaing nakahain. Bukod sa paborito niyang nilagang karne ay may mga gulay din at prutas.

Kitang-kita sa mga nakahain ang pag-aalala ng mga ito dahil hindi na siya nakapag hapunan noong siya ay mawalan ng malay. Kaya lang nag-aalala siya na baka maubusan sila ng pagkain kung palaging marami ang nakahain.

"Masyado atang marami ito. Saluhan nyo na ako babe.." Baling niya kay Gin.

"Kumain na kami.. Para sayo talaga ang lahat ng iyan." tugon ni Gin.

"Oo nga naman, kailangan mo ng sapat na enerhiya. Wala ka pang kinain mula kagabi." Mahinang wika rin ni Aetos.

"Damihan mo ang pagkain mo ha.. Dalawa na kayo kaya dapat mas marami kana kumain." Sabi naman ni Khuram na abala sa paghihiwa ng mga karne na ibibigay sa kanya.

Agad na natigilan si Naiad sa pagsubo. May pagkalitong napatingin siya kay Khuram.

"Ano'ng sabi mo? Dalawa na kami?"

Ako sa Beast World Where stories live. Discover now