Planong Bahay

343 22 4
                                    

Kasama ang mga alagad niya ay sinuri ni Naiad ang bakanteng lote na nakita ni Gin. Nasa bandang dulo ng tribo ang lokasyon nito. Malayo sa mga kabahayan at tahimik. Medyo liblib na kaya siguro walang nakakaisip na tumira dito.

"Tamang-tama ang lugar na 'to para sa atin. Gusto ko dito.." nakangiting wika ng babae.

"Ngunit malayo na ito masyado sa ibang kabahayan. Sigurado kang ayos ka lamang?" tanong ni Torben.

"Kasama ko naman kayo.. Saka mas kampante ko ang mga nais kong gawin kung tayo-tayo lamang ang magkakasama. Ayokong merong nakikialam sa atin. Higit sa lahat kailangan ko ang malawak na lupaing iyan." itinuro ang espasyo na mayroong ilang punong nakatayo.

" Aalisin natin ang mga punong yan dahil kailangan ko ng pagtataniman. Pero hindi iyan ang uunahin."Mag-uumpisa na tayo bukas na bukas din." excited na siyang magkaroon ng munting garden. Pero bago ang lahat at bahay muna nila ang uunahin.

Pag-uwi nila ay nagpakuha siya ng isang malaking balat ng puno. Dahil wala pa silang papel ay ito na muna ang gagamitin niya upang iguhit ang plano ng nais na bahay. Uling na lang ang ginawa niyang panulat, sa susunod na niya poproblemahin kung paano gumawa ng disenteng panulat.

Manghang-mangha ang mga lalaking nakapalibot sa kanya. Ngayon lamang sila nakakita ng gumuguhit kaya di na ito nakakagulat. Iginuhit ni Naiad ang kabuuan ng bahay na nais, ang bawat parte ng bahay at nakadetalye din kung paano ilalagay ang mga pundasyon.

Ipinaliwanag niya na gagamit din sila ng mga bato at gagawa ng bricks para maging pader. Minsan niyang napanood sa Youtube ang paggawa ng bricks at mga palayok. Mula noon ay sinubukan na niya itong pag-aralan. Sumali pa siya mga nagpapaturo ng pottery sa bulacan. (Panoorin ang Primitive Technology bilang gabay.)

"Ngayong araw ay susubukan nating magluto ng mga bricks. Torben, maaari bang kumuha ka ng lupa doon sa lugar na sinabi ko? Kakailanganin din natin ng buhangin. Aetos okay lang bang ikaw na ang bahala? may makikita kang buhangin sa ilog." tumango ang mga ito at agad na umalis.

" Babe, magpapagawa naman ako sayo ng mga hulmahan. Kailangan ko ng mga kahoy na ganito ang sukat." ipinakita niya ang iginuhit at agad naman itong tumalima at naghanap ng tamang kahoy.

Dumating si Khuram na maraming dalang kahoy na panggatong. Lihim na siyang natutuwa sa pagiging mapagmasid ni Khuram. Hindi pa niya inuutos ay tila alam na nito ang mga kailangan niya.

"Salamat Khuram, malaking tulong ka sa amin. Ok lang ba na paki alis ang balat ng mga kahoy na yan? Kailangan ko yung mahahaba at maninipis na balat dahil gagawa ako ng mga lubid."

" Sabi ko na nga ba at kakailanganin mo ang talento ko. Kung nais mo ay marunong din akong umawit. Sabihin mo lamang at kaya kitang libangin." wika nito sabay kindat.

Hindi na siya nakasagot dahil agad din itong nawala para kumuha pa ng mga kahoy na kailangan niya. Bumalik ito na may dalang kulumpon ng mga banging.

" Kung lubid ang nais mo, ay ang balat ng mga ito ang hinahanap mo. Matibay ang mga iyan at mahahaba pa." nakangiti nitong sabi sa kanya.

" Maraming salamat talaga.." agad na kinuha ang mga baging at gamit ang kutsilyong bato ay inalis niya ang mga balat ng baging.

" Ako na.. Masusugatan ka pa niyan. Masyadong maganda ang mga kamay mo para masaktan lang." seryosong wika ni Khuram bago kinuha sa kanya ang mga hawak niyang baging.

Di maunawaan ni Naiad pero parang kinilig siya sa tinuran ni Khuram. Kahit may halong pambobola pa din ang sinabi nito pero kapag sinabi pala ng seryoso ay iba ang dating.

Pagkatapos balatan ang mga baging ay ipinakita niya kung paano ito gagawing lubid. Natuwa naman si Khuram dahil may bago itong nalaman. Siya na raw ang bahalang gumawa ng mga lubid at mukhang mas mabilis niya itong matatapos.

Ako sa Beast World Where stories live. Discover now