Dalaw At Kaaway

420 23 9
                                    

Kinaumagahan ay nagtawag ng meeting si Naiad.

" Guys bago umpisahan ang araw na ito ay kailangan muna natin mag-usap." panimula ni Naiad.

"Tulad ng sinabi ko kagabi, si Torben ang bago kong tagapangalaga. Dalawa na kayo ngayon ni Aetos. Mas gusto ko muna kayong makilala pa ng lubos bago yung alam nyo na. At sa pamilyang ito, ayoko nang nag-aaway-away kayo. Kung may hindi pagkakaunawaan ay pag-uusapan natin. Kung may mga nais kayong sabihin ay makikinig ako at saka natin pagdesisyunan. Marami akong plano para sa pamilyang ito kaya sana ay tulungan ninyo ako. Ang una sa listahan ng mg dapat natin gawin ay ang bago nating bahay." mahabang wika ni Naiad.

"Teka lang binibini. Nakalimutan mo yatang banggitin ang isa mo pang tagapangalaga." nakangising wika ni Khuram.

"Ay, oo nga pala nandiyan ka. Mukha ka kasing kalaban kaya nakalimutan kita." tugon niya dito.

"Palabiro ka din pala.. Bagay na bagay talaga tayo sa isa't-isa." sabay kindat sa kanya.

Ngayong umaga na ay mas mapagmasdang mabuti ni Naiad ang hitsura nito. Di nga mapagkakailang gwapo rin ito. May pagka dark-orange ang kulay ng medyo paalon na buhok.

Maiksi lamang ito at tila palaging magulo. Natutukso na ang babaeng tanungin kung sino bang barbero ang nag power trip sa ulo nito. Mukhang ibon na lang ang kulang para makumpleto ang hairdo ng makulit na tigre.

Ang mata naman nito ay light brown ang kulay. Napakaganda sanang titigan kung di lang nakakasuya ang panay panay na pagkindat ng mga ito. Kung susumahin ay hindi na talaga masama ang hitsura ng tigreng ito. Sobrang passable lalo na at matangkad pa ito. Nakakaloko lang talaga kausap.

"Well, Khuram tigilan mo muna ako. Baka ipakulam kita. Sa ngayon ay di ko pa alam kung saan kita ilulugar.. Sa tingin ko hindi ka naman masama, nakakabwisit ka lang. Siguro pwede ka na maging family friend." seryosong tugon ni Naiad sa tigreng may pilyong ngiti.

"Walang problema! Tinatanggap ko, ngunit ano ba ang family f-friend? " nagtatakang tanong ni Khuram.

"Kaibigan. Tutal kaibigan ka ni Torben kaya kaibigan ka na din namin. Maaari kang dumalaw dito pero di ka maaring tumira."

"Kakaiba kang talaga.." umiiling nitong wika. "Pero ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigang babae kaya pagbibigyan na muna kita. Alam ko naman na pag nakilala mo ako ng husto ay di mo na nanaiisin pang lumayo ako sa tabi mo." sabay kindat ulit sa kanya.

Umalis ito pero maya-maya ay bumalik ding may bitbit na mga kahoy. Nagpunta sa bakanteng lote malapit sa bahay nila at agad na gumawa ng sariling kubo. Napailing na lamang si Naiad. May mga wirdo din pala talaga sa beastworld.

"Nang araw na iyon ay dumating na ang kanyang dalaw. Medyo kinabahan pa siya noong una dahil di niya alam kung kelan ito huling dumating.

Agad na napuno ang mabangong amoy para sa mga lalaki ang kanilang tahanan. Nagpasyang di muna lumabas si Naiad hangga't hindi natatapos dumaan ang kanyang dalaw. Agad siyang nagpakuha ng maraming bulak.

Hindi rin siya sanay na hindi maghugas, kaya nagpagawa siya ng banyo kung saan malaya niyang malilinis ang sarili. Wala nga lamang ang nakasanayan niyang inidoro kaya nagkasya na lamang siya sa isang malaking banga na ginawa niyang arinola. Sinisigurado ni Gin na malinis ito at hindi siya mauubusan ng tubig.

"Mahal ko. Napakabango mo.." wika ni Gin habang sinasamyo ang kanyang leeg.

"Babe.. Pasensya kana ha. Wag muna ngayon.. Di kasi ako komportable dahil masakit ang puson ko." tugon nya dito.

"Hindi mo kailangan humingi ng paumanhin. Ayoko rin naman na masaktan ka. Basta nandito lang ako palagi pag handa kana. Sige na at matulog na tayo kailangan mo nang magpahinga." nakangiti nitong sabi sa kanya.

Ako sa Beast World Where stories live. Discover now