Ang Oso At Tigre Part 2

356 18 10
                                    

Pag gising ni Naiad ay bumungad sa kanya ang mga lalaking naka-barikada sa harap ng kanilang kahoy na gate. Bagamat nakatalikod ang ay alam niya kung sino-sino ang mga ito.

"Anong meron dito? Bakit kayo nakaharang diyan?" Curious na tanong ni Naiad sa mga kapareha.

Nang makalapit at saka niya nasilayan ang dahilan kung bakit nakaharang ang mga ito.

"Oi Sid, andiyan kana pala. Bakit hindi nyo siya pinapapasok?" nagtatakang wika nya.

"Wala pa siyang permiso mula sayo." tugon ni Gin.

"Kailangan nya muna akong labanan!" maangas na wika ni Khuram.

"Tama labanan nya muna kami. Kailangan niyang patunayan na kaya ka niyang protektahan." dagdag pa ng nakasimangot na si Torben.

"Ang aga-aga ang tatapang nyo! Kalma muna aba! Ayoko ng kaguluhan sa aking pamamahay." pasigaw na wika ni Naiad.

Agad na hinawi ni Naiad ang matatangkad na lalaking nakaharang sa kanyang harapan. Batid na hindi pa rin lubos na pumapayag ang mga ito sa bagong nadagdag sa kanilang pamilya. Ngunit wala na siyang magawa. Nais kasi niyang tuparin ang kahilingan ng byenan.

"Maaari ka ng pumasok sa aming tahanan Sid." wika ni Naiad sa kapatid ni Gin.

"Maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin bilang iyong tagapangalaga. Makakaasa ka sa aking katapatan at pagsisilbihan kita habang ako'y nabubuhay" nakayukong tugon sa kanya ni Sid.

"Ehem.. Di mo naman kailangan maging sobrang pormal. Ayos na sa akin ang 'thank you'."

"T-thank y-you? Ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Sid.

"Ibig kong sabihin, ayos na sa akin ang magpasalamat ka." mabilis niyang tugon dito.

Nais na niyang tapusin ang usapan dahil nagugutom na siya. Nakita niyang abala na sa paghahanda ng almusal si Aetos kaya mas lalo siyang nagutom nang maamoy ang mabangong pagkain sa kanilang hapag.

"Aetos, anong oras ka pala nakauwi? Maghapon kitang hindi nakita kahapon.." bigla niyang tanong nang makita si Aetos.

Nakangiti itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo. Masaya siyang marinig na nag-aalala ang kapareha para sa kanya.

"Patawad mahal ko kung nag-alala ka. Naglilibot lamang ako sa gubat para maghanap ng pagkain at medyo napalayo ng lipad ko. Marami akong dalang mansanas para sayo." mahabang paliwanag ni Aetos sa kapareha. Iniabot pa niya ang isang malaki at pulang-pulang prutas kay Naiad.

Napangiti na lang siya habang tinatanggap ang paboritong mansanas. Maya-maya pa ay handa na sila upang kumain. Tulad ng nakagawian ay palagi siyang pinapaunang kumain ng mga ito.

"Ayan na naman kayo. Sabayan nyo na akong kumain! Ayokong may nakatitig sa bawat pagsubo ko. Nakakailang!" pasigaw na wika ni Naiad.

Wala nang tanong-tanong pa ay agad na kumuha ng pagkain ang bawat isa. Maliban kay Sid na naguguluhan sa kanilang sistema.

"Wag kana tumulala diyan. Nagagalit siya kapag nagpapaulit-ulit. Kumain kana din." bulong ni Gin habang mabilis na nilagyan ng maliit na karne ang plato ni Sid.

Lahat sila ay kumain lamang ng kaunti at mabagal. Kumakain na kasi sila tuwing naghahunt ng pagkain. Nais na lamang nilang sabayan si Naiad upang hindi ito magalit. Araw-araw silang namamangha sa angkin nitong kagandahan at kabutihan sa kanila.

Pagkatapos ng almusal ay muling naging abala ang bawat isa. Katulong ni Naiad si Gin sa pagsusulsi ng mga bago nilang damit.

Si Torben naman ang abala sa pagsisibak ng mga kahoy at binabantayan ang pinalalambot nilang karne. Si Aetos ay nasa tabi ni Naiad habang sinusubuan siya ng prutas.

Ako sa Beast World Место, где живут истории. Откройте их для себя