Ang Nilalang

698 28 3
                                    

Halos himatayin ang dalaga sa pagkagulat.

"Ahhhhhh! Aswang!" sigaw ni Naiad. Napaupo siya sa labis na pagkagulat.

"Parang awa mo na wag mo akong kakainin! Kailangan ako ng pamilya ko. Hindi pa nga ako nagkaka-jowa!" pikit matang hiyaw ng dalaga.

Labis na pagtataka naman ang makikita sa gwapong mukha ng istrangherong lalaki. Hindi nito maunawaan ang dahilan nang paghiyaw ng babae.

" Sandali lamang babae, hindi ako si Aswang. Gin ang aking pangalan. Nagpakilala ka sa akin kanina lamang kaya akala ko ay nais mo din akong makilala." nag-aalangan nitong wika.

Batid nito na natatakot ang dalaga kaya itinaas niya ang mga kamay upang ipakitang wala siyang intensyong masama.

"Hindi kita sasaktan, kung nais mo ay maaari kitang tulungan. Mapanganib dito sa gubat. Sabihin mo, saang tribo ka ba nabibilang? At anong lahi ka?" sunod-sunod nitong tanong sa dalaga.

Hindi inaasahan ng dalaga ang malumanay na pagpapakilala ng istranghero. Ang takot niya ay unti-unting nababawasan dahil sa mga tinuran ng istranghero.

Saka lamang niya lubos na mapagmasdang mabuti ang lalaki. Di nakaligtas sa kaniyang mata ang nakalawit na bahagi ng katawan nito. Agad siyang tumalikod at tinakpan ang mga mata. Nag-init ang kanyang tenga sa pagkahiya.

"Kuya, pwede bang magdamit ka muna? Hindi kasi ako sanay makakita ng nakahubad. Hindi ka naman mukhang manyak.. Kaya kung pwede lang pakitakpan yang si junjun mo?" wika ng dalaga.

"Sandali lang babae, meron akong kasuotan. Kukunin ko lamang." agad itong umalis at agad din namang bumalik na may tila paldang suot. Ito'y gawa sa balat ng hayop na may kulay itim na balahibo.

"Nais ko lang itanong sayo, bakit mo ako tinawag na kuya? Hindi naman kita kamag-anak at wala akong kapatid na babae." naguguluhan nitong tanong sa dalaga.

"Pasensya na, wag mo na lang pansinin yung sinabi ko. Maiba tayo, nasaang lugar ba ako? Saang probinsya ba ito? Aswang ka ba talaga? Pwede mo bang ituro ang daan papuntang sakayan?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga.

Nababalot pa rin ng takot si Naiad. Bigla na lamang siyang napunta sa isang lugar na ngayon lamang niya nakita. At sa harap niya ay may isang nilalang na di niya alam kung aswang ba, shapeshifter o warewolf. Labis ang pagkabahala ng dalaga sa hiwagang nararanasan niya. Paano ba siya makakauwi?

Dahil sa dami nang nababasa niyang libro tungkol sa ibang mundo. Naisip ng dalaga na baka may kaugnayan sa mga ito ang nangyayari sa kanya ngayon.

Kailangan nya munang alamin ang lahat ng tungkol sa lugar na ito. Mamaya na siya magpapanic. Kikilalanin muna nya ang gwapong nilalang sa kanyang harapan.

"Sandali lamang babae, napakarami mong katanungan."natatawang wika ng istranghero ng lalaki.

"Narito ka ngayon sa gubat malapit sa Tribo ng mga Lobo" wika nito.

"Naiad. Wag mo kong tawaging 'babae', may pangalan ako!" pagalit na sagot ng dalaga.

"Patawad ba- Naiad. Di na mauulit.. Ano nga pala ang ginagawa mo sa lugar na ito? Nasaan ang kapareha mo?" tanong ng lalaki.

"Hindi ko rin alam..." naluluhang sagot ng dalaga.

"Sa palagay ko nawawala na yata ako. Di ako pamilyar sa lugar na ito.. Pwede mo ba akong tulungan?"

Kailangan nya ng impormasyon sa lugar na iyon kaya agad niyang inusisa ang lalaki. Di nya mapigilang mamangha sa taglay nitong kakisigan.

Tila isang modelo o artista ang nasa harap niya. Matangkad ito, sa tingin niya ay halos 6 na talampakan ang taas. Kulay abo ang hanggang balikat na buhok. Kakulay naman ng dagat ang asul na mata nito.

Mukhang banyagang taga Europa ang wangis ng mukha na may maputing balat. Napansin din niya ang maliit na mga pangil nito sa tuwing nagsasalita. Nakakahiya mang aminin ngunit lihim siyang kinikilig habang nakatitig dito. "Ang gwapo.." isip ng dalaga.

"Kung nais mo ay maari kitang isama muna sa aking kweba. Hindi kasi tayo pwedeng magtagal dito. Mapanganib para sa babaeng tulad mo." wika ng lalaki.

"Sasama lang ako kung ipapangako mong di mo ako sasaktan. Mahirap na baka kidnapin mo ako." tugon ni Naiad.

"Ano ang 'kidnapin'? Kakaiba ang iyong mga sinasambit. Ngunit pangako. Hindi kita sasaktan.. Kung nais mo ay hawakan mo itong aking punyal upang maging proteksyon mo kung sakaling saktan kita." Inabot nito sa dalaga ang tila gawa sa itim na batong punyal na kahoy ang hawakan.

"Sige akin na yan. Yari ka sakin pag nagkamali ka ng kilos. Gigripuhan kita!" Sagot ng dalaga.

"Sumunod ka sakin at wag kang lalayo, di mo rin kailangan gumawa ng ingay. Mapanganib kasi sa gubat na ito". Wika ng lalaki. "Ang demanding naman ni pogi.. Muntik na akong sabihang maingay.

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon