SECRET XV

1.6K 32 0
                                    

SECRET XV

"Oo nga eh po eh, nagpaulan kagabi kaya ayan nagkasakit, pinaalis lang ako tapos naligo pala ng ulan" Napahinga ako ng malalim bago magmulat ng mga mata at agad napatingin sa maingay na nag uusap malapit sakin

"Is that so? Well, thanks for taking care of her Luke. Maaasahan ka talaga kahit kailan, you never failed your promises" Saad naman ng babae. Napatingin ako sakanila at inaninag ang mga ito. Si Karlie at si Luke, nag uusap malapit sakin.

"Walang anuman po iyan ma'am, basta po, yung usapan natin" Nakita kong tumango si Karlie at ngumiti sa lalaki bago ako tingnan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita akong nakatitig sakanya

"My God! Cassandra! Okay ka na ba?! Jusmiyo sayong babae ka ba't ka ba nagpaulan kagabi?!" Sermon nito sakin habang pinanlakihan ako ng mata.

"Okay na ko. Don't be mad" Mahina kong saad at napaubo ng konti. Masakit parin ang ulo ko maging ang lalamunan ko

"Kuha lang ako ng tubig" Paalam ni Luke. Napatikhim ako at nakabusangot na tumingin kay Karlie na ngayon ay nag aalalang nakatingin sakin

"Okay ka na pero tingnan mo yan, nilagnat ka. Ano ba kaseng nangyari at bakit nagpaulan ka?" Tanong nito at hinipo ang ulo ko.

"Ang init ko parin..." Mahinang saad niya. Tumikhim ako at ngumiti kay Karlie

"P-para namang hindi mo alam na nilagnat ako at natulog sa labas kagabi" Ngiti kong saad dahilan para mapakunot ang noo niya at nagtataka akong tiningnan

"Sa labas ka natulog kagabi?" Taka niyang tanong dahilan para magtaka rin ako

"Hindi ba nasabi sayo ni Luke?" Umiling siya sakin

"Hindi eh, ang sabi niya lang nilalagnat ka daw kase nagpaulan ka kagabi. Iyon lang" Napaiwas ako ng tingin sakanya at nagtatakang napatingin sa kawalan

"I-ikaw naman ang nagbihis sakin ng damit di ba?" Nauutal kong tanong sakanya. Naniniguro na hindi tama ang hinala ko. Bigla akong kinabahan sa mismong tanong ko

"Huh? Eh kakatawag nga lang sakin ni Luke kaninang alas dose, kase daw nilagnat ka. Buti nalang talaga pinayagan ako ng fiancee ko na pumunta dito" Saad niya dahilan para matahimik ako at hindi makapagsalita

Ibig sabihin nag sisinungaling si Luke. "Kung ganun sino ang nagbihis sakin?" Nagkatinginan kaming dalawa ni Karlie at maging siya ay natigilan sa naging tanong ko

"Sino ba? Sino bang kasama mo dito..." Natigilan siya at napatitig sakin. Kalaunan ay nanlaki ang mga mata na tiningnan ako

"Si Luke?! OMG!" Dahil sa sinabi nito ay hindi ko maiwasang mas lalong matigilan at hindi makapaniwalang napaisip na baka nga si Luke ang nagbihis sakin. Kung hindi si Karlie, sino pa ba eh di siya

"Walang hiya ang lokong iyon..." Mahina kong saad at hindi alam kung bakit hiya ang unang naramdaman ko Imbes na magalit o mainis ako sakanya.

Napahagikhik si Karlie dahil sa sinabi ko at tiningnan ako ng nakakaloko. "Yung totoo, may something na ba na ano..." Kahit nanghihina ay nagawa ko siyang hampasin ng unan at irapan

"Siraulo Karlie... Kung ano ano na pinag iisip mo" Saway ko sakanya dahilan para magpigil siya ng ngiti

"Bagay kayo... My God... Hindi ka ba nakaramdam ng pagkagusto sakanya? I mean, look at him Cass, he's caring and sometimes funny... I think he's a good boy naman" Sandali akong natigilan dahil sa sinabi ng kaibigan ko

"Lasing ka ba? Luke and I are not in a something na sinasabi mo. Stop it Karlie" Saway ko sa babae pero tumango lang siya saka nagsalita ulit

"Pero if you wanna try lang naman di ba? You can try Cassandra and I think Luke is very perfect for you... Wala namang masama kung susubukan mo" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng babae

"Why are you pushing me to him? I don't like him..." Natatawa kong saad at maski ako ay natigilan dahil sa sinabi ko. I don't know why there's something in me na parang tutol sa sinasabi ko

"Sa ngayon hindi mo pa siya gusto, but as the time goes by alam kong magugustuhan mo din siya... Hindi naman masamang magustuhan si Luke, siguro kung wala lang akong fiancee siya na ang nagustuhan ko. But sorry, I have my man right now" Saad nito. Napatitig naman ako sakanya

"Why don't you try Cass? You're afraid? Hello, you're 29 years old na yet wala ka paring boyfriend..." Napahinga ako ng malalim. Nakita kong kinuha niya ang bimpo sa gilid niya at agad na ipinahid iyon sa braso ko ng dahan dahan

"O baka naman kaya hindi mo nagustuhan si Luke o wala kang magustuhang iba because you're waiting for someone? Siya parin ba?" Nagtatanong ko siyang tiningnan at nagtataka ang mukha. I saw her grin love an evil bago nagsalita

"Si Grey... You're elementary until college crush... Am I right?" Sandali akong napatitig sakanya at napatango nang maalala ko si Grey. Siya ang first love ko, first crush na walang pag asa

"Oh, that Grey guy?" Ngumisi si Karlie sakin

"I still remember the day nung baliw ka sakanya... You even gave him letters yet hindi ka naman niya pinapansin... Naalala ko pa yung kilig mo everytime he passes to our classroom" Napailing ako at napatawa dahil sa sinabi niya

"Stop mentioning his name Karlie. Dati iyon... Wala na yun ngayon" Wala na akong naging balita sa lalaking iyon magmula nung umalis na siya at pumunta sa Canada pagkatapos ng graduation namin ng college.

"Nag confess ka rin sakanya dati kaso you're rejected... But sabi mo dika naman nasaktan because he rejected you nicely" Dagdag pa niya na ikinatahimik ko

"But he lied di ba? Ang sabi niya hindi pa siya ready for relationship pero nalaman nalang natin na... May nililigawan na siyang girl" Mas lalo akong natahimik habang bumabalik sa alaala ko ang lahat

"Yeah... But I'm happy for him naman and it's okay to me. Matagal na kong nakamove on ano... Ang taray lang dahil nagmove on pa ako kahit hindi naman naging kami. But it's still a lesson for me and still, I hope he's still doing great kung asan man siya ngayon... He's so kind and never akong pinahiya kahit na palagi ko siyang binubwisit. Kaya ko nga siya nagustuhan" Saad ko at umayos ng upo Saka napangiti

"How's he na kaya noh? Ilang taon na magmula nung umalis siya at pumunta ng Canada... He's married I think?" Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya at hindi umimik

"Oh, sorry if I'm being insensitive... I love digging pasts lang talaga kaya ako palaging nasasaktan" Pagdadrama niya na ikinangisi ko. Napailing nalang ako at inalis sa isipan ko ang pinag usapan namin kanina

Dumating si Luke na may dalang baso ng tubig. Salubong ang kilay ng lalaki at nakabusangot ang mukha

"Ito na tubig" May pagkamasungit nitong saad at kaagad na tumingin sakin saka ako inirapan ako agad na umalis. Tumaas ang kilay ko

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Karlie at kinuha ang tubig saka ininom. Nagkibit balikat nalang ako at hindi na nagsalita pa

His Hidden Secrets Where stories live. Discover now