SECRET XXXIII

1.5K 26 0
                                    

SECRET XXXIII

Kahit na alam kong impossible, hindi ako tumigil sa paghahanap sa bangkay ni Luke. Hindi ako nawawalan ng pag asang, baka nga buhay pa siya.

"How is it sir? May bangkay ba?" Nanginginig kong tanong sa pulis na kaharap. Kahit na kinakabahan ay kailangan kong magpakatatag

"We're so sorry Ms. Deogracia but, we didn't find any body of someone. Napaka impossible po na mahanap namin ang bangkay ng lalaking sinasabi niyo, my men searched for the entire cliff pero wala. Tanging mga ahas lang at mga iba't ibang makamandag na hayop ang nasa ilalim" Hindi ko maiwasang hindi manghina dahil sa sinabi ng pulis

"P-please... Please chief, gawin niyo ang lahat, I will pay you double, triple but please... Do find my boyfriend... Hindi pwedeng walang katawan niya ang makita niyo..." Umiiyak kong pakiusap. Naramdaman ko naman ang paghagod ni Karlie sa likuran ko

Naaawang nakatingin sakin ang pulis pero wala akong pakialam. Kahit na mag hire pa ko ng bagong mga investigator kahit na ilan pa iyan gagawin ko basta mahanap ko lang siya

"Cassandra that's enough... Stop crying, here, kumain ka muna" Mahina niyang saad. Hindi ako umimik at nanatiling tulala habang nakatingin sa mga pagkaing nasa harapan ko.

"Busog ako..." Mahina kong saad. Magmula nang mawala si Luke, parang biglang nawala lahat sakin. Pati ang lakas ko at ang pag asang makikita ko pa siya

"Cassandra you need to eat. Dalawang linggo ka nang walang matinong tulog at kain. Baka kung anong mangyari sayo niyan" Nag aalala nitong saad

"I know you're hurt dahil sa nangyari kay Luke but please... Wag mo namang pababayaan ang sarili mo. Kung nasaan man siya ngayon, hindi niya magugustuhan ang ginagawa mo sa sarili mo" Hindi ako nagsalita at uminom lang ng konting tubig. Tama siya, magmula nang mawala si Luke ay napabayaan ko na ang sarili ko. Hindi na ko nakakapag isip ng matino at palaging laman ng isip ko si Luke. Si Karlie na muna ang namahala sa kompanya ko dahil hindi ko na kaya pang gawin ang mga trabaho doon dahil sa labis na kalungkutan

"Look at yourself Cass... Ang laki na ng pinayat mo. Ang laki na ng pinagbago ng katawan mo. Please, don't drown yourself dahil sa pagkamatay ni Luke, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya?" Napatingin ako sakanya nang sabihin niya iyon at sandaling napaisip

"I need also to k*ll ninong..." Tulala kong saad dahilan para panlakihan niya ko ng mga mata

"Cassandra! What are you saying?!" Sigaw niya habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sakin

"H-he k*lled Luke. So in return I need to k*ll him also" Saad ko dahilan para lapitan ako ni Karlie at hawakan sa magkabilang balikat

"What are you even thinking Cassandra?! Babahiran mo ng dugo iyang kamay mo? Wag na wag mong gagawin iyan..." Kita ko ang takot sa boses at sa mga mata nito habang sinasabi iyon sakin

Natigilan siya nang magpakawala ako ng tawa... Hindi siya makapaniwalang nakatingin sakin at napatakip ang bibig

"Who told you that I will going to k*ll him?" Natatawa kong saad dahilan para maluha luha niya akong yakapin ng mahigpit

"It's okay Cass... You can cry all you can... But please wag ka sanang magpadala sa nararamdaman mo..." Narinig ko ang paghikbi niya. Nawala ang ngiti sa labi ko at tumulo ang luha sa mga mata. Napahikbi rin ako dahil naramdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko.



"Cass. I'm so sorry about what happened..." Napatingin ako kay Grey na nasa harapan ko. Nasa bahay siya at kahit Wala akong gana ay pinili ko paring pakiharapan siya

"Wag mo sanang pababayaan ang sarili mo... It hurts seeing you like this Cassandra..." Lumamlam ang mga mata niya nang tumingin sakin. Hindi naman ako umimik at tinitigan lang siya

"I talked to your dad, alam kong hawak niya ko sa leeg but I need to fight him. Kailangan niyang managot sa lahat at wag kang mag alala, gagawin ko ang lahat para hindi na siya makalapit pa sayo" Hindi ako sumagot at kumuyom lang ang kamao ko. Hindi na tumawag o nagpakita pa sakin si Castañeda. Mabuti na rin iyon dahil hindi ko alam ang gagawin ko sakanya sa oras na guluhin niya pa ko

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa at matiim akong tinitigan

"I like you Cassandra..." Nagulat ako sa sinabi nito pero hindi ko pinahalata. Hindi ako nakapagsalita at tulala lang din habang nakatingin sakanya

"I know nagulat ka but... I really like you ever since we're high school..." Hindi ko maiwasang hindi magulat sa sinabi nito. Kung ganun, hindi lang pala ako ang nagkakagusto sakanya nun?

"I'm afraid to tell you about my feelings because I thought you don't like me. Until Karlie told me that you liked me before. I'm so happy Cass, but I think you can't like me back again" Lumungkot ang mukha nito pero pinili paring ngitian ako

"S-sorry Grey. But I loved someone" Pag amin ko sakanya. Ayoko siyang paasahin. At isa pa, hindi ko na kaya pang magmahal ng iba kahit pa wala na si Luke

"Yeah I know... I know. But always remember Cass that I'm always here for you, no matter what, you can use me if you want. I can be your rebound" Umiling ako at ngumiti sa lalaki

"I'm sorry pero ayoko... You don't deserve me Grey, may mahal akong iba and I can't love you... You can't be my rebound, ayokong mang gamit ng tao para lang makalimot... Titiisin ko ang sakit, huwag lang akong makasakit ng iba" Ngumiti lang siya at hindi nagsalita sa sinabi ko

Hangga't maaari ay ayokong paasahin siya. Wala akong planong gamitin siya para lang makalimot




"We're so sorry ma'am but... Ayaw na po ng mga tauhan ko na hanapin ang pinapahanap niyo. Binabalik nalang po nila ang binayad niyo" Napapikit ako at napahinga ng malalim saka napahawak sa ulo ko dahil sa sinabi nito

Bagsak ang balikat ko nang umalis ng police station. Mag iisang buwan na pero hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita ang bangkay ni Luke. O baka nga, buhay pa siya. Pero napakaimpossible... Sa lalim nun ay hinding hindi na siya makakaalis ng buhay. Pero hindi ako naniniwalang wala na siya hangga't wala akong bangkay niya na nakikita

Ilang beses ko nang ipinangako sa sarili ko na tatanggapin ko na wala na si Luke pero heto ako ngayon... Nasa itaas ng bangin habang walang buhay na nakatitig sa madilim nitong parte. Tumulo ang luha sa mga mata ko at parang nawalan na ng pag asa na mahanap ang katawan niya

"Luke where are you? Magpakita ka naman sakin oh" Mahina at nagmamakaawa komg bulong habang nakatingin sa malalim at madilim na bangin

Napahikbi ako at natawa sa sarili dahil Wala man lang nagsalita at sumagot sakin. Pinahiran ko ang mga luhang tumulo sa mga mata ko

"I don't want to live anymore... I want to die also para makasama na kita. Sorry kung dahil sakin napahamak ka" Mahina kong saad at ngumiti. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa langit

"M-mom... Dad... I'm very sorry if I'm going to k*ll myself. I don't have any choice but to be with Luke. It's my fault kung bakit siya namatay at hindi ko kayang mabuhay nang wala siya... Hindi ko na kayang mabuhay nang matiwasay pagkatapos ng lahat. So it's better if I k*ll myself, para kahit papaano mapatawad niya ko" Nanginginig kong saad at tumingin sa bangin

Ngumiti ako at pumikit. Akmang tatalon na ako nang may humigit sa braso ko dahilan para mapaatras ako at maalis sa bukana ng bangin at matumba kasama ang humila sakin. Napatingin ako kung sino iyon at natulala nang makita ang misteryosong lalaki

His Hidden Secrets Where stories live. Discover now