SECRET XXVI

1.5K 29 0
                                    

SECRET XXVI

"L-luke?" Napatingin kami pareho nang may sumingit sa usapan namin, nang tingnan namin ito ay nakita ang isang babae at natigilan. Si Analiza. Nasa harapan namin ito, biglang sumulpot. Natigilan ako at napalingon kay Luke na ngayon ay nakatitig din sa babae.

Bumaling ulit ang tingin ko kay Analiza at nakita ang maluha luha nitong mga mata habang nakatitig kay Luke. "I-ikaw na ba iyan?" Naiiyak nitong tanong. Mahina lang pero alam kong nangungulila.

"Analiza..." Tawag niya sa babae. Hindi ako makapagsalita nang makitang agad siyang niyakap ng babae at mahina itong umiyak sa balikat niya. Tulala lang akong nakatingin sakanila at hindi alam kung bakit parang unti unting pinipiga ang puso ko nang makitang niyakap siya pabalik ni Luke

"N-namiss kita sobra..." Mahina nitong iyak at humiwalay ng yakap sakanya. Nakita ko ang pagngiti ng magaan ni Luke sakanya

"Namiss din naman kita. Huwag ka na umiyak, yung uhog mo lumalabas na" Biro nito dahilan para tumawa ng mahina ang babae. Napatingin si Luke sakin pero ako na ang nag iwas ng tingin. Para akong nanonood ng pagkikita nilang dalawa at hindi ko maiwasang hindi matawa para sa sarili ko.

"Nga pala... Siya si Cassandra" Napalingon ako sakanila nang banggitin ni Luke ang pangalan ko. Napatingin sakin si Analiza at sandaling nagulat nang makita ako

"Cassandra, siya naman si Analiza, anak ni Mang Erning tsaka Aling Maria" Tipid akong ngumiti sa babae at ganun din ito

"Boss ko siya, si ma'am Cassandra" Pakilala ulit ni Luke. Tumitig naman sakin ang babae

"Nice meeting you Analiza, magkakilala na kami" Pormal kong saad, hindi pinapahalata na parang may naramdaman akong hindi maganda. Ngumiti lang siya

"Nagpakilala na ko sakanya Luke, kilala niya din ako" Nakangiti niyang saad habang nakatingin kay Luke. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagustuhan ang uri ng tingin na binibigay niya sa lalaki

"Luke, gusto mo paglutuan kita? Marami na kong alam na pwede kong lutuin para sayo. Akala mo ikaw lang ang may alam ah?" Nakita ko ang pagtawa ni Luke pero nag iwas ako ng tingin at inabala nalang ang sarili sa pagtingin sa magagandang tanawin pero ang tenga ay nakatuon sakanila. Hindi ko alam kung bakit di ko sila kayang titigan ng matagal

"Oh talaga? Sige nga pakita mo sakin" Rinig kong saad niya sa babae.

"Sige tara..." Akala ko ay tuluyan na silang umalis pero nagsalita pa si Luke at tinawag ang pangalan ko

"Cassandra..." Tawag niya sakin dahilan para mapakurap ako at mapalingon sakanilang dalawa. Ngumiti si Luke at napakamot ng ulo

"Tara na? Malamig dito baka ginawin ka" Pag papaalala niya pero kusa akong umiling

"I-i'm okay, don't worry about me. Ayos lang ako, gusto ko lang mapag isa... You know, I need to think about something" Pagtatanggi ko. Nakita ko kung paano sumeryoso ang kaninang nakangiti niyang mukha

Napatingin ako kay Analiza na ngayon ay nakatingin lang saming dalawa. Bumitaw si Luke sa pagkakahawak sa babae saka lumapit ulit sakin, bagay na hindi ko alam kung bakit ikinasaya ko

"Baka kung ano pang isipin mo diyan ah? Wag ka na kase mag isip ng kung ano ano. Halika na, samahan mo na kami ni Analiza sa kusina, magluluto daw siya, makikitikim lang tayo" Ngisi pa niya at sinulyapan ang babae na ngayon ay naghihintay. Tipid akong ngumiti at umiling

"Kayo nalang... Samahan mo muna siya, base kase sa reaksyon niya kanina mukhang matagal kayong hindi nagkita. Sige na, okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko, papasok ako kapag ginawin na ko dito sa labas" Sagot ko sakanya.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim saka pagyuko niya. "sige, pero pumasok ka mamaya" Seryoso niyang Paalala na ikinatango ko

"Opo sir... Papasok po ako" Biro ko sakanya dahilan para mapangiti siya. Napatingin siya sa pwesto ni Analiza at pabalik sakin, halatang nalilito kung saan siya sasama o mananatili

"S-sige... Pasok ka okay?" Tipid akong tumango at tumulala na ulit habang nakatingin sa maalon na dagat. Tuluyan na silang umalis kasama si Analiza at hindi ko alam kung bakit parang tutol ako sa naging desisyon niya


Ilang oras din akong tumunganga doon sa dagat. Iniisip ko parin kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko parin matanggap sa sarili na hindi ako totoong anak ng daddy ko. I'm not a real Deogracia and it hurts a lot. Hindi ko maiwasang mapaiyak dahil sobrang unfair nun sa part ni daddy. Ako ang nagmamana sa lahat ng ari arian niya yet I'm not his real daughter and not the real heir

Mas lalong hindi ko matanggap, na ang totoo kong ama ay gusto akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Why is it so unfair? Totoong tatay ko lang siya but that doesn't mean he can control my life dahil unang una palang, si Carlos Deogracia ang kinilala kong tatay, gamit ko ang apelyido nito kahit na hindi naman siya ang totoong ama ko

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang matigilan saglit nang mapatingin sa bukana ng pintuan. Nakita ko sina Aling Maria at Mang Erning na naghahain sa hapag habang si Luke at si Analiza ay nakaupo na at nagtatawanan habang kinikiliti ang isa't isa

Hindi ko alam kung bakit ayaw kong makita ang senaryong iyon. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Wala naman akong nararamdaman kay Luke di ba? Dapat nga maging Masaya ako sakanya

Nagulat ako nang mapalingon sa gawi ko si Luke. Natigilan siya nang makita akong nasa labas at hindi pumapasok. Nakita ko ang pagtayo niya at dali daling pinuntahan ang pwesto ko

"Cassandra ayos ka lang ba?" Tanong niya at hinawakan ang balikat ko. Ngumiti lang ako sakanya habang tinititigan ang mukha niya

"I'm okay, wag kang mataranta diyan" Biro ko pero hindi siya ngumiti. Hinila lang niya ako papasok saka sinara ang pintuan saka umalis at pumunta sa itaas.

Napatingin ako kay Analiza na ngayon ay nakatingin sakin. Hindi naman iyong tipo na nagmamaldita. Normal lang ang ibinaling niyang tingin sakin. Nang bumaba si Luke ay may dala na siyang isang makapal na coat at agad iyong pinasuot sakin.

"Suotin mo para hindi ka ginawin, wag mong tatanggalin hanggan't hindi ko sinasabi, bakit ba kase ang dilim mo nang bumalik?" Seryoso niyang saad at inalalayan akong maupo na sa hapag.

Pumagitna siya samin ni Analiza. Tahimik lang ako sa tabi niya. "Oh, andito ka na pala Cassandra iha, kumain na kayo. Analiza anak, pakikuha ng ibang mga ulam sa kusina" Utos ni Aling Maria sa anak niya.

Napasulyap naman ako kay Analiza na ngayon ay wala nang emosyon ang mga mata. Walang salita itong umalis at sumunod sa inutos ng mama niya.

"Kumain ka ng marami Cassandra..." Paalala ni Luke at nilagyan ng maraming pagkain ang pinggan na nasa harapan ko

"Oo nga Cassandra iha... Kumain ka ng marami, masasarap ang niluto namin, ang iba ay si Analiza pa ang nagluto, tikman mo, masarap magluto ang anak ko na iyon" Pagbibida nito sa anak. Napatingin naman ako sa mga pagkaing nasa harapan at masasabi kong magaling nga talagang magluto si Analiza.

Bumalik ang babae at may dala na itong pancit na tahimik kong ikinatakam. Gusto kong ngumiti dahil naamoy ko ang bango nito kahit malayo pa. Nang ilapag nito ang pagkain ay nakita kong ngumiti ang babae kay Luke

"Luke kain ka ng marami ha? Niluto ko talaga ang mga iyan para sayo" Mahinhin niyang saad.

"Salamat Analiza... Magugustuhan to ni ma'am Cassandra, wait mo lang" Nawala ang ngiti sa labi ng babae nang banggitin ni Luke ang pangalan ko at napatingin sakin

"Cassandra... Di ba gusto mo toh? Kumain ka ng marami" Saad niya. Ngumiti lang ako at magkukusa na sanang kumuha ng pagkain pero agad akong pinigilan ni Luke

"Ako na po ma'am, dapat po pagsilbihan ko kayo kase baka bawasan niyo sweldo ko" Mahina akong natawa sa sinabi nito

"Analiza kumain ka na rin. Sumabay ka na sakanila" Saad ni Mang Erning nang pumasok ito sa kusina

"M-mamaya na po pa, sumama po bigla ang pakiramdam ko" Mahina at nauutal na saad ni Analiza at dahan dahang umalis sa hapag saka tahimik na umakyat sa itaas.

His Hidden Secrets Where stories live. Discover now