SECRET IV

2.4K 60 1
                                    

SECRET IV

Naramdaman ko ang pagbitaw ng kamay niya nang makalayo na kami. Hininaan ko na ang pagmamaneho dahil nakita kong malapit na dito ang bahay namin.

"Do you know who is he Luke?" Tanong ko sa lalaki kalaunan. Hindi siya umimik at nang tingnan ko ay seryoso lang siyang nakatingin sa likuran ng kotse.

"Luke?" Sinilip ko ang likuran pero walang namang tao

"A-ah, nako hindi ko kilala iyon! Tarantado iyon ah. Muntikan pa tayong p*t*yin!" Napailing iling naman siya pero ako ay natahimik nalang. Parang may mali sa ikinikilos niya pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Lasing pa siguro ako

Nang makarating sa mansyon ay kaagad kong pinasok ang kotse sa garahe. Una akong lumabas kasunod si Luke.

"Good morning po ma'am " Tumango ako kay Manong Alex, isa sa personal driver ng pamilya namin. Siya lang at ang security guard ang katiwala ng pamilya ko

"Good morning po..." Bati ko pabalik at tumingin kay Luke na ngayon ay inilibot ang tingin sa buong bahay

"Luke, let's get inside?" Napatingin ito sakin at agad na umiling saka ngumiti sakin

"Hindi na po kailangan ma'am. Ingat lang po kayo palagi, wag na po kayo mag bar yun lang. Uuwi na po ako salamat" Kunot noo ko siyang tiningnan nang agad siyang naglakad palabas habang hindi na ako nilingon pa

"Hey Luke!" Tawag ko ngunit mabilis ang lakad niya at hindi na siya maabutan kaya Wala akong nagawa kundi ang tingnan nalang ang likuran niya


Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na nagpakita sakin ang lalaki. Napailing ako at iwinaksi siya sa isipan ko. Napatingin ako nang bumukas ang pintuan at pumasok mula doon ang isa sa pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko. Si Mr. Smith

"Ma'am, naayos ko na po lahat. Naglagay na po ako ng hiring sa company mo" Ngumiti ako dito

"Thank you Mr. Smith, ipasa mo po sakin lahat ng lists ng mga nag apply, bukas na bukas din pipili ako kung sino ang mga magiging secretary at butler ko. Salamat po" Yumuko ito bago nagpaalam sakin na umalis.

Napahinga ako ng malalim bago napatingin sa cellphone ko na ngayon ay tumutunog. Si Karlie, tumatawag.

"Hello Cass, I've heard that you're looking for a butler and a secretary? How can I help you?" Kumunot ang noo ko dahil sa naging tanong niya

"What do you mean how can you help me? Bakit, mahahanapan mo ba ako kaagad ng mapagkakatiwalaang tao para hindi na ko mag abalang mag hire?" Narinig ko ang pagpalakpak nito

"Yes, and you know what? Pinakiusapan niya ko to hire himself para maging butler slash secretary mo. Nalaman niya kasing you're now finding some kaya he decided to apply. Oops, and he said wala kang magagawa but to accept him to your company because he left his previous job already just to apply on you" Nagtataka akong napatingin sakanya at kaagad na umupo sa swivel chair ko at natigilan dahil sa sinabi niya

"Himself? A boy? And why did he do that? Is he that confident to leave his previous job for me? What if I won't accept him?" Pagkaklaro ko sa sinabi niya. Natawa siya sa kabilang linya

"Obviously, Cass, don't make this hard for the both of you. Tanggapin mo na, I can see that he's a good person and he's willing to take any job and help you. Tsaka don't worry, pupunta siya diyan bukas para mag apply sayo. Just tell me your requirements nang maprepare niya na at nang makapagtrabaho na siya sayo bukas" Mahabang paliwanag niya. Napatayo ako bigla

"Who's he? May I know his name? And why not now? Pwede ba siyang makapunta ngayon so that Mr. Smith can't hire another people? Nakakatamad mag interview..." Saad ko at namulsa.

His Hidden Secrets Where stories live. Discover now