SECRET XXXVIII

1.9K 41 0
                                    

SECRET XXXVIII

Nabagabag ako dahil sa sinabi ni Lucas at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. It's been 3 days since he told me about those mysterious things about Luke. Napailing ako. Maybe he's just playing me around para masaktan na naman ako. Maybe he knows how I hurted his brother kaya gumaganti rin siya para sa Kapatid

Pasado alas diyes na ng gabi pero heto parin ako at nakatutok sa laptop ko. I need to finish these papers dahil kailangan na para bukas. Tumunog ang cellphone ko at kaagad itong tiningnan

Kumunot ang noo ko nang makita ang number ni Manong Guard na nagbabantay sa gate ko

"Hello manong? May problema ba?" Mahina at magalang kong tanong sa matanda

"Ma'am, may tao po dito sa labas, hinahanap ka po niya" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Napahilot ako saglit sa ulo ko dahil biglang sumakit iyon

"Sabihin niyo po patulog na ko. I don't accept late night visitors anymore" Saad ko sa matanda at agad na pinatayan ito ng tawag. Alam kong isa sa mga employee ko ang naghahanap sakin

Nag ring ulit ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito. Ang guard ko na naman. Napahinga ako ng malalim at sinagot ito

"Manong, tell them na I'm going to bed---

"Ma'am Luke Montillan po daw ang pangalan niya. Ayaw po raw niya umalis at maghihintay daw siya hanggang sa lumabas kayo" Dahil sa sinabi nito ay napalunok ako at agad na napatayo sa kinauupuan. Biglang dinumbol ng kaba ang dibdib ko

Anong ginagawa niya dito? "Ask him anong kailangan niya?" Kinakabahan kong utos sa guard.

"Gusto daw po niya kayong makausap ma'am." Saad nito sakin. Napapikit ako at sandaling nag isip ng kung anong idadahilan ko para hindi na makapasok si Luke. What is he doing here? No. I'm not yet ready to face him

"Tell him that I have a head ache. Ayoko manong, ayokong makaharap ang lalaking iyan. Wag na wag mo siyang papapasukin" Utos ko sa gwardiya.

"Really? Are you hiding or what?" Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses. Hindi ako pwedeng magkamali, it's Luke. Malamig ang boses nito

"What now Cassandra? Papapasukin mo ko o sisirain ko tong gate ng bahay mo? Mamili ka. Kapag nakapasok ako be ready because you need to face my punishment" Dahil sa sinabi nito ay kinabahan ako

"L-luke what are you doing here? Umalis ka na please... I don't want to talk to you, o di kaya sabihin mo nalang ang gusto mong sabihin ngayon na" matigas kong utos sakanya. Hindi kase magkamayaw sa kabog ang dibdib ko at parang natutuliro ako knowing na nasa labas siya

"Cassandra let me in" Matigas nitong utos sakin. Ramdam ko na pinipigilan niya ang sariling wag sumigaw

"No--

"Love..." Mahina pero paos niyang tawag sakin na ikinatigil ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa tinawag niya sakin. Napalunok ako at napabuga ng hangin saka pinakalma ang sarili ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Naluluha ako at hindi alam ang gagawin

"Please let me in... Talk to me..." Halata sa boses na nagmamakaawa siya.

"Cassandra... Sige na... I'm begging you" Dagdag pa nito

"N-no Luke... Hindi, ayokong makipag usap sayo--

"Sige na. Sorry na okay? Hindi ko naman girlfriend si Akira eh. Joke lang naman namin yun, sorry na nasaktan ka ba?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito sakin.

"Excuse me Mr. Montillan? Are you playing with me? What are you talking about?" Tinaas ko ang kilay ko dahil sa hindi parin maproseso sa utak ko ang sinabi nito

His Hidden Secrets Where stories live. Discover now