SECRET XXVII

1.5K 37 0
                                    

SECRET XXVII

"Analiza anak, sa kwarto ka muna namin ni tatay mo matulog, ibigay mo na muna ang kwarto mo kay Cassandra" Saad ni Aling Maria sa anak niya na ngayon ay tahimik

"N-no need po, pwede naman po ako sa ibang kwarto nalang matulog" Tutal ay nalaman ko namang marami palang kwarto ang nandito ay napagdesisyonan ko nalang na isa sa mga ito ang tutulugan ko

"Nako hindi ko pa nalilinis ang ibang kwarto iha eh. Hindi ko na kase nalilinisan dahil minsanan lang naman talaga bumibisita ang amo namin" Sagot ng matanda at tumingin kay Luke na ngayon ay tahimik lang na nakikinig samin

"P-pwede lang po iyon. Hindi naman ako maarte, basta po may unan, kama, saka kumot ayos na po iyon. Wala naman po sigurong multo dito di ba?" Natatawa kong tanong dahilan para matawa na rin ang matanda at mapailing iling

"Dun ka sa kwarto ko matulog Cassandra" Napatingin kami kay Luke na ngayon ay biglang nagsalita. Gulat akong napatingin sakanya

"L-luke san ka matutulog?" Biglang tanong ni Analiza. Tumingin naman sakanya si Luke at sandaling napaisip

"P-pwede tayong magtabi matulog gaya ng dati..." Nagulat ako sa narinig ko at hindi makapagsalita.

Nagtatabi silang matulog dalawa? Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng disappointment dahil sa narinig

"Analiza anak hindi na pwede. Isipin mo dalaga ka na" Saway ng nanay niya sakanya. Tumingin siya saglit sakin bago ngumiti sa nanay niya

"Ginagawa naman po namin ito dati nay" Mahina niyang sagot. Napatitig ako sakanya

"Mga Bata pa kayo nun, at isa pa matagal na iyon. Mag isip ka naman Analiza, ka babae mong tao tumatabi ka sa lalaki matulog" Sermon ng nanay niya. Nakita kong napayuko ito at hindi nakapagsalita

"Sige Luke iho, ipaghahanda ko lang ang magiging kwarto mo---

"Hindi na po kailangan. Sa kwarto din ako matutulog, sa lapag" Seryosong Sagot ni Luke habang nakatitig sakin. Gulat akong napatingin sakanya

"Sigurado ka ba? O sige, maghahanda ako ng kutson" May pag aalinlangan ang mukha ng matanda. Umalis ito sa harapan namin, siguro ay maghahanda na para sa hihigaan ni Luke. Naiwan kaming tatlo. Hindi ako nagsalita dahil wala naman akong sasabihin. Sinulyapan ko si Luke at nakita kong nakatingin ito sakin, habang si Analiza naman ay nakatingin din kay Luke. Bigla akong nakaramdam ng ilang

"L-luke... Pwede ba tayo mag usap saglit?" Napatingin ako kay Analiza nang magsalita siya. Nakita kong lumingon si Luke sakanya

"Pwedeng bukas nalang? Ihahatid ko pa kase si Cassandra sa kwarto niya. Kailangan na niyang matulog kase pagod siya sa biyahe" Natigilan naman ang babae at nakita ko ang pagyuko nito.

Tiningnan ko si Luke at agad itong sinagi dahilan para mapalingon ito sakin

"Mag usap muna kayo saglit, mukhang may sasabihin siya sayo" Mahina kong bulong. May pag aalinlangan ang mukha ni Luke at bumaling ng tingin kay Analiza.

Tumango ako sakanya at nginitian siya. Napahinga siya ng malalim bago tumayo. Nagulat ako nang bigyan niya ng patak ng halik ang noo ko

"Hintayin mo ko" Mahina niyang bulong. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng puso ko dahil siguro nagulat ako at hindi alam ang gagawin. Nag init ang pisngi ko dahil nakita kong nakatingin saglit samin si Analiza.


Napatingin ako sa malaking kama na nasa harapan ko. Hindi ko na hinintay pa si Luke at kaagad na pumasok nalang dito at mauna. Tiningnan ko ang isang kutson na dinala dito ni Aling Maria kanina na hindi pa nalalatag

His Hidden Secrets Место, где живут истории. Откройте их для себя