SECRET XI

1.6K 37 1
                                    

SECRET XI

Si Luke ang nagmaneho para ihatid ako sa bahay. Tahimik lang siya sa tabi ko habang ako ay normal lang na umiinom ng tubig. Ramdam ko parin ang antok ko pero makakaya ko pa namang hindi matulog hanggang pag uwi

"Luke hindi ka pa ba uuwi sa bahay mo?" Tanong ko sakanya. Nakita ko namang napatingin siya sakin

"Mamaya na. Hahatid muna kita" Saad niya pero umiling lang ako at tiningnan ang relo ko na nasa bisig

"Alas nuebe na Luke. May sasakyan naman ako, kaya ko na umuwi mag isa" Saad ko sakanya. Umiling lang siya at seryoso akong tiningnan

"Ako ang maghahatid sayo pauwi Cassandra... Magmula ngayon ihahatid na kita pauwi at susunduin sa umaga" Kumunot ang noo ko at nagtataka siyang tiningnan

"What? Luke you don't have to do that--

"Butler mo ko Cassandra... Hindi lang basta secretary kaya dapat inuuna ko ang kaligtasan mo. Wag ka na makulit" Mahinahon niyang saad habang nasa harapan ang tingin

"Okay... Ikaw may gusto niyan ah? Hindi ko dadagdagan ang sweldo mo" Ngisi ko pero tumango lang siya at hindi na nagsalita pa. Natigilan ako dahil hindi ako sanay na hindi siya nakikitang nakangisi

"Luke may problema ka? You seems so bothered kanina pa. May problema ba?" Nagulat ito at agad na umiling saka nginitian ako

"Wala wala... May iniisip lang ako--

"Wala ka nang pera?" Tanong ko sakanya dahilan para kumunot ang noo niya.

"Kaya siguro malalim ang iniisip mo kase Wala ka nang pera diyan? Teka wait" Agad kong kinuha ang isa kong credit card at ibinigay iyon sakanya

Kunot noo niya namang tiningnan iyon. "Ano toh?" Seryosong tanong niya sakin habang nakatingin sa inabot ko

"Credit card. Ikaw ang magdala niyan at diyan mo na rin kukunin ang sweldo mo. Araw araw ko yang huhulugan don't worry" Ngiti kong saad na ikinatulala niya. Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan namin, nasa bahay na pala kami

"Nako, wag na. Cash nalang, hindi naman kailangan credit card eh" Saad niya pero umiling ako at inilagay sa bulsa niya ang card saka ngunitian ulit siya

"You can have that... Wag ka nang tumanggi. We're here na pala, hindi ka ba papasok muna sa loob? Or, baka gusto mo kong paglutuan?" Nakatitig lang siya sakin at tahimik lang. Napakurap siya

"May sakit ka ba? Masama pakiramdam mo?" Hinipo ko ang ulo niya at hinawakan siya sa mukha. Napaigtad naman siya dahil sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin.

"Luke? Bakit hindi ka sumasagot?" Tanong ko sakanya. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa mukha niya at hinawakan ang kamay ko saka ako tinitigan sa mga mata. Kumunot naman ang noo ko

"Concern ka? Na baka may sakit ako?" Nagdadalawang isip akong tumango, parang hindi sigurado sa isasagot ko.

"Wala akong sakit, wag ka mag alala. Hindi na ako magtatagal. Matulog ka na ng maaga okay?" Tumango ako at agad na lumabas ng kotse. Nakita ko rin ang paglabas niya

"How about you? Pano ka uuwi niyan? Gustoo ba dito matulog?" Hindi ko alam kung bakit ang dali sakin na patulugin siya dito kahit na ilang araw palang kami nagsama at kay bago Bago pa

"Okay lang?" Tumango ako sakanya at nauna nang pumasok sa loob

"It's okay, ako lang naman mag isa dito at Wala pang ibang kasama" Saad ko at kaagad na nilagay ang bag sa sofa saka kumuha ng tubig sa ref saka uminom

"Saan ako matutulog?" Tanong niya sakin nang umakyat kami sa itaas. Itinuro ko ang guest room na nasa dulo

"May mga kumot at unan na doon, prepared na. So, Ikaw nalang bahala okay? Fit yourself " Ngiti kong saad. Nakita kong pumasok na siya doon kaya naman ay pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko at nagbihis pantulog.

Nagtimpla muna ako ng gatas para inumin ko bago matulog. Nang matapos ay kaagad akong umakyat ulit. Naabutan ko si Luke na nakatayo sa harapan ng kwarto ko

"Luke? May kailangan ka?" Tanong ko sakanya. Agad siyang napalingon sakin at gulat na napatingin sakin. Nang makabawi ay nagkamot ng ulo

"Pwede dito nalang ako matulog?" Tumaas ang kilay ko at nanliit ang mga matang nakatingin sakanya

"Sige na... Kakatakot kase dun eh, Wala akong kasama" Para siyang bata sa harapan ko. Napatingin siya sa hawak kong gatas at kaagad iyon kinuha Saka ininom

"That's my milk!" Naiinis kong saad pero ngumisi lang siya habang nakatitig sakin

"Ang sarap naman ng gatas mo. Patikim ulit ah?" Hindi ko alam kung sadyang madumi ba ang utak ko dahil iba ang ibig sabihin nun sakin

"Sarap..." Para siyang bata na dinidilaan ang labi niya hanggang sa mauboa ang gatas na nasa baso

"Ano na ang iinumin ko ngayon?" Naiinis kong tanong sakanya at nakapamewang

"Gatas ko" Pinanlakihan ko siya ng mga mata

"Joke lang" Ngumisi siya sakin na parang bata at kaagad na diretsong pumasok sa kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na sumunod sakanya

"Hoy! Kwarto ko toh, get out of here! Dun ka sa guest room!" Pagsasaway ko sakanya. Imbes na pakinggan ako kay ang walang hiyang lalaki ay sumampa lang sa kama at humiga doon na parang pag aari niya

Nakapamewang ako habang nakatingin sa posisyon niya.

"San ako matutulog diyan sa ginagawa mo?" Taas kilay kong tanong. Napatingin naman siya sa kama at kaagad na umusog ng konti

"Ayan" Tinapik tapik pa ng loko ang tabi ng hinihigaan niya at ngumisi sakin. "Diyan ka matulog" Mas lalong napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito

"Ano?! Tatabi ka sakin?" Gulat ko siyang tiningnan pero hindi siya umimik at nagtalukbong lang ng kumot

"Ano ba naman Luke, kwarto ko toh eh sa guest room ka" Niyugyog ko siya para paalisin dahil inaantok na ko

"Takot nga ako dun ano magagawa ko? Dito nalang ako..." Inalis niya ang kumot sa mukha niya at tumitig sakin. "Pwede ka namang matulog diyan kahit tabi ako sayo ah?" Hindi ako nakaimik

"Wala naman akong gagawing masama sayo ah? Tatakot ka?" Napalunok ako at hilaw na ngumiti nang sabihin niya iyon. Nakaramdam din ako ng kakaiba at tinubuan ng kaunting hiya

"N-nakakahiya lang kase na magtabi tayo matulog. I'm not comfortable with it" Sabi ko habang hindi parin maipinta ang mukha. Umusog pa siya na ngayon ay medyo malayo layo na sakin saka kumuha ng isang unan at iniharang iyon sa pagitan namin

"Ayan. Higa ka na, kung hindi lang ako takot dun sa guest room doon na ko natulog, kaya lang kung sa lapag ako hindi ako makakatulog, hindi ako sanay" Saad niya at nginitian ako.

Wala akong nagawa kundi ang dahan dahan nalang na humiga sa tabi niya. Naiilang ako dahil ramdam ko na nakatitig siya sakin habang dahan dahan kong ginagawa iyon.

Nang tuluyan na akong humiga ay saka ko lamang siya nilingon. Nakita kong inaantok na siya at napahikab na habang nakatingin sa pwesto ko.

"Goodnight ma'am, sweet dreams..." Mahina niyang saad at tumalikod sakin saka nagtalukbong ng kumot. Napatitig ako sa likuran nito saglit at hindi nakapagsalita.

Hindi ko alam kung bakit kusa akong napangiti habang nakahiga sa higaan ko. Nawala na ang ilang na naramdaman ko kanina at napalitan na ng pagka komportable

His Hidden Secrets Where stories live. Discover now