SECRET XII

1.7K 34 1
                                    

SECRET XII

Mahigpit kong niyakap ang unan na nasa tabi ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagka komportable habang niyayakap ito. Ramdam ko ang init ng unan na nakapagpawala ng ginaw sa katawan

"Ma'am? Baka naman po pwedeng magising na kayo ano?" Napamulat ako ng mga mata at sandaling tulala na napatingin sa kawalan.

Dahan dahan kong nilingon ang narinig kong nagsalita kanina at nanlaki ang mga mata nang makita si Luke na kayakap ko ngayon. Agad akong napabitaw sa lalaki at itulak siya

"Nanunulak ka pa ma'am eh noh. Ikaw na nga tong nakayakap sakin, buti pinagbigyan kita" Pinanlakihan ko ito ng mga mata at naiinis na tiningnan

"Excuse me?" Tumayo na rin ito at namewang sa harapan ko

"Bakit totoo naman ah? Ikaw nga yung yumakap sakin pag gising ko eh. Pero dahil good boy ako at mabait na tao di na kita ginising, hehe ang cute mo pala matulog ma'am noh nakanganga" Narinig ko ang paghagalpak nito ng tawa kaya inirapan ko ito at agad na kinapa ang aking mukha dahil baka may panis ako na laway

"Walang laway sa mukha mo. Grabe ma'am noh? Ang ganda niyo parin kahit bagong gising" Dahil sa sinabi nito ay natigilan ako at napatingin sakanya. Nakita ko ang pagkatulala nito saglit habang nakatingin sakin

"Matagal ko nang alam iyan..." Inirapan ko ito at sinakyan ang sinabi niya

"Grabe naniwala naman" Nang marinig ko iyon ay mabilis pa sa alas kwatro akong kumuha ng unan at hinampas iyon sakanya. Nang akmang hahampasin ko siya ulit ay agad na siyang tumakbo palabas habang dala ang malakas niyang tawa

"I hate you Luke!" Nanggigigil kong sigaw sakanya nang makitang pababa na ito ng hagdan

"I love you too ma'am!" Ngumisi ito at kinindatan ako. Natigilan ako sa sinabi nito at naramdaman ang biglaang pagpintig ng kung ano sa dibdib ko dahil sa sinabi nito.

Hindi ko na ito nakita dahil tuluyan na itong bumaba habang ako ay tulala pa rin habang nakatingin sa hagdanan. Napailing ako at napahawak sa ulo saka bumalik sa loob ng kwarto para maligo at magbihis.

Hawak ko ang tuwalya habang pinapahiran ko ang buhok ko nang may maamoy akong nagluluto sa kusina. Kaagad akong bumaba at naabutan si Luke na may pakanta kanta pang nalalaman habang nagluluto

Nang makita ako ay ngumisi ito sakin na nang aasar saka may pagewang gewang pang nalalaman.

"Look at me ma'am oh, ang galing kong sumayaw" Tumaas ang kilay ko at napailing iling saka tiningnan ang niluluto niya

"Ano na naman yan?" Tanong ko sakanya.

"Ito? It's fried talong. Don't you know this? It's delicious you know" Pag eenglish niya habang nilalagay sa plato ang mga niluluto niya

"Di mo alam noh? Rich kid ka kase, pero saming mga mahihirap masarap toh. Tikman mo" Saad niya at kumuha ng tinidor saka at kumuha ng maliit na piraso at inumang iyon sa bibig ko

"Masarap yan sige..." Nag aalinlangan akong kainin iyon pero sa huli ay wala akong nagawa kundi dahan dahan iyong kainin.

Napatitig ako bigla sa mukha niya at natigilan nang sandali kong matitigan ang mga mata niya. Halata rin na natigilan siya dahil nawala ang ngisi niya kanina at napalitan iyon ng gulat na tingin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa pero hindi ko nagawang lumayo ng kahit konti.

Ngumiti siya sakin dahilan para matauhan ako at mabalik sa wisyo. "Masarap di ba? Sabi sayo eh" Saad niya at umiwas ng tingin sakin.

Palihim kong nginuya at nilunok iyon at masasabi kong masarap. Nagsimula na kaming kumain dalawa pero ngayon ay tahimik na ako. Sinusumpong na naman ako ng tulala kapag may nagagawa kami ni Luke na hindi ko masyadong naintindihan kung bakit iba ang epekto sakin minsan

His Hidden Secrets Where stories live. Discover now