SECRET XIV

1.6K 34 1
                                    

SECRET XIV

Nang bumalik si Luke ay may dala na siyang isang mangkok na lugaw. Mainit pa iyon dahil kita ko ang maliliit na usok sa ibabaw.

"Kumain ka muna saglit" Saad niya pero umiling ako dahil hindi pa naman ako gutom at isa pa ay wala akong ganang kumain

"Cassandra... Kainin mo na toh para naman lumakas ka. Bakit ka ba kase nagpaulan kagabi? Ano bang nangyari? May problema ka ba?" Tanong niya dahilan para matigilan ako at mapatitig sakanya

"Bakit? Concern ka?" Biro kong tanong sakanya

"Malamang... Hindi ba halata? Kailangan pa itanong?" Sarkastiko niyang saad at pabiro akong inirapan

"W-wala... Trip ko lang mag paulan kagabi" Tinitigan niya lang ako at hindi na sumagot pa. Ramdam ko ang titig niya kahit na hindi ako nakatingin sakanya. Naiilang ako dahil titig na titig siya sakin kahit abala ako sa pagkain.

"Sigurado ka? Bakit namamaga ang mata mo? Umiiyak ka?" Mahinahon niyang tanong sakin dahilan para matigil ako sa pagkain at tiningnan siya

"Luke it's none of your business ---

"Bakit ba? Dapat kong malaman kung ano na nangyari sayo Cassandra... Alam mo bang pinag alala mo ko?" Medyo tumaas ang boses niya na ikinatigil ko.

"Bakit kailangan mong malaman lahat---

"Dahil nga nag aalala ako sayo... Pano kung hindi kita nakita kagabi? Pano kung napano ka na? Pano kung may mangyaring masama sayo?" Sumeryoso ang mukha niya at tumitig ng diretso sa mga mata ko. Nag iwas ako ng tingin dahil sa biglaang pagkabog ng puso ko. Napalunok ako habang nakatitig sakanya na ngayon ay seryoso parin ang mga mata habang nakatitig sakin

"S-salamat sa pag aalala mo Luke... Pero hindi naman kase kailangan---

"Cassandra... Trabaho ko ang bantayan ka--

"You're just my secretary Mr. Corpuz, and you're out of my personal life--

"Magmula nang tinanggap mo ko sa trabaho, para mo na rin akong tinanggap sa buhay mo. Cassandra... Nag aalala lang ako sayo, kase di ba ako ang secretary mo at butler mo na rin. Dapat nga nakabantay ako sayo 24/7 eh" Paliwanag niya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganun ang sinasabi niya

"Babantayan na kita magmula ngayon" Seryoso niyang saad dahilan para panlakihan ko siya ng mata

"You don't need to do that Luke--

"Gagawin ko at walang makakapigil sakin kahit ikaw pa. Kagustuhan ko ang bantayan at pagsilbihan ka kaya hayaan mo na ko" Seryoso niyang saad at kaagad na tumayo saka tumalikod sakin

"Ilagay mo lang diyan ang pinagkainan mo sa lamesa. Kukunin ko iyan mamaya, magdadala ako ng gamot para makainom ka" Mahina niyang saad at kaagad na umalis.

Nang mawala na siya ay napabuga ako ng hangin at napailing iling. Hindi ko siya mainitindihan. Karapatan ko naman ang tumutol sa desisyon niya pero hindi ko magawa at hindi ko alam kung bakit


"Humiga ka muna. Papahiran muna kita para mabawasan ang init mo sa katawan" Nag iwas ako ng tingin sakanya nang sabihin niya iyon

"K-kailangan ba talagang gawin mo yan?" Mahina kong tanong sakanya dahilan para mapatitig siya sakin

"Kailangan para mabawasan ang init mo... Ang taas ng lagnat mo oh, pero ayaw mo namang pumunta ng ospital" Saad niya at nagsimula nang pahiran ng basang basahan ang mga braso ko. Hindi kase ako pumayag na pumunta sa ospital

"Hindi na kailangan Luke. Lagnat lang naman iyan" Balewala kong saad dahilan para samaan niya ko ng tingin

"Lagnat lang? Eh bakit hirap kang gumalaw kung lagnat lang? Ayan, paulan pa kase nagkasakit tuloy" Sermon niya. Napangiti ako ng palihim. Para siyang nagagalit na kuya

"How I wish I had a brother like you... Ang swerte ko siguro" Nakangiti kong saad habang nakatitig sakanya. Natigilan naman siya at napatingin sakin

"Anong brother?" Kunot noo niyang tanong, nagtataka ang mukha

"You know, an older brother... How I wish may kuya ako noh? Yung kagaya mo sana. Bakit kaya hindi nalang ikaw" Sandali akong napaisip at napangiwi

"Mas matanda pa pala ako sayo. You can call me ate if you want" Ngumiwi siya at umiling saka bumusangot

"Ayaw mo ba?" Lumungkot ang mukha ko dahilan para mapatingin siya sakin.

"Noon palang talaga gustong gusto ko magkaroon ng Kapatid kaso wala eh... Hindi ako binigyan..." Nanghihinayang kong saad. Napatigil naman siya sa ginagawa niya

"Bakit gusto mong ate kita? Mas maganda nga kung girlfriend eh" Natigilan ako sa sinabi niya at natahimik. Hindi siya nagsalita at natahimik kaming dalawa dahil sa sinabi niya

"Ayan, tapos na" Saad niya at kaagad na tumayo saka ako tiningnan

"Kapag bumaba ang lagnat mo mamaya papayagan kitang lumabas" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Parang siya ang nagdesisyon para sakin.

Akmang magsasalita na ko nang hawakan niya ang noo ko. "Mainit ka pa mare, sige na matulog ka muna ha? Babalikan kita mamaya" Saad niya, para naman akong napaso dahil sa ginawa niya, parang naapektuhan ang sistema ko nang dumampi ang daliri niya sa noo ko. Inalalayan niya ako pahiga saka inayusan ng kumot.

Nanatili akong nakatingin sakanya hanggang sa nasa pintuan na siya. Humarap muna siya sakin at seryoso akong tiningnan. "Cassandra... Pagaling ka agad ah?" Mahina niyang saad at ngumiti ng malungkot sakin saka agad na sinarhan ang pintuan at umalis. Napakunot naman ang noo ko dahil sa inasta niya

His Hidden Secrets Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu