SECRET XXXVI

1.7K 39 0
                                    

SECRET XXXVI

'One of the Montillan's heir has now arrived at the Philippine airport. The said heir is the not so known person that choose to hide his identity to everyone. Stay tuned for more updates'


Napangiti ako nang makita na maayos na ang mga cake at cupcakes na binake ko. Agad ko itong nilagay isa isa sa mga box at kaagad na nagdesisyon na pumunta na sa opisina. Agad akong lumabas at ngumiti sa personal driver ko na si Mang Roben. Kinuha niya ang mga nakabalot na cake at kaagad na ipinasok sa likuran ng kotse ko.

Today is my birthday. Balak kong mag celebrate kahit na maliit lang sa kompanya kasama ang mga empleyado ko, though they greeted me earlier a happy birthday. I'm now 31 and it's been 2 years since I fight and experience different battles I don't expect that came to my life.

Pumasok na ako at naupo sa backseat habang si Mang Roben ay kaagad na pinaandar ang sasakyan para pumunta kami sa kompanya. Napapikit ako.

It's been 2 years since Luke died. Walang segundo, minuto, o oras na hindi ko siya iniisip. I secretly laminated his picture at nilagay iyon sa loob ng kwarto ko, maging sa opisina ay nakalagay din iyon doon. There's a lot of men out there na nanligaw sakin but I refuse to accept their love offer. Kay Luke lang na pagmamahal ang tinatanggap ko, at wala nang iba pa. Kahit na sabihing wala na siya, sa puso ko, buhay na buhay ang pagmamahal at alaalang iniwan niya.

"Thanks Mang Roben. I'll call you mamaya para magpasundo, okay?" Ngumiti ang matanda at tumango sakin. I also gave him 2 books of cupcakes and cakes para dalhin niya iyon sa mga anak niya

Tinulungan niya muna akong dalhin at ipasok lahat ng mga binalot at ginawa kong cake sa loob ng company. "Manong Roben, pakilagay po iyan lahat sa canteen" Nakangiti kong utos sa matanda. Tinulungan naman siya ng iba pang mga guards para mapasok iyon lahat

"HAPPY BIRTHDAY MA'AM!" Nagulat ako dahil sa sigaw nilang lahat. Napangiti ako nang makita ang masasaya nilang mukha na ngayon ay sinalubong ako

May mga confetti  pa silang ginamit. Halos matunaw ang puso ko nang makita na nagpagawa pa sila ng banner para sakin na may nakalagay na mukha doon

"Wow, thank you everyone" Nakangiti kong pasalamat. Nagulat naman ako nang makita na may ibinigay silang regalo sakin isa isa

"You don't need to do this but thank you for the effort guys" Nakangiti kong pasalamat sakanilang lahat

"Happy birthday ulit ma'am, you deserve it po dahil napakabait niyo po saming mga empleyado mo" Ngumiti ako sa mga ito at kaagad na tiningnan ang mga binake kong cakes at cupcakes

"Here everyone. I baked this for you... Kainin natin to lahat" Excited kong binuksan ang mga cakes na nakabalot at masaya itong binigay isa isa sa kanila

Kita ko ang saya sa mga mukha nila. Ang iba ay panay picture sa mga cake para daw ipost nila sa Instagram story. Napailing nalang ako sa pinag gagagawa nila

Pagkatapos ng napakaliit na celebration ay balik na kaagad kaming lahat sa kanya kanyang mga trabaho. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. It's Karlie, she's calling

"Hello?" Tanong ko dito habang abala sa pagtitipa sa laptop ko

"Cassandra! You won't believe what I see with my two eyes! I was shocked... I'll send you the photo na nakuhanan ko when I was in the airport kanina... Hindi ka maniniwala kung sino ang nakita ko" Nagtataka ako dahil sa sinabi nito

Napatingin ako sa cellphone at nakita na pinatay na nito ang tawag. Ilang saglit pa ay nagsend siya ng message sakin. Tiningnan ko ito. Isang litrato na may kuha na... Isang lalaki

His Hidden Secrets Where stories live. Discover now