SECRET XIII

1.6K 35 0
                                    

SECRET XIII

Dahan dahan kong binuksan ang sinasabi ni Mr. Castro na diary ni mommy. Nang dumating ako sa bahay ay wala akong ibang inisip kundi ang tingnan ito at basahin kahit pakiramdam masasaktan ako.

Unang bumungad sakin ang picture nito nung dalaga pa siya at ang pirma niya sa baba saka ang pangalan niya. Sa totoo lang ay namiss ko na ang mommy ko. Gusto ko na siyang mayakap pero alam kong napaimpossible dahil wala na siya at pareho na silang namaalam ni Daddy at iniwan ako

Napangiti ako nang makita kong nakaipit doon ang picture naming dalawa, at may nakalagay pang 'My only little Princess' with smiley face sa gilid. Natigilan ako nang buksan ko ang sunod na pahina at nakita ang isang sulat na alam kong matagal na niyang isinulat

Tahimik kong binabasa ang sulat niya, sa una ay napapangiti pa ko dahil sa mga bati niya sakin na alam kong palagi niya iyong ginagawa para mapangiti ako kapag malungkot. Nang mabasa ko ang gitnang bahagi ay natigilan ako.

    'Cassandra anak, mommy wants to say sorry to you... I hope when the time comes and you'll going to read this, I hope you can forgive me... Siguro habang binabasa mo ito ay wala na ako sa tabi mo. May isa akong bagay na sasabihin saiyo anak... Your dad, Carlos Deogracia, is not your real dad. I know nagtataka ka kung bakit hindi siya... Matagal ko nang gustong sabihin ito sayo anak pero natatakot si mommy na baka magalit ka'

    'I am already pregnant with you when my parents decided that I and your dad will get married. My boyfriend got me pregnant pero hindi ako pinanagutan, alam mo naman di ba na galing ako sa mayamang pamilya at para pagtakpan ang kahihiyan na nangyari sakin, kailangan kong magpakasal sa daddy mo at itago ang totoo... Your dad never knew the truth. He thought I am not pregnant that time to you kaya naman nagdesisyon akong magpakasal sakanya para takpan ang kahihiyang nagawa ko. Nilasing ko siya nun at pinaniwalang may nangyari samin para ipakilalang Ikaw ang bunga ng nangyari samin... Until now he didn't know the truth and I want him not to know the truth'

     'Carlos become a good father towards you Cassandra... Nakikita ko kung paano ka niya protektahan at alagaan bagay na alam kong tamang desisyong ginawa ko. You know how much your dad love you right? Kung nababasa mo ito ngayon please tell my sorry to him... If he knows about the truth maybe when I died...  You can hate me for telling you late about this. I'm so sorry if I didn't tell you who's your real father dahil alam kong hahanapin mo siya at ayokong masaktan ang daddy mo... I hope you understand '

Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko nang binasa ko iyon. So this is the truth? My real identity is just a lie?! In my whole life? And I'm not my father's daughter? I can't believe it! Nabitawan ko ang notebook na hawak ko at tahimik na umiyak sa kama. Hindi ko maiwasang maawa sa daddy ko. He never knew the truth all he knew is that I am his only daughter and only yet I'm not

Hindi ko matanggap na hindi ako Isang Deogracia... Hindi ako anak ni daddy at ang katotohanang iyon ay hindi ko malalaman kung hindi pa namatay ang mommy ko. Napasinghot ako at wala sa sariling lumabas

Namalayan ko nalang ang sarili na nasa harapan ng puntod nilang dalawa. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang kausapin ang puntod ni daddy. All my life, nasa tabi ko siya, hindi niya pinaramdam sakin na hindi niya ko anak. Tinanggap niya ko ng buong buo kahit na ganun

Napasinghot ako at biglang tumulo ang luha sa mga mata. "Daddy I'm sorry..." Basag ang tinig ko. Naalala ko pa ang mga nakaraan namin dati. Kung pano ko siya suwayin, kung pano ko hindi sundin ang mga pangaral niya pero kahit kailan ay hindi niya ako nasisigawan o napapagalitan.

"I-i'm so sorry dad hindi ko alam..." Nanginginig kong saad at napayuko habang umiiyak. Gabing gabi na pero ako lang mag isa dito sa sementeryo. Wala akong pakialam at hindi man lang ako natakot dahil ang nasa isipan ko ngayon ay sakit

"I promise to you I would be better... Thank you for being a dad to me even though I'm not your real daughter... Dadalhin ko hanggang sa pagtanda ang walang katapusan mong pangaral. Thanks for the stories you shared and the advices you give... P-patawarin niyo po ako daddy... I didn't know" Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kaya pang tingnan maski ang puntod niya dahil na rin sa naramdaman kong konsensya. I wasted his money and having the life the I needed yet ibang tao at hindi ko kadugo ang taong tumayong ama ko sa loob ng maraming taon. I never thanked him at iyon ang pinagsisihan ko

Napatingin ako sa puntod ni mommy. Ngumiti ako ng mapait. "You never tell me the truth... All my life, I believed I am a Deogracia pero hindi pala... You hide the truth mom and nasasaktan ako... Niloko mo si dad... Pati na rin ako" Mahina kong saad at tinitigan ng ilang saglit ang puntod nilang dalawa bago tumayo ng dahan dahan at tumalikod.

Napatingin ako sa langit nang bigla itong lumiwanag. Napangiti ako ng makitang uulan. Makikisimpatya ang ulan sa nararamdaman ko ngayon.

Dahan dahan akong naglakad papauwi. Naramdaman ko ang pagbuhos ng malakas na ulan ngunit wala akong pakialam. Tulala lang akong naglakad sa daan. Naninikip ang dibdib at hindi alam ang gagawin. Napahikbi ako at napahagulhol sa iyak dahil sa sakit na naramdaman ko. Hindi ko matanggap ang lahat, alam kong wala na Ang daddy pero ang konsensya ay dadalhin ko hanggang sa ilalim ng aking hukay


Napaubo ako at napahinga ng malalim nang maramdaman ang sakit ng ulo. Ramdam ko rin ang init ng hininga ko. Kumunot ang noo ko at dahan dahan akong nagmulat ng mga mata at unang tumambad sakin ang liwanag ng bintana sa kwarto ko

Dahan dahan akong gumalaw pero napabusangot ang mukha dahil sa sakit ng katawan ko. Sandali kong nilibot ang tingin ko sa buong kwarto at nalamang nasa kwarto ako. Napakurap ako at inalala ang nangyari kagabi

Bumukas ang pintuan at pumasok mula doon si Luke. Natigilan ako nang Makita ang lalaki. Nakahubad siya ng t-shirt niya kaya naman natulala ako saglit.

Nang makita akong gising na ay sumeryoso ang mukha nito at tumitig sakin. Lumapit ito at inilagay ang dalang bimpo sa tabi ko

"San ka ba nagsususuot kagabi at natulog ka sa labas?" Seryoso niyang tanong na ikinagulat ko. Hindi ako makapagsalita

"W-what do you mean---

"Cassandra..." May Pagbabanta sa boses niya nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Nagpaulan ka kagabi..." Seryoso pa ring saad niya

"Kung hindi pa kita pinuntahan dito ng maaga, hanggang ngayon nasa labas ka pa rin. Basang basa ka nang madatnan ko" Mas lalong hindi ako makapagsalita at napatingin sa suot kong damit

"W-who changed my clothes then?" Napatingin ako sakanya at kinakabahan dahil sa naiisip ko. Nakita ko ang paglunok niya at ang pag iwas niya ng tingin

"D-did you change my clothes Luke? Hinubaran mo ba ko---

"Uy uy uy, hindi ah? Ano... Tinawagan ko yung kaibigan mo... Yung Karlie" Saad niya habang hindi parin makatingin sakin. Natahimik nalang ako at napatitig sakanya

"N-nagluto ako ng lugaw. Kuhanan kita" Mahina niyang saad at agad na umalis at iniwan ako. Napabuga ako ng hangin at napahinga ng malalim saka napahawak sa ulo ko na kumirot

His Hidden Secrets Where stories live. Discover now