9 : Bow and Arrow

Start from the beginning
                                    

"Ikaw pa. Nasa lahi ninyo ang pagiging magaling sa bow and arrow. Kahit nga Lolo't Lola magaling dito."

Ngumiti lamang sya bago nagbow and arrow at ayun tinamaan din nya. Napasigaw sila sa tuwa napatigil lang sila ng may sumaway sa kanila.

"Ang ingay ninyo madaling araw pa lang. Maryosep kayong mga bata kayo oh," sabi ng matandang babae.

"Lola sorry po. Nag-eensayo lang po kami."

"Pumasok nga kayo dito at tulungan nyo akong maghanda ng ating agahan."

"Opo," sabay nilang sagot at pumasok na sila.


Nakangiti ako habang tinitingnan sila kanina. Nelly pala ang pangalan nya kahit papaano may magadang nangyari sa pagbabantay ko dahil nalaman ko ang kanyang pangalan. Nagtataka lang ako kung bakit sya nag-eensayo at para saan ang pag-eensayo nya. Saan kaya sya mag-aaral sana kahit papaano pareho kami ng papasukan para may pagkakataon akong makilala sya. Nang mamataan ko na malapit ng sumikat ang araw ay agad akong umalis pabalik sa amin. Kailangan kong makarating sa amin bago nila malaman na wala ako sa lugar namin. Nakahinga ako ng malalim ng makarating ako sa tamang oras at ang buong akala nila ay nag-eensayo nanaman ako ng maaga. Kumabog lang ang dibdib ko ng lapitan ako ni Ninong.


"Silverio huwag mong sabihin sa akin pumunta ka nanaman sa gubat para mag-ensayo?"

"Hindi po."

Tinitigan nya ako ng mabuti.

"Sigurado ka?"

"Opo."

"Saan ka galing? Yung totoo."

Namutla ako sa tanong nya at halos hindi ko mapigilan ang garalgal kong boses,"Ninong."

Tinitigan lang nya ako at alam kong alam nya kung saan ako galing. Gusto lang nyang malaman kung magsasabi ako ng totoo sa kanya.

"Patawarin nyo po ako nagpunta po ako doon sa lugar ng mga taong binabantayan natin."

"Bakit? Hindi naman ikaw ang nakatoka doon ah."

"Gusto ko lang pong masiguro na maayos sila."

Seryoso pa rin nya akong ltiningnan at maya maya ay ngumisi sya sa akin.

"May gusto ka ba kay Nelly?" tanong nya habang ngumiti ng nakakaloko sa akin.

"Hindi po."

"Bakit hindi? Maganda at mabait na bata si Nelly."

Nanatili akong tahimik at iniyuko ang aking ulo.

"Namumula ka. Binata ka na Silverio nakakapansin ka na ng magandang dalaga."

"Ninong naman tama na po."

"Hahahaha," malakas nyang tawa.

Sinalubong ko na rin ang kanyang mga mata at natawa na rin ako.

"Hay Silverio. hahaha gusto mo bang ipakilala kita."

"Naku huwag po muna."

"Nakita mo ba sya kanina?"

"Opo. Ninong bakit po sya nag-eensayong magpana?"

"Kagaya natin gusto nilang maging handa."

Napakunot ang noo ko.

"May abilidad silang makaramdam at makakita ng mga tulad natin at ng mga engkanto."

Hindi ko pa rin sya maintindihan.

"Noong kasing edad mo pa lang ako naririnig ko na ang pamilya nila. Pero akala ko haka-haka lamang iyon. Masyado kasi akong mayabang noon at ng makilala ko si Toyang napatunayan kong totoo sila. Sa bawat lugar may mga taong biniyayaan ng ibang klaseng kakayahan para maging tagapagligtas at magbigay ng babala sa mga ordinaryong tao. Maraming beses ng sinubukang ubusin ang lahi nila pero sa tuwing pagtatangkaan ito ay lumalaban sila."

"Bakit hindi na lang sila sumama sa atin?"

"Kasi mga tao pa rin sila Silverio. Hindi sila ligtas lalo na sa mga bagong aswang. Naalala mo ba ng ibigay syo ng buong buo ang pagiging aswang mo?"

Napatango ako sa kanya.

"Hindi ba kinakailangan pang bantayan ng apat na malalakas na kasapi natin ang bagong aswang para makontrol ang kakaibang gutom para sa laman ng tao. Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila pwedeng sumama sa atin."

"Namatay po ba ang asawa ninyo sa ganung paraan?"

"Silverio namatay si Toyang sa gitna ng digmaan. Ang masakit wala ako sa tabi nya noong sinugod sya ng mga kalaban."


Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Ninong. Ibang klase talaga sya kahit sa pagmamahal ay walang kapantay. Mula sa araw na ito makilala ko man si Nelly o hindi babantayan ko sya at ang pamilya nya.

  




HABAKWhere stories live. Discover now