CHAPTER SIXTEEN

6 4 0
                                    


A DAYS COME, nakilala ko ang magkapatid na namamahala sa orphanage kung sa'n nanggaling si Jace. Mga tita nya ang mga iyon, nabanggit din nila na iniwan si Jace sa kanila noong Isang taon pa lamang ito.

And after that namat4y na rin ang Mother nya dahil sa sakit nito, wala rin silang balit tungkol sa ama ni Jace. Kinasuhan namin sila, dahil na rin sa pangaabuso nila.

Mali 'yung diagnose nila should I say, gawa gawa lang nila iyon. Karamihan din sa mga bata sa ampunan nabubugbog nila.

Sa ngayon, DSWD na ang namamahala sa mga bata. Naprocess na rin namin ang pag-ampon kay Jace kaya anak ko na talaga sya.

Naging ina ako ng isang mabait at gwapong bata.

"Mama Mariana, sa'n po tayo pupunta?" Nakangiting tanong ni Jace, I pats his head tsaka ko rin ito nginitian. Hindi pa kasi sya nakikita ng Daddy at ng Family ko.

"Sa bahay, I would like you to meet my Dad and my siblings. May pamangkin din ako, si Vince-pinsan mo sya." Paliwanag ko sa bata, kita naman ang ning ning sa mata nito.

Kasalukuyan akong nagd-drive pauwi sa amin, nasa kanto na lang naman ako. Excited na raw silang makilala si Jace.

Pagkarating namin sa bahay agad kaming sinalubong ni Vince, "Tita-Ma!" He hugs me tight.

Nagawi ang tingin nito kay Jace na nasa likuran ko, nagtatago. "Hi! I'm Vince!"

"I'm Jace," Nahihiyang sagot nito.

"Twinny! sya na ba 'yon?" Tumango naman ako, nilapitan agad ni Mela si Jace. Nagsalit salitan ang tingin ni Jace sa akin at kay Mela.

"Ay! nalito ka ba? twin sister ko ang Mama mo."

Dumating din si Dad at inaya kami sa loob, nasa hapag kami ngayon at kumakain. Panay ang sulyap ni Daddy kay Jace at kahit si Vince.

"Dad, baka matakot si Jace." Saway ko rito, bahagya namang natawa ang Daddy ko. "I'm just curious, anak. Hindi kasi s'ya lumalapit sa akin kanina pa."

"Kahit ako, Dad, matatakot sayo e." Hirit pa ni Mela.

"I'm not scared po, nahihiya lang po ako. Thank you kasi tinanggap nyo po ako." Napangiti kaming lahat sa sinabi ni Jace, ang matured nya.

Ginulo ni kuya ang buhok nito dahilan ng pagtingin ni Jace sa kanya, " Of course we will. We're family." Saad ng kuya ko.

Bumabait ang kingkong!

"So, don't be shy, Jace." Dagdag na tugon ni Ate Carmen.

Pagkatapos namin kumain nasa labas kaming lahat, nagpapahangin at nagpapahinga. Malaki naman kasi 'tong labas ng bahay. Kalaro ni Jace si Vince at Daddy, naghahabulan sila.

"Pag talaga 'to si Daddy nirayuma na naman." Naiiling na sabi ni Mela, halos lahat kami nakatingin sa kanila.

"Edi, Lola remedios." Sagot ng kuya ko tsaka ngumuya ng apple, kakabalat pa lang ni Ate Carmen no'n para sa mga bata, nauna pa sya.

"Mag aasawa na nga ako," Nasamid naman ako sa sinabi ni Melaria, ang kuya ko naman nabilaukan sa kinakaing apple.

Sabay kaming napatingin kay Mela, "What did you say?!" Sabay din naming tanong ng kuya ko.

"Ba't ba gulat na gulat kayo? grabe ha!" Reklamo nya.

"Binigla mo kami," bulalas ni Kuya Vlad.

Too Loud to Love YouWhere stories live. Discover now