CHAPTER SIX

15 4 1
                                    

It's been 2 days simula nung may maramdaman ako, iduuno. Magulo. Halo-halo ang nararamdaman ko.

Dalawang araw na rin akong di makatulog, dalawang araw na rin akong 'di kinakausap ni Genesis.

Hindi dahil sa bitin yung kiss nung nakaraan ha! magulo lang, sobra.

Dahil ba kasama ko si Justine? bff ko naman yun tsaka nagseselos ba sya? Argh!

“What happened?” bungad ni Jude, napabuntong hininga na lang ako at umiling.

“Nothing.” Maikli kong sagot. Inabot nito ang activity sheet. “Thanks.”

After ng klase nag aya si Melaria sa cafeteria, I refused. “BAKEEEEET?” Sigaw nito sa hallway.

“Ewan, basta h'wag muna.” Matamlay kong sagot, kinapa naman ako ni Jude. “I'm not sick, Jude.” Sinaway ko ito.

“Then what happened?” —Melaria.

“There's something bothering me, ewan ko ba!” Sabi ko at naupo sa bench.

“Genesis?” ani ni Melaria.

“hays! siguro—” Akala ko ay tinanong ni Melaria kung si Genesis ba ang iniisip ko.

“What's bring you here?” tanong ni Jude.

“Daanan 'to, nakita ko lang si Melaria.” Malamig ang tono ng pananalita nito. Damn it.

Naramdaman ko na nangilid ang luha ko, “Pwede naman namin kayong iwan kung gusto nyo mag usap.” I said, hinawakan ko ang kamay ni Jude at umalis.

Lumayo lang kami, dinala ko sya sa hallway na malapit sa classroom namin.

Narinig ko na napabuntong hininga si Jude, “that was for?” he asked. “Time for them, I guess.”

“Tsk! hindi 'yon ang nakikita ko. Now, what's happening here?”

Naramdaman ko na bumagsak ang luha ko, niyakap ako ni Jude. “H-Hindi ko lang maintindihan, Jude.” He pats my head.

“May kung ano sa nararamdaman ko, hindi ko talaga maiwasang 'di maging emosyonal.” Magulo talaga kasi. Hindi ko rin naman maintindihan si Gen. Sarap sapakin.

“D-Do you like him?” kumawala ako sa yakap nito, “h-huh?” tinignan ko lang ito.

“I said, do you like Genesis?” Umiling ako.

“Stop lying, 'yung something na iniisip mo is kung may nararamdaman ka ba sa kanya o wala.” Hindi ako nakasagot agad, siguro nga—hindi, ayon talaga 'yon.

“I see.” Nanatili lang akong tahimik.

“Hoy! ba't nyo naman ako iniwan?!” Sigaw ni Melaria, ang hilig sumigaw. “For time, I guess?” sabi ni Jude. Napapunas naman ako ng luha sa pisngi ko at umiwas ng tingin kay Mela.

“Hmp! no'ng iniwan nyo ako, umalis na si Genesis.” Umupo ito sa tabi ko, “Tell me, Mariana. May LQ kayo?” she asked, binatukan ko naman ito.

“Gaga! anong LQ ka d'yan?” Irap ko rito, tumawa lang ito.

“Lamig nyo e, hindi naman tag ulan, 'di rin tag lamig. Ang init init nga, eh!”  Sabi pa nito.

“Palagi kaya kayong mag kasama ni Genesis.” Umiling lang ako at nanatiling tahimik, napansin ko na gano'n din si Jude.

“I'm sorry, mauuna na ako.” Bago ko pa sila maiwan ay nakita ko na pinigilan ni Jude si Melaria na sundan ako.

Too Loud to Love YouWhere stories live. Discover now