CHAPTER SEVENTEEN

8 4 0
                                    

Kinabukasan no'n ay pinaliwanag ko kay Justine lahat, kahit yung about kay Jace sinabi ko na. Ayokong may mawala sa kwento ko at magtampo sya.


Hindi nya pa rin daw tanggap na nakakasama ko Genesis. Well, galit sila sa lalakeng iyon kahit na pinaliwanag ko na lahat na may kasalanan din ako.


Napasandal ako habang nakatulala sa mga papel na nasa desk ko, sinabay ko na kanina si Jace sa pagpasok. Maaga lang naman sya ng 30 minutes.


Pakiramdam ko tuloy, pinaglalaruan ang ng tadhana. Bumukas naman ang pinto ng opisina at niluwa no'n si Klaire na nakabusangot.


"Bakit?" Ibinagsak nya ang kanyang sarili sa sofa, "Hindi ko alam kung anong trip ni Justine, ang lamig nya." ungot nito.


Boyfriend nya si Justine, na bff ko. Dahil siguro sa nangyari kahapon, nakaramdam ako ng guilty. Nadamay pa yung relasyon nila.


"Kausapin ko ba?" Suggestion ko, nag iba ang ekspresyon ng mukha nya. Medyo maalwan na. "Please! masisiraan ako ng ulo kakaoverthink."


I just nodded, inaya ko na lang itong kumain since lunch break naman na.


"Eh, si Genesis, nag usap na kayo about sa inyo?" Tumungo ako at tinignan sya, bakit naman sinali nya pa iyon sa usapan?

"Anong samin? walang gano'n."

"Try to hear his reasons," napaisip naman ako sa sinabi nito. Should I? hindi nya naman iyon ginawa noon. Naalala ko lang nung nageexplain ako sa harap nya.


Nailing ako at tumayo, tinawagan ko na rin si Justine at sinabi yung rants ni Klaire, narinig ko itong bumuntong hininga.


"Naguilty na rin ako, baka dahil sa nangayari kahapon kaya gano'n ka kay Klaire."


Call me mababaw pero ayon talaga ang naisip ko, [nah, may problema lang din. But thanks for concerns, Mariana.] Pagsabi no'n ay ibinaba nya na ang tawag.


Ipinaalam ko naman agad kay Klaire ang napag usapan namin ni Justine, wala naman itong nasabi sa kwento ko at umuwi na lang. Sana maging maayos na sila.


Pagkarating ko sa unit nakaupo si Jace at nanonood ng tv, iginala ko ang paningin ko at hindi ko nakita si Genesis.


"Mama!" Sinalubong ako nito ng yakap, hindi ko na naamoy pawis ang anak ko. Mukhang naka half bath na.


"Kumain ka na ba?" Tanong ko rito, 7pm na ng makauwi ako. Umiling naman si Jace.


Nangunot lamang ang noo ko, iniwan ko muna sya sa sala atsaka ako natungo sa kusina. Walang Genesis, kahit sa kwarto.


Iniwan nya lang anak ko, hindi manlang ako tinawagan. Irita kong hinanap ang phone number nya sa contact ko.


[The number you have dial is out of-] I Immediately hang up the call. Hindi sya sumasagot sa tawag kahit sa texts ko.

MARIANA:

Asa'n ka? iniwan mo lang yung anak ko rito.


Maghahanap na talaga ako ng Yaya ni Jace, padabog akong pumunta ng kwarto at inilapag ang gamit ko. Bumalik ako sa sala para samahan si Jace na abala pa rin ito sa panonood.


Nag order ako sa Mcdo, pang dinner namin ng anak ko. Kasi ba naman 'tong papa nya!


"May binilin ba si Genesis sayo, Jace?" umiling ito habang nakatutok pa rin sa pinapanood.


Too Loud to Love YouWhere stories live. Discover now