CHAPTER THREE

8 3 5
                                    

“Okay class, pass your paper.” Natapos na ang pangalawang subject namin, kanina ay niyaya ako ni Jude para kumain sa cafeteria.

Dalawang buwan na rin ako rito sa school. Wala namang bago ro'n, palagi pa rin akong binu-bwisit ni Brittania. And si Genesis? Ewan, minsan mabait, minsan ksngina.

Magkasama sila para mamikon at makapikon.

Lunch break

Sa dalawang buwan na 'yon, Palaging dumaan dito si Mela kapag break, sabay sabay kaming kumakaing tatlo nila Jude.

ABM student si Melaria, nabanggit nya kasi na sya rin ang hahawak ng kumpanya nila in the future. Sanaol, libro lang siguro ang mahahawakan ko in the future.

“Look, tingin mo maganda 'tong design for my 18th birthday? I know next month pa 'yon pero gusto ko pag handaan.” Napili nyang theme color ay purple, I like purple too.

Tumango naman ako, at sumang ayon na lamang. Next month din ang birthday ko, iniisip ko kung uuwi pa ba ako sa probinsya.

“Ikaw ba Mariana, kailan ang birthday mo?” tanong ni Jude.

“September 15, naisip ko nga—” di na ako natapos ng biglang mag react si Melaria, “What?! same tayo?”

“Weh? ikaw din?” siguro ay madami rin kaming nakasabayan nung araw na 'yon.

“Owemji, twinny tayo!” Nag apir naman kami pagtapos na sabihin 'yon. Same vibes!

“Siguro kung nab-buhay Mommy ko matutuwa 'yon.” Nakaramdam ako ng kirot ng sabihin nya iyon.

“Wala na rin akong Mother” ani ko at kinuha ang Mini notebook ko sa bag.

Kinuha ko ang picture ni Mommy at pinakita iyon sa kanila.

“Ta-da! ayan si mama.” pakilala ko sa kanila. “She's beautiful, 'di mo kamukha.” ani ni Melaria,

“Wow 'te!” natatawa kong sagot.

Maraming nagsasabi kaya baka father ko ang kamukha ko.

“Seryoso, siguro kahawig mo father mo—” natigil din ito sa pag sasalita, “nope, mag kamukha kayo.” sabat ni Jude.

Nagkatinginan naman kami ni Melaria, tinanggal ni Jude ang eye wear ko at inayos ang buhok ko. Gano'n din si Melaria, inayos ang curly hair nya.

“Woah” sabay naming sabi.

“Siguro dapat nyo alamin lahat tungkol sa inyo.” ani ni Jude, sinuot ko ulit ang eye glass ko.

“Maybe I should ask my dad.” sabi ko.

“Hindi ako makapaniwala, para tayong kambal.” naiiyak na sabi ni Melaria, hindi ko alam pero sobra akong natutuwa.

“Dapat ba mag overthink na ako?” natawa naman kaming tatlo sa sinabi ko.

Lahat naman ng students ay nandito sa waiting shed ng school dahil sa lakas ng ulan, wala rin akong dalang payong. Napa-atras naman ako sa lakas ng ulan, malamig pa.

“H'wag ka masyadong umatras.” ramdam ko yung pag hinga nya sa tenga ko—Genesis. Inirapan ko ito at umusog para 'di ako madikit dito.

pakaunti na ng kaunti ang mga estudyante sa shed, naramdaman ko na may dumampi sa likod ko.

“Gamitin mo na 'to, rain coat ko 'yan.” ani nito.

Nakaramdam ako ng kung ano sa tyan ko, bulate ata. “Ikaw? pa'no ka? Mababasa ka ng ulan—” nilabas nito ang payong nya.

“Nope, may payong ako. Una na ako.” ani nito at iniwan ako. Kikiligin ba dapat ako? haha sa una lang masaya.

Medyo humina na rin ang ulan kaya nag simula na akong maglakad papuntang sakayan. Isang sakay lang naman 'to pauwi ng dorm.

Too Loud to Love YouWhere stories live. Discover now