CHAPTER TWENTY

7 4 0
                                    

Warning it contains R18🔞

IT'S BEEN TWO DAYS already, kinabukasan no'n nandito si Genesis pero wala akong balak pansinin. Wala naman syang ginawa that time.


Hindi muna ako pumasok ngayon sa trabaho dahil may event sa school nila Jace. Sinama ko na si Lola para naman malibang din sya, makikita nya rin naman do'n si Vince at kila Kuya.

Kahapon naman sinundo na si Kych ng mother nya at hindi iyon alam ni Kurei. Yung kapatid ko naman may ibang pinagkakabalahan, umalis na sya sa entertainment nila.

Nasa school kami ngayon, masayang masaya naman itong si Jace habang hawak hawak ko ang kamay nya.

"Tita-Ma!" Pagtawag ni Vince sa akin, niyakap ko ito. "Hi Vince gwapo!"

"Buti naman nakapunta ka," ani ni Ate Carmen, nilingon ko naman si Kuya.

"Hindi pwedeng wala ako rito, 'diba, Jace?" Masiglang tumango ang bata.

Pumunta na kami sa Gym ng school, madami na ring parents ang nando'n. Marami rin ang bumati sa anak ko, masaya ako at the same time kumukunot ang noo ko.

Karamihan kasi sa kumausap at bumati sa anak ko mga babae. As in.

"Alin sa kanila ang may gusto sayo?" tanong ko rito, napalingon naman sa akin si Jace. Sinimulan nyang hanapin ito, kung saan-saan itong tumingin.

"That girl po," turo nya sa maputing batang babae, matangos ang ilong at kulay asul ang mata.

Foreigner ata ang magulang no'n.

"Maganda," ani ko.

Nagsimula na ang event, may mga palaro na sila. Una yung sa sako tapos iikot sila sa isang teacher na nakaupo.

Nagkaro'n din ng bring me, marami tuloy ang batang napatakbo kung san san at naging aligaga kakahanap.

"Bring me...Daddy!" hinila naman ni Vince si kuya Vlad kaya't sabay silang napatakbo sa unahan.

Nanatili lang sa tabi ko si Jace at palingon lingon, ani mo'y may hinihinatay at hinahanap.

I feel bad, napabuga ako ng hininga habang tinitignan ang anak ko. Nakita ko na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, kaya't nagawi rin ang tingin ko sa tinitignan nito.

Anong ginagawa nito rito?

"Papa!" Masayang ani ng bata at sinalubong ng yakap si Genesis.

"Sorry, I'm late." Sagot nito sa bata, iniwasan ko ito ng tingin.

Sinabihan sya ni Jace?

"Ayos lang po, may next game pa!"

Natapos ang bring me, ngayon salubong ang kilay ng Kuya ko at matalim ang tingin sa akin kay Genesis. Wala naman kasi akong ideya na pupunta to.

"Let's proceed to paper dance!" Magiliw na sabi ng MC.

Next na palaro nila ay paper news dance but this time parents na ang maglalaro. Hinaltak na lang ako basta ni Genesis at kumuha ng news paper.

Mas excited pa sya maglaro kesa sa ibang magulang.

Nag volunteer na sumali si Ate Carmen at hinila ang kuya ko sa gitna, tuwang tuwa naman si Vince.

ito namang anak ko, nagtatalon ng makita kami ni Genesis na maglalaro.

"Wow! please be ready parents!"

Too Loud to Love YouWhere stories live. Discover now