CHAPTER NINE

6 4 0
                                    




Matapos ng mga nalaman ko, agad ko itong sinabi kay Papa, sabi nya ay hahanap daw sya ng paraan para malaman ang lahat tungkol sa'kin.



Sa ngayon ay kinakausap na ni Papa si Lola, ani nya ay babalitaan na agad ako.



Sunday ngayon at Birthday ni Elsie, naligo ako agad at nagbihis, sinuot ko ang dress na binigay ni Elsie sa akin.



Ang ganda, as in. Pink daw kasi ang theme color kaya ganito. Then sa mga guy is any formal. Nag make up din ako pero light lang.



"Ang ganda." Nabalikwas ako ng harap nang may nagsalita sa likuran ko.



"Alam mo, Gen. Kung may sakit lang ako sa puso, inatake na ako dahil sayo!" Irita kong tugon.



He hugs me from the back, "I'm sorry." Ito na naman ako nagiging marupok sa lalake na to.



"Kunin mo na yung gift ko," Nginuso ko sa kanya ang paper bag sa may bed ko.



"Let's go?" He asked, umangkla ako sa braso nya at sabay kaming bumaba sa may parking lot.



Invited din sila Lucas pero si Mela ang hindi makakapunta. Nasa ospital pa ang bruha eh.



Pagkarating namin ay madami na ring tao, 10am start ng party nya. Maaga na yon dahil may pasok pa ang mga bata bukas.



"Ate Marianaaa!" Tawag ni Elsie sa akin, nanakbo pa ito tsaka ako niyakap.



"Happy birthday little princess!" Bati ko rito tsaka ko kinuha kay Gen ang gift nya.



"Wow! thank you, ate!" Masaya itong bumalik sa mga kalaro nya.



"Is that your kuya's girlfriend? she's pretty!" Ani pa ng kalaro nya habang nakatingin sa amin.



Bata 'yon kaya di sya nagsisinungaling!



"Ija, I'm glad you came." Nakangiting sambit ng Mother ni Genesis. She hugs me at inaya ako na kumain.



Nakwento nya na si Elsie raw talaga ang pumili ng dress ko, grabe ansaya sa puso.



Kasama ko sa table sila Genesis at ang pinsan nitobg si Saxon kasama si Jizzel. Andaming dinala ni Gen sa akin ng carbonara, gusto ko tuloy umiyak.



"Papatabain mo ba si Ate Mariana?" Pabirong tanong ni Jizzel, kapansin pansin kasi yung dami nito.




"Yes, kahit maging damulag pa 'yan." Sagot naman ng mokong, pinalo ko ito sa braso.





"Genesis?" Lumapit sa amin ang isang ginang, sa tantya ko nasa 70s na ito.




"Lola, nakauwi ka na po pala." Niyakap nito ang ginang kasunod no'n si Saxon.




"Laking binata na, Saxon. Is that Jizzel?" Turo nya kay Jizzel na nakaupo, tumango naman si Saxon. "She's pretty." papuri nya rito.



Nagawi ang tingin nya sa akin, nawala ang ngiti nito sa kanyang labi. Halur? anong ginawa ko?



"Who is she?"



"Ah, she's Mariana. My future girlfriend," Pagmamalaki ni Gen, napatango lang ang Lola nya, tumayo ako para magmano. Pumayag naman sya.



"Kaawaan ka, ija."



"Kain lang nang kain, okay? Genesis, let's talk." Agad namang sumunod si Gen sa Lola nya.



Too Loud to Love YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin