CHAPTER FIFTEEN

4 4 0
                                    


Nakausap ko si Papa greg, sya pala ang bagong business partner ng Buenaventura. My Dad talks about it pero nakalimutan ko ata. Pumayag sya for business.

Hindi naman ako ang hahawak no'n which is ang kuya ko, kaya okay na rin. Hindi ako galit kay Papa Greg, nagtatampo lang siguro ako.

"Nakabusangot ka?" Tanong ni Klaire, Napayuko ako at kumawala ng hininga.

"Bakit ang liit ng mundo namin at pilit na binabalik sila sa buhay ko?"

Ngumuya muna si Klaire ng burger bago nagsalita, "Para maayos ang nakaraan?" kabit balikat nyang sagot.

"Maayos my foot." Inis na sagot ni Mela, abala rin ito sa kinakain nyang footlong.

"Nangigigil ako." Dagdag pang sambit ni Mela habang hawak ang bote ng soft drinks. Pinipiga nya iyon sa inis.

"Teka nga, Mela! hindi naman ikaw 'yung pina-iyak."

Nailing ako sa mga ito, di na nagbabardagulan sila Jude at Mela silang dalawa naman ang pumalit.

Hindi ko pa sinasabi sa kaptid ko na kapitbahay ko si Genesis, ayokong magwala sya ro'n. Hahanap na lang din ko ng bibili ng unit ko.

PASADO ALAS SIYETE na ng makauwi ako, pa'no andaming ganap sa trabaho. Lalo na tumataas ang sales namin.

Napakunot ang noo ko nang may makita akong nakasabit sa door knob ng unit ko, paper bag iyon. Dali dali ko itong binuksan.

Pagkain ito, lutong ulam at kanin. May notes din. "I know you're hungry." Pagbasa ko. Nilingon ko ang pinto ni Genesis.

"Ano bang pake nya?" Kinuha ko pa rin iyon at bumaba ng condo. Atleast may ibang tao ang makakain nito.

May nakita akong bata, nakaupo ito. Iniabot ko sa kanya ang pagkain kaya't napatingala ito sa akin. "Sa'yo na 'to, wala ka bang kasama?"

Umiling ito, narinig ko ang pagkalam ng tyan nya. Kinuha nya ang pagkain. Nasa labas ito ng parking lot. Sa tabi, sa iskinita.

"Bata, ilang taon ka na? hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Sunod sunod na tanobg ko rito, nakaawa naman kasi.

Sino bang magulang ang nag iwan ng anak dito?

"Wala po," Malumanay na sagot nito. Sa tingin ko ahead sya kay Vince ng isang taon. Four years old lang si Vince.

Pinunasan ko muna ng wipes ang kamay nya bago ko sya tinulungan sa pagkain nya. Marunong naman na syang gumamit ng fork and spoon, masasabi ko na well mannered.

Inaya ko ito sa condo ko, though hinarang kami ng Guard. Nakiusap ako dahil kargo ko naman ito kaya't hinayaan kami nito.

Pagkarating namin sa unit ko, ibinaba ko ang gamit ko, kumuha ako ng towel. Hinalungkat ko ang damit ni Vince dito sa cabinet.

Sakto nandito pa ito, pinaliguan ko ang bata, warm water naman ang gamit ko oara di sya lamigin. "Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Jace po."

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo? o nawawala ka?" Umiling ito bago sumagot.

"T-Tumakas po ako," naluluha nitong sambit. May kung ano sa akin at nakaramdam ako ng lungkot. "Sa bahay nyo?" Tanong ko ulit habang binibihisan ito.

"Hindi po, sa ampunan po. Paki-usap po, wag nyo po akong ibalik do'n. Bad po sila." Niyakap ko ang bata, bakit kailangan nyang danasin to?

"I won't let that happen, gusto mo ba rito na lang sa bahay?" Ngumiti ito tsaka tumango.

Too Loud to Love YouWhere stories live. Discover now