CHAPTER TWO

9 3 2
                                    

Walang ibang ginawa si Brittania kundi inisin ako, nung isang araw pa 'to. Nakakawindang naman din si Genesis minsan maayos, madalas hindi. Hihingi na ako ng number sa rehab.

Sa Isang linggo ko rito, naging close ko sila Jude at Mela.

“Tulala lang sa hallway at nagmumuni-muni~” Kanta ni Mela sa tabi ko, nailing ako sa kalokohan nya. Sinong hindi matutulala? buti pa sila hindi madiskitahan ni Brittania, eh.

“Mela, tell me, bakit may clown do'n? Circus na ba ang school?” Turo ko kay Brittania, punong puno ng koloreta ang mukha.

Nahamapas naman ako nito sa braso tsaka tumawa nang tumawa. “Gsga!”

Dalawa lang kami ni Mela na nakatambay ngyon dahil busy much ang President Jude.

Sabay kaming nabaligwas ng kilos nang tumunog ang cellphone ni Melaria. Nagpaalam sya na aalis muna, may meeting raw sya. Tumango ako at nanatiling nakaupo.

Busy much sya sa career nya, singerist kasi si Melaria. Ako kasi, singer lang sa banyo.

Isang malakas na yabag naman ang patungo sa kinauupuan ko, 'kala mo eh bigat na bigat sa sapatos.

“Can you please help me? para naman may sense 'yung pag upo mo.” Madiin nitong utos, nilingon ko pa ang paligid ko.

Tinignan ko ito tsaka tinuro ang sarili ko, “Ako ba?” He nodded. Kapal naman ng apog nitong utusan ako.

“May mapapala ba ako r'yan, Genesis?” Taas kilay kong tanong sa kanya. May dala dala itong dalawang kahon sa magkabilaan nyang kamay.

“I'll treat you. Now, help me first.” Nilapag nya ang karton, malakas naman ang lagapak no'n sa sahig.

Kinuha ko iyon at mabigat, as in! Magkakamuscle ako dahil dito.

“Sa'n mo 'to dadalhin?”

“Somewhere.” Maikli nyang sagot, tinabig ko naman ito dahilan ng pagbitiw nya sa dala nyang karton.

Sinamaan nya ako ng tingin tsaka nailing, dinampot nya ulit ang karton. “Sa library, wala 'yung staff.” Napatango ako rito.

Sinusundan ko lang ito hanggang makarating kami ng Library. Ibinaba namin ito malapit sa Librarian.

“Thank you, Genesis.” Ani nito.

“Always welcome, Ma'am.”

Lumabas kami ng Library, may mga students naman kasi sa loob at nag aayos ng books. Nakasunod lang ako rito hanggang nakaabot kami ng Gate.

“Buntot na ba kita?” Pinalo ko ito sa braso sa sinabi nya, gsgo ba sya? lilibre na pa ako eh.

“Mama mo buntot. Lilibre mo'ko, 'diba?”

Matagal pa ito bago tumango, nginitian ko ito tsaka ko sya hinawakan sa kamay at  hinila palabas ng gate. May malapit na ice cream shop dito sa school.  Dumaan kami nila Mela ro'n.

“Welcome!” masayang bati ng staff, marami ring tao mga taga ibang school.

Naupo ako at namili ng oorderin. I chose waffle strawberry ice cream, si Genesis naman ay namimili pa rin. “I suggest banana split.” Ani ko rito.

He looked at me atsaka binaling ang tingin sa staff na naghihintay ng order.

“Banana split.”

“Okay, Waffle strawberry ice cream and banana split!” Masayang pag ulit ng staff sa order namin, naupo kami habang hinihintay ang order.

Napansin ko na nakatingin sa gawi namin ang mga babae sa kabilang lamesa, nakatuun ang atensyon nila kay Genesis.

Alam kong napansin iyon ni Genesis kaya't lumingon na lang sya sa labas.

Too Loud to Love YouWhere stories live. Discover now