Cancelled ka na.




"And you have no rights to touch what's mine, tadpole!" Palaban niyang balik sa isa. Pinigilan kong matawa dahil sa tawag niya sa babae dahil baka ako pa ang pagbuntungan niya. Halos magsigawan na rin sila ngayon kaya halos lahat ng mga taong kumakain sa restaurant ngayon ay nakatingin na sa gawi namin.




Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa eksena ngayon. Masyado na silang nag iinit at alam kong anytime ay magsasapakan na ito. At syempre hindi ko papaabutin sa ganon.




"What did you just call me?!"



"Tad..pole.. Butete!" Pag uulit pa niya na may diin kaya hindi ko na napigilan at natawa na ako na hindi naman dapat dahil sobra na silang nagkakainitan.




Parehas silang napatingin sa akin kaya nahigop ko agad yung tawa ko at sumeryoso ang ekspresyon ko. Ang sama niya kasing tumingin, parang may pagbabanta na, 'walang nakakatawa!' look.




"How dare you call me that?! Atsaka isa pa, who's yours, Miss? Wala akong inaagaw sayo okay?! You're crazy! Now, if you'll excuse me. I have to talk to that person behind you. Masyado kang istorbo!" Mahabang litanya niya at akmang naglakad papunta sa akin pero hinarangan niya si Ms. Castillo gamit ang katawan niya para hindi siya makalapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa palapulsuan ko.



Kumunot ang noo ni Ms. Castillo habang pinagkrus pa ang dalawang braso nito dahil sa ginawa niya. "What's the deal with you, Miss? Can you get out of my sight already?!" Asar na sambit niya sa kanya.



"You're the one who should get out of MY restaurant and MY wife! Get lost, tadpole, before I kick you out of here." She said as calmly as possible. Dahil napansin niyang marami nang naiistorbo dahil sa pagtatalo nila.




Ms. Castillo scoffed again, "You're delusional, Miss. And I don't care if this is your restaurant, I am a customer here so you should respect me. And whose wife are you talking about? Her? Oh my god, insane!" Turo pa niya sa akin na may mapang asar na ekspresyon sa mukha dahil hindi siya makapaniwala sa narinig niya.




Napalunok naman ako dahil sa mga naririnig ko sa kanila. Grabe na rin kasi ang higpit ng hawak niya sakin. Feeling ko sakin siya kumukuha ng lakas para pumatol kay Ms. Castillo.




Ganito talaga siya kapag nagseselos 'no? Natatawag akong wife...sarap sa ears kaso ayokong napapaaway pa siya dahil sakin.



"I've done my research about her, okay? She's single. So what are you saying that she's your wife?" She scoffed sarcastically again dahil hindi nakasagot agad si Love sa kanya. "Pumila ka sa likod kung gusto mong mapansin—"



"She's right, Ms. Castillo." I cut her off dahil baka kung saan pa mapunta ito at bigla na lang magwalk out ang babaeng nakahawak sakin.



Mahirap pa naman ito suyuin. Baka imbis na kasama ko siya sa piano recital eh baka hindi pa niya ako pasamahin sa mismong big day ng anak ko.



Kumunot ang noo ni Ms. Castillo dahil sa sinabi ko. "What?"


Pinagpalit ko ang pwesto namin ni Love at siya na ngayon ang nasa likuran ko. I intertwined our hands which resulted in Ms. Castillo's widened her eyes.



"She's my wife and you have no right to say improper things about her and I'm sorry to say this but I'm cancelling our deal. You don't deserve to be part of my company with that kind of manners."



"Wait—"



Hindi ko na siya hinintay pang magreact. Para saan pa? Sayang lang oras namin sa kanya. I got my things with me in joint with her as we went out of the restaurant together, not minding other people's murmuring and curious eyes.



This Is, Love (GxG)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang