Chapter 13

6K 152 75
                                    

Xyianne





"Nasaan si Ma'am?" Tanong agad sakin ni Bridge pagkaupo ko sa tabi niya.



"Padating na rin yon, may ilang minuto pa naman. Nauna na ako eh." Sagot ko sa kanya at nagkibit balikat.



"Ano yung nilapag mo sa desk? May test ba tayo? Hindi ako nakareview!" Tanong ulit ng kaibigan kong walang tigil ang bunganga.




"Wala, activity ata." Maiksing sagot ko habang tinatap ang kamay sa lamesa ko tila binibilang ang bawat minuto habang nakatingin sa pintuan ng room.




She sighed in relief. "Buti na lang, akala ko mabebetlog ang score ko for today's video."



"Malas mo, ako ang mananalo sa pustahan niyan." I smirked at her confidently.



"Asa ka!"



"Can I join the pustahan?" Nervana intervene. Akala ko wala siya dito dahil napakatahimik niya kasi. Nasa tabi ko pala ito.




"Huwag ka na sumali baka malugi ka." Sabat ni Bridge.




"Tell me how much,"



Sumandal ako sa upuan para makapag-usap sila ng maayos na dalawa. Napapagitnaan kasi nila ako at ako ang nahihirapan sa pagdungaw nila para lang makapag-usap sa isa't isa.




"You can't, bagsak ka nga sa Tax 1 eh." Bridgette giggled at her na kinasama ng timpla ng mukha ni Nervana. Lakas talaga mang inis.




I mentally chuckled but my face remained stoic. Baka madamay pa ako kapag nag-away itong dalawa.




"It's because of my sister. I'm right kaya. Hindi lang siya marunong makinig." Inis na maarteng sagot ni Nervana.




"Hindi ko na problema yon, siya ang kausapin mo tungkol sa quiz mong no erasure nga pero may explanation naman nung pinalitan mo yung answer mo."

Bridgette laughed at her. This time nahawa ako kay Bridge sa pagtawa pero pigil lang yung akin. "Look beshy, ako nagcheck niyan pero nung pinasa ko considered as zero daw sabi ni Ma'am."

At ayun na nga, tumawa na rin talaga ako kasi may ebidensiya pala siya! Grabe ang talino niya sa part na yun! My gosh!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

At ayun na nga, tumawa na rin talaga ako kasi may ebidensiya pala siya! Grabe ang talino niya sa part na yun! My gosh!



Nervana rolled her eyes at the both of us. "Ewan ko sa inyo." Sukong sagot niya at naghalukipkip ng braso. Sumandal na rin ito at nanahimik dahil one thing is for sure. Hindi siya mananalo kay Bridge kapag nang aasar na ang isa.





"Saan na si Ma'am ang tagal naman ata." Inip na turan ng katabi ko.

Maski ako napapaisip na rin dahil 5 minutes late na siya. Ang sabi pa niya imamark niya kaming absent kapag nalate. Kita mo, siya pa ang late ngayon! Iniwan ko naman siya ng maayos sa office niya eh. Ano kayang ginagawa noon?





This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now