16: What's with Me?

8 0 0
                                    


"Once again, I hope you all enjoy the activities we prepared for this month. Thank you, and you may now go back to your respective classrooms."


"Bitch na peke, ang dami mong dada." Sinamaan ko ng tingin si Winona sa kinanta niya matapos ang announcement ni Stella after ng flag ceremony. It was her first announcement on stage as the newly-elected SC President.



"Nona." Suway ko sa kanya.



"Totoo naman." Kibit-balikat niya akong sinabayan maglakad. Inilingan ko na lang sjya pero parang bentang-benta kay Matias ang punchline ni Nona.



"Saktong sakto 'yun ah." Gatong naman ni Matias habang tumatawa. Pansin kong inakbayan niya si Winona at nakisabay na siya sa amin maglakad. "Nona, nakagawa ka na ng reviewer?"



"Hindi pa. 'Wag kang mag-assume na papahiramin kita ng notes ko. Gumawa ka mag-isa mo."



"Ang damot mo naman. Nagtatanong lang, eh." I felt Matty's eyes on me. "Eh ikaw, Dani? May notes ka na?"



"Hep, hep! Sa kanya rin manggagaling ang notes ko kaya 'wag ka ngang epal dyan. Chupi! Be gone!"


As usual, hindi makokompleto ang araw ko kapag hindi nagaaway ang dalawa. Mas nakakagulat nga kapag magkasundo sila. Which is zero to none case.


"Anong activities ang sasalihan mo?" Biglang sumulpot si Airen pagkaakyat namin ng building.


Pinauna ko na lang sina Matias at Nona para hindi masyadong masikip paakyat ng hagdan.



"Ah... Wala akong planong sumali." It wasn't a lie at all. Wala talaga akong balak na sumali sa kahit anong activities ni Stella ngayong buwan.



It's not about being bitter, medyo off lang talaga ang mga activities ngayong Buwan ng Wika. I don't know. They're too generic and overused. Iniba niya lang ng pangalan.



"Really? Dani the Great is not joining in anything this month?" I rolled my eyes at him.



"Cut the nickname, Airen. And yes, I'm serious. Hindi ako sasali. Manonood lang ako. Siguro next month kapag maganda ang mga nakalatag na activities."


Isa pang dahilan ay ise-celebrate ang Buwan ng Wika by the end of the month. And that is the same week for the First Quarterly Exams.


Mas gusto ko na lang ituon ang atensyon ko sa mas mahahalagang bagay.



Nag-review lang kami sa first three subjects bago mag-recess. Monday ngayon, at maguumpisa ang Exams ng Wednesday hanggang Friday.



Surely the other teachers will not hold classes today and give us the time to participate in Stella's first project and to review since it's exams week.




"Buti na lang, maliit na bag lang ang dala ko." Busy si Winona humigop ng mango shake niya habang nakatambay kami sa Student's Corner.



I was working on my notes. Talagang sinusulit ko ang oras na binigay sa amin today para mag-aral. "Gala tayo mamaya sa Events hall. Tignan natin 'yung mga paandar ni Stella."



"Hmm." Tumango lang ako.



"Mamaya na 'yan, Dani. Give yourself a break! Hindi ka pa nagre-recess!" Inabutan niya ako ng isang pack ng biscuit.



"I'm in the mood to study, Nona. Alam mo naman kapag nasapian ako, itutuloy-tuloy ko na 'to."




"Porke nag-announce lang na wala na tayong klase, talagang sinubsob mo na ang sarili mo dyan." She rolled her eyes at me and I just smiled. "Dani, saglit lang tayo sa Events Hall, please? May titignan lang ako."



Be the First (Love in Rivalry #1)Where stories live. Discover now