7: Innocent Incident

24 3 0
                                    


WINONA's POV


Alas dose na, pero wala pa ring Daniella Miel Saavedra Samaniego ang lumilitaw para sa room campaign dito sa building ng Grade Seven.



Dito kasi sila naka-schedule manligaw ng boto para sa SC elections.


"Hoy, wala pa ba siya?" Tanong ko kay Matias habang nakapwesto kami sa second floor hallway.



Nakaka-limang sections na kami, wala pa run si President! Paano siya mananalo nito?



Ugh! Eto ang pinakadahilan kung bakit ayoko ng mga ganitong aktibidades sa school. It's too much pain in the ass.



Pero napasama rin ako sa na-excuse today, kaya wala akong choice kundi sumama dito sa kanila at support na rin kay Dani syempre.



Isa pa, who doesn't want to be legally excused from the class, diba?



Chance ko na para maglibot libot ng campus habang legal akong nakaka-skip ng klase!



"We bring the pain like~" nilingon ko ang ibang officers ng The Heralds na nagpapractice ng sayaw sa gilid habang hinihintay namin na payagan kami ng teacher na pumasok sa classroom para magpabida at mangampanya.



I glanced at my phone. Ni tawag or message hindi niya magawa.



"Damn, damn, damn. Dani, don't get your nerves win over you!" I hissed under my breath as I walk back and forth.



Kahapon pa dapat namin siya kasama, pero alam ko kung bakit hindi siya sumusulpot para sa campaign!



It's because of the fact that she has to dance!


That's Dani the Great's number one weakness!



"What's with Dani, Nona?" Tanong sa akin ni Matias na parang nababasa niya ang iniisip ko. "Sinasadya niya bang hindi pumunta dito?"



Napatingin ako sa mga officers at kay Matias. "N-no, she's fine. May tinatapos lang siyang duty sandali sa Journ. She'll be here."


Matty didn't look convinced. "You sure?"


"Oo nga." Ang kulit!



"Konting oras na lang matatapos na 'yung oras natin for campaign, oh. Ang tagal naman niya? May balak pa ba siyang pumunta? Tatakbo pa ba siya?"



"Oh yes, sabi niya saglit na lang raw." Here I go again, making excuses for Dani. "Don't worry guys, Pres will be here soon. Okay?"



"It's been hours. She's exactly just like this yesterday." Hirit pa niya.



Ngayon ko lang napagtanto kung bakit nagkakabangga rin si Dani at Matty. Ang kulit kulit kasi eh!


Hinila ko siya sa dulo ng hallway bandang hagdan. Tinulak ko siya sa pader malapit sa hagdanan at doon ko siya na-corner.



Be the First (Love in Rivalry #1)Where stories live. Discover now