8: A Test of Patience

11 2 0
                                    

DANI's POV



"Dani, pahiram akong notes mo?" Sabi ni Winona pagpasok pa lang niya ng classroom.



May long test kami ngayon sa AP at lahat maagang pumasok para makapag-review. Well, except for Nona. Hindi talaga siya maaga pumapasok.




But considering she's eight minutes early, then, okay. Maaga siya today.




Nilapag ko kaagad sa desk niya ang notes ko. "Mag-review ka na, dali. Malapit na dumating si Ma'am."




"Paano ka?" Nahihiyang tanong ni Nona.



"I'm all done, and I'm ready." I gave her a reassuring smile. Dumaan ang Friday at weekends na hindi kami nagkausap ni Winona. I know something was wrong, kaya nag-message ako sa kanya.



All she replied to me was a big heart emoji. I tried to call, pero hindi niya sinasagot.



Whatever it is, hindi pa siya ready na sabihin sa akin and I respect that.



"Thank you, Dani. May reviewer naman ako pero hindi ganto ka-detailed tulad ng--"



Biglang may humablot ng reviewer ko sa kamay ni Winona, at si Matias iyon. "Aba, okay 'to ah. Ang ganda ng notes nila Dani, pare. Look."




Pinakita naman ni Matias sa dalawa pang itlog ang notes ko. Airen looked back to give me a smile. Si Izrajel rin napatingin sa notes ko at nagtagal doon ang tingin niya.




"Hey, give it back!" Hinampas ni Nona si Matias at bumalik na naman sila sa pagbabangayan like always. So it means... okay na sila?




"Nakiki-review lang, eto naman..." Sabi ni Matias pagkabalik niya ng notes ko kay Winona na pulang-pula sa inis.




"Ask nicely, then! Hindi 'yong para kang snatcher ng reviewer!" Natawa naman ang ibang classmates namin sa sinabi ng kaibigan ko.




Well, at least they're back to normal.




Saktong nakangiti ako sa dalawa nang biglang lingunin ako ni Izrajel. Our gazes locked for a while bago siya umiwas ng tingin at bumalik sa pagre-review niya.




And that awkward feeling went back to me like a train. Kumuha agad ako ng libro at binuksan ko 'yon para pang-shield ko kay Airen at Izrajel.




Gusto kong ibaon sa limot 'yung nangyari sa cafe, kaso hindi ko magawa dahil bumabalik-balik sa akin ang lasa ng cheesecake na kinain ko.




It was so delicious na parang gusto kong bumalik sa Sweet Oasis Cafe para bumili ulit no'n!




Pero dahil magaspang ang ugali ni Izrajel at nagbitaw ako ng salitang hindi na ako babalik doon, I can't bring myself to swallow my pride.




Plus, his mother got the bad idea of me being Izrajel's girlfriend. Ayoko ng ganoong hassle.



Pero naglalaway pa rin ako sa cheesecake!



Siguro kaya tumingin sa akin si Izrajel para i-check kung nasarapan ako sa cheesecake. Yes, it was good and I wanted more.



But there's no way I'll admit that!



I got the perfect score sa long test, si Winona naman ay 37 out 50 ang score. I cheered her up with a fact na long test pa lang naman at mababawi naman niya 'yon soon.




Be the First (Love in Rivalry #1)Where stories live. Discover now