14: Friends?

15 1 0
                                    

It's been a week since Stella won the position. One week na ring namatay ang issue between me and the other partylists. Somehow, medyo nabawasan ang mga paguusap at paninira.



It's like it's almost back to normal. Almost.



Isang linggo pa rin kaming hindi nagpapansinan ni Winona. I tried many times to try and talk to her, pero pinipili niyang iwasan ako.



Minsan, nagkakasalubong kami sa daan na parang may gusto siyang sabihin. Pero bumabalik 'yung galit at pride ko.




"Wow! Ang cool ng activities for this month! " Nilingon ko ang kumpulan ng estudyante sa harap ng Announcement Board.




"Bago pa lang sa posisyon si Stella, ang dami na niyang pakulo, ha!"




I stared at the posters on the announcement board.




Oo nga pala, Buwan ng Wika ngayon at ito ang unang project niya bilang school council leader.




Naalala kong kailangan kong i-feature ang event na ito para makapagsulat ng article na ipapasa sa Journ club.





Then it means I have to work side by side with Izrajel...




"Looking cute, Dani." Napaiwas ako sa kamay ni Airen nang hawakan niya ang suot kong headband. Instead, ginulo niya ang bangs ko. "What are you thinking?"





"Wala naman," nagpatuloy akong maglakad papunta sa cafeteria. Hindi ako nakapagbaon dahil maaga akong umalis ng bahay kanina para pumasok.





I heard him followed. "Matty and Nona are at the Student's Corner. Doon na lang tayo kumain. Nagpa-order ako ng food."




Napapansin kong gumagawa ng paraan si Airen para magkausap at magkaayos na kami ni Nona.




"Okay."




Sumama ako sa kanya papuntang old spot at nadatnan namin doon sina Matty, Winona, at ang kambal. Kumakain na sila at  maraming nakahatag na pagkain.





"Yay! Ate Dani's here!" Sigaw Cienna habang pumapalakpak.




Nagkatinginan kami ni Winona at nauna siyang umiwas ng tingin. "Halika na, kain na tayo." Pagyaya sa amin ni Matias.





I was hesitant for a moment. Hindi ako sanay na tahimik sila. The air around this place is a little heavier than I remembered. Or maybe nago-overthink na naman ako?




"Hay, napapahiya lang tayo." Sabi ni Winona. She looked pissed off when she stood up from her seat. "Ba't niyo ba kasi pinipilit? 'Pag hindi okay, hindi okay. Kapag ayaw, edi ayaw. Tapos."



"Nona," tinawag ko siya. Pero nilakaran niya lang ako at nilayasan niya kami. There was an awkward silence after that.




"She was hurt, Dani." Biglang nagsalita si Matias. "I was with her the whole time at inakala niyang hindi mo na siya papansinin. Maybe let's give her more time?"




I nodded and walked away.




A week is already too long. Sana bukas, makausap ko na si Winona...




Pumunta ako sa usual spot ko sa library at nakita kong nakaupong natutulog si Izrajel doon.




He had his arms crossed with a book on his lap. Nakatanggal rin ang salamin niyang nasa sahig.





Be the First (Love in Rivalry #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora