1 : Ang Tatlong Itlog

32 3 0
                                    



"Magpaawat ka naman, Dani." I glanced up from my book and looked up at Winona. "First day of school ngayon. Wala pang klase, huy."


Hinila na lang niya bigla ang libro ko nung hindi ko siya pinansin. "Winona! Give it back! Kailangan kong matapos 'yan!"


"Okay lang mag-review ng lessons in advance. Pero mag-aral ng lessons from first to fourth quarter? Ano bang klaseng adik ka, ha?" Lalong naningkit ang singkit niyang mata nang itago niya sa bag ko ang textbook na inaaral ko.


Nandito kami ngayon sa school garden dahil hindi pa naguumpisa ang First Flag Ceremony ngayong school year. Napaaga kami ng dating dahil lahat kami excited.


Grade Nine na kami ni Winona. Yay! Grade Eight naman ang kambal. Another year, another win.


"Nasira ang buong schedule ko nung bakasyon. Please, hayaan mo na ako." Nakanguso kong sabi.


"Nasira? Paano naman nasira? Eh panay alis nga kayo ni Airen at panay bonding kayo!"


"Hindi ko 'yun ginusto!"


"Hindi ginusto? You were bonding with him and going to art classes with him the whole summer!"


"Hindi ako nag-enjoy!"


"Bakit hindi ka nag-enjoy?"


"Kasi napilitan nga lang ako, diba?" I gave her a look. Mukhang nakakalimutan kasi ni Winona na na-blackmail lang ako ni Airen na makipag-bonding sa kanya para lang hindi niya madaldal kay Kuya Thomas ang sikreto ko.


I'm sure as hell it's gonna be awkward kapag nalaman ni Kuya Thomas na ang kaibigan ng bunso niyang kapatid, eh gusto siya.


"Hindi ka nag-enjoy? Kahit konti?"


"Hated every second of it."


Tumaas lang ang blood pressure ko kay Airen every session sa Art Class. Bukod sa gumagawa siya ng mga overly malalaswang painting (na hindi naman pinapagawa), sobrang ingay at gulo niya. Palaging nagpapatawa kahit hindi naman nakakatawa. At palaging epal sa klase.


Papansin masyado. Sabik na sabik sa atensyon, to the point na wala na sa lugar!


In short, my summer art class was ruined because of him.


Magkukwento pa sana ako ng mga hinanaing ko nang nagdaang summer break kaso tumunog na ang bell. Kaya tumakbo na kami ni Winona sa school grounds para pumila sa linya ng Grade Nine.


Junior year, here we go!


Pansin ko sa pila ng Grade Eight ang kambal na sina Cienna at Martha. Stand out talaga ang parehas nilang headband. Hindi ko rin sila nakita buong summer break. I'll make sure to hug them so tight later.


"I can see new faces sa pila natin." Natutuwang sabi ni Winona na nasa likod ko. "Ang daming cuties!"


Sinamahan ko si Nona sa pagsipat ng mga bagong mukha sa pila ng Grade Nine. Oo nga, ang daming bagong mukha.


Except doon sa isang asungot. Pansin kong palinga-linga si Airen na nakapila sa harapan. Hinahanap niya siguro kami para mambwisit.


Sa kasamaang palad, dito siya nag-enroll at hindi na humanap si Tita Meilin ng ibang schools na pwedeng pasukan ni Airen. Mom explained na iiwanan raw kasi siya dito nila Tita Meilin at Tito Cam for a while, since sakit lang siya sa ulo sa London.


Be the First (Love in Rivalry #1)Where stories live. Discover now