4 : The Great Divide

15 3 0
                                    

FILING OF CANDIDACY DAY



"We are The Heralds!" Narinig kong sigaw ni Cienna habang nagwawagayway ng banner naming green and red. "We are The Heralds! Please vote for us!"

Canceled ang first three morning subjects for all levels dahil ngayon ang araw ng Filing of Candidacy para sa Supreme Student Council Elections.

Nasa school grounds kami at nasa taas ng stage ang mga aspiring President and Vice-Presidents kasama ang mga Chairperson ng Office of the Student Body.

For Brighton Academy, being a great learner means becoming a great leader. Kaya naman, isa ito sa mga pinakamalaking event ng campus kaya lahat ng estudyante ay nasa grounds rin at required manood at kilalanin ang mga tatakbo sa eleksyon.

Ngayon rin ang araw na magsasalita ang mga aspiring Presidential candidates para magbigay ng maikling speech sa lahat.

Kitang-kita ko ang malaking banner na ginawa nina Winona at ng mga kambal. Nasa baba sila ng stage pero sa pinakaharap nakapwesto ang ibang mga aspiring officers.

"Five candidates for the Vice-President position." May nagsalita sa harap ng mic stand, at iyon si Mr. Dela Fuente, ang chairperson ng Student Body.

Naghiyawan ang mga estudyante sa crowd nang mag-step forward ang limang Vice-President aspirants sa stage. Nilingon at nginitian ako ni Matias, ang aking last-minute na bise... sa kasamaang palad.

Kinakailangan ko talagang mabuo ang partylist para hindi mapawalang bisa ang pagtakbo ko. Wala naman sa plano ko ang tanggapin siya sa partylist ko, no choice lang talaga ako.

My last resort was to force Winona to run with me, pero hindi talaga niya gusto at kaya. Matias, on the other hand, was really willing to join my partylist. Dumaan pa kami sa mahabang negotiation bago niya ako mapapayag na maging Vice-President ko siya.

Kasabay humakbang ni Matias si Airen, ang bise ni Izrajel na kalaban ko.

"Five candidates for the President position." Mas lumakas ang hiyawan nang humakbang na rin kaming mga aspiring leaders sa harap, kasama ang mga Vice namin.

Nilingon ko ang apat kong kalaban sa pwesto. Si Izrajel. Si Stella ng Class A. At dalawang Grade Ten students ng magkaibang klase. Si Homer at Beatrix.

Base sa pagiimbestiga at chismis powers ni Winona, lahat sila ay mga performing students sa bawat klase nila.

"From eighteen aspirants... down to five candidates. Let's use this time to hear the voices of these promising leaders-to-be. Let's give the floor to the first partylist... New Hope Partylist!"

New Hope is Stella's partylist and she delivered her speech well. Maraming pumalakpak at nag-cheer sa kanya dahil isa siya sa sinasabi nilang beauty with brains ng Cheerleading Club.

Sumunod na nagbigay ng speech 'yung dalawang Grade Ten na sina Kuya Homer ng Abante Partylist at Ate Beatrix ng Frontiers Partylist.

"Ang weird mo." Narinig kong sabi sa akin ni Matias nang napansin niyang pumalakpak ako pagkatapos ni Ate Beatrix mag-speech. "Kalaban mo, papalakpakan mo? Plastik mo rin eh."

Sinamaan ko siya ng tingin. "She's my friend, and my Senior Feature Editor sa Journ. Ano bang pakialam mo?"

Nagkibit-balikat siya. "Hello? Ako ang Vice mo? You seem to forget."

Everybody in the crown stopped clapping when it was Izrajel's turn to approach the mic stand in front. Aware ang lahat sa never-ending rivalry ng Brighton Academy at New Gen High na pinanggalingan ni Izrajel at ni Matias...

Be the First (Love in Rivalry #1)Where stories live. Discover now