12: Aftermath

13 1 0
                                    


WINONA's POV




Dani wasn't her usual self noong bumalik siya sa school. Hindi na nga siya palangiti, at hindi rin siya masyadong umiimik.





I did my best naman pars ipagtanggol siya sa mga estudyanteng grabe makapagsalita sa likod niya. Nakailang confrontation na rin ang ginawa ko. All grade nine students hate her, actually.





Hindi ko lang alam sa iba. But then, iba kasi ang sakit dito sa Brighton. The moment na may pumutok na issue na si ganito si ganyan ay pinaguusapan, wala nang intro-intro, paguusapan na rin nila at paniniwalaan ang rumors.





Without knowing all sides of the story. Oh the crowd likes rumors, beefs, and tea.





"Sinong binoto mo?" Inakbayan ako ni Matias, na kakalabas lang ng activity center, kung saan ginanap ang elections for Student Council.






Tinulak ko kaagad siya papalayo.





"Sino pa ba?" Inirapan ko siya. Kahit disqualified si Dani, nandoon pa rin siya sa pangalan sa balota, kaya pangalan pa rin niya ang binilugan ko. Wala akong paki.





I even wrote the words 'Justice for Dani' doon sa likod ng papel. Bahala na kung maging invalid vote. Nagkasundo ang The Heralds at ang ilang supporters ni Dani na gano'n ang gawin.





"Wag mo kong tignan ng ganyan, si Dani pa rin binoto ko 'no." Mukhang tanga si Matias ngumiti, lalo na't hindi pa rin gumagaling ang pasa niya sa mukha dahil kay Kuya Airen.





Speaking of the devil, lately parang laging nakalapit si Kuya Airen kay Dani.





Well, kahit naman nung una pa, laging trip ni Kuya Airen si Dani. Ang kaibahan lang ngayon, hindi lumalayo si Dani at parang nae-enjoy niya ang company ni Kuya Airen.





Tulad ngayon.





Nadatnan namin sila sa Student's Corner na kumakain ng lunch. Missing in action ang kambal dahil bumuboto pa sila. Canceled ang classes hanggang after lunch para magbigay oras sa eleksyon.





"Huy, ang sarap naman ng ulam mo!" Tinabihan ko kaagad si Dani. "Penge?" She nodded and gave me some of her sliced Spam.





Napansin kong hindi lumapit si Matias sa table namin dahil nandoon si Airen. Hanggang ngayon di pa rin sila okay. Maski nga rin si Izrajel hindi na madalas kumikibo at kasama ni Airen.





Sinenyasan ako ni Matias na sa cafeteria na lang siya kakain. I nodded at him. He gestured to his phone at pagkatingin ko rin sa phone ko, may message na siya. Saka siya naglakad papalayo.

Be the First (Love in Rivalry #1)Where stories live. Discover now