6: Choreo, Chaos, and Cheesecake!

20 3 0
                                    

"Pres, quick question. Kahapon ka pa hindi sumasama sa campaign. Ayaw mo bang sumabay sa jingle at choreo natin?"

"Alam ko," I replied while getting busy typing my on-going article on my Macbook. "Just give me one sec, Matias. Sasagutin ko rin 'yang concern mo."

Deadline na bukas ang feature article na pinapagawa sa akin ng Journalism Club kaya naman hindi na ako mapakaling tapusin ito.


After that blasted, cursed, ill-fated encounter with Airen, hindi na nawala ang ngiti niyang nakakaloko at mga pangaasar niya, kaya naman sobrang naging mahirap para sa akin ang interview-hin si Airen at Izrajel para sa feature article ko.


So here I am, rushing everything. Lahat na ng transferees na-interview ko na bukod sa dalawang itlog na 'yon.

They know how much hassle it would affect me with them delaying this interview. Mga bwisit sila. Mga nanandya.



Dahil sa kanila hindi ko natututukan masyado ang pangangampanya!


"Sabi lang naman sa akin ni Winona, hindi ka raw ganoon kagaling sa Dance Department, in fact, she mentioned it was your weakness." Napatigil ako sa ginagawa ko bigla. Then I looked up at Matias. "So, iniisip ni Nona, baka raw nahihiya ka sa choreo natin or ayaw mong sumali doon kaya--"


"Stop talking, Matias." I raised a hand as a gesture for him to stop blabbering nonsense. "Anong sinabi ni Nona?"



Matias gulped and looked like he messed up something. "Nevermind, Pres. Sabihin ko na lang susunod ka pagtapos mo diyan. Nasa building kami ng Grade Seven kung makakasunod ka, ha." Tumayo na siya at dahan-dahan na naglalakad papalayo.



"Matias." Napahinto siya sa paglalakad. "Repeat what Nona said about me and the dancing part."



Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. "Shit, sabi niya pala secret lang." I heard him whisper under his breath. "Pres, sorry. Nagaalala lang kami kasi--"



"Tell the others na susunod ako after..." I glanced at my wrist watch. "After ten minutes."



"Noted. See you later, Pres!" At tuluyan nang tumakbo palayo si Matias. Alam niyang malilintikan siya kay Winona kapag nalaman niyang nadulas siya.



Well, ito naman kasi si Nona, bakit kailangan pang i-share ang tungkol sa mga kaliwang paa ko pagdating sa pagsasayaw?



Now's not the right time for any of the drama, Dani. I reminded myself. Alam kong nasabi lang 'yon ni Nona out of worry. Because it's true anyway, at nakakapekto na rin sa campaign namin ang attempt kong tumakas sa sayaw at jingle.



"Well, I gotta do what I've got to do to win." I tried to encourage myself. Inayos ko na ang mga gamit ko para makasunod na sa mga ka-partido ko.



Siguro sa jingle with choreo, doon na lang ako sa likod pupwesto.




"You can do this, Dani. You got this," I always do this to cheer myself up lalo na't alam kong magkakalat ako sa steps mamaya.



Mabilis na akong naglalakad papunta sa building ng Grade Seven. "Just do it, Dani. Get it over and done with!" Paalala ko sa sarili ko.



"Talking to yourself again, Daniella?" Nilingon ko ang nakakairitang boses ni Airen. Kasama niya ang kapartido niya at si Izrajel na may mga dalang flyers.


"Shut up," I gritted through my teeth. Obviously dito rin sila mangangampanya sa building na 'to.


Argh! Is fate playing with me?



Be the First (Love in Rivalry #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon